𝓒𝓱𝓪𝓽𝓮𝓻 𝓯𝓸𝓾𝓻𝓽𝓮𝓮𝓷

5 1 0
                                    

BINIGYAN siya ng nagdududang tingin ni Mickey. Sing dilim ng gabi ang kumalat sa mukha nito. Nakakatakot.

"S-sorry! Hindi ko alam na hindi pala pwedeng maligo sa pool. Masyado kasi akong na-excite kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko." Paliwanag niya.

"Wala bang pool sa inyo?"

"A-ano?"

"Hindi ka talaga nag-iisip! Basta-basta ka na lang kumikilos!"

"Sorry na nga 'di ba? Sinabi ko na nga sayo na hindi ko alam na bawal pala akong maglibang!"  Halatang nagtitimpi siya sa pang-iinsulto na ginagawa nito sa kanya.

"Well, hindi 'yan ang point ko. Nag-swimming ka na may ibang babae na kasama, Yuri!" Naiinis na paliwanag nito. "Kahit saglit ba pumasok sa utak mo na paano kong may nakakita ulit sa inyo na magkasama at kunan kayo ng picture? Ano kaya sa tingin mo ang mangyayari?"

Natigilan siya sa sinabi ni Mickey. Hindi niya agad nadepensahan ang sarili.

"Pagpipyestahan na naman tayo ng media. Tapos ganyan pa ang suot mo!"

"Pogi ba?" Pagjo-joke niya na may halong katotohanan.

"Porke malaki?" Makahulugan na wika nito habang nakatingin sa ibabang parte ng katawan niya.

"Mabasa man o hindi malaki talaga 'to." Nguso niya sa kanyang pag-aari.

"Whatever."

"Mapalalaki o babae man babakat at babakat talaga ang mga babakat kapag nabasa. Tsaka dapat ba akong mahiya?"

"That's not my point." Napahawak sa batok si Mickey.

"Kung totoo lang sana tayong magkasintahan, walang magiging issue ang media."

"Anong ibig mong sabihin?" Tila nakuha niya ang atensiyon nito.

"Masyado ka kasing mailap sa'kin. Kaya iisipin talaga ng media na nangangaliwa ako."

Parang nilamukos na papel ang mukha ni Mickey. " So, kasalan ko?"

"Hindi mo naiintidihan e. Ang pinto ko, ipakita mo namang emotional attached ka sa'kin. Para naman magmukhang totoo ang relasyon natin. Ang cold mo kasi."

"Wow! Emotional attachment!" Nang-iinis na ulit nito. Pagkatapos ay sinundan ng pekeng tawa.

"Anong nakakatawa?" Tanong niya rito.

Naglakad papalapit sa kanya si Mickey. Saka bumulong.

"Gusto mong maging sweet ako sayo, Yuri?" Nilapit pa nito lalo ang bibig na halos marinig na niya ang paghinga nito."Gusto mong lambingin kita? Otherwise, you want me to kiss you?"

Umatras siya ng ilang distansiya mula kay Mickey.

"Huwag mo nga akong subukan. Sinasabi ko lang sayo kung gusto mong maging perfect ang fake relationship na 'to, magpakita ka naman ng kahit kaunting saya kapag kasama ako. Hindi iyong sobrang layo mo na nga, para ka pang napipilitan!" Pag-amin niya."Kahit sinong makakakita sating magkasama ay hindi talaga maniniwalang may relasyon tayo."

"Ang kawalan mo ng isip ang problema rito!"

"Diyan ka naman magaling. Ang ibuntong sa iba lagi ang sisi. Manalamin ka nga." Tinuro niya ang salamin sa likod ni Mickey. Pero hindi nito nilingon ang salamin.

"Kasalanan ko bang malawak lang talaga ang pag-iisip ko?"

Nagtagis ang bagang ni Yuri.

"Napaka-arogante mo talaga! Hindi alam ang lahat ng bagay!" Nawawala na sa kontrol ang boses niya. Pakiramdam niya anumang oras ay sasabog siya.

"Mali ka." Sagot nito. "Alam ko ang lahat ng bagay."

"Nakakasuya ka."

"Ulitin mo nga ang sinabi mo."

"NAKAKASUYA KA!" Singhal niya rito.

Mickey pushed him towards the wall. Without hesitation, he kissed him.

Subalit maagap niyang naitulak si Mickey papalayo sa kanya.

"Sapat na ba 'yun para maging emotional attached ako sayo?" Dumaloy ang pang-uuyam sa boses nito. He's caught unguarded. Matagal bago umandar ulit sa pagproseso ang utak niya. Natauhan na lamang siya nang marinig na malakas na ipinihid ni Mickey ang pinto.

Parang may nagaganap na karera dahil sa nag-uunahang pagpintig sa puso niya. Dahilan para manginig siya sa kabila ng nakapatay naman ang Aircon. Sobrang nabigla talaga siya sa mga nangyari.

***

Hindi bumalik si Mickey pagkatapos ng nangyari. Nag-text na lang ito na kailangan niyang maghanda para sa magaganap na business dinner. Siya naman ay agad na sumunod.

Kahit na hindi pa siya nakaka-recover mula sa nangyari sa pagitan nila ni Mickey. Mula sa ginawa nitong pang-iinsulto pagkatapos siya nitong halikan.

Habang in shock pa siya ay basta na lang siya nitong iniwan na parang walang nangyari. Na parang hindi siya hinalikan ng isang...babae.

Sa kabilang banda, inaamin niyang kahit saglit lamang na naglapat ang kanilang mga labi, nagustuhan niya ang halik na ginawa nito.

"Handa ka na ba-" natigilan si Mickey nang mapadako ang mga mata nito sa kanya. Hindi nito maitagong may kakaiba sa mga titig nito sa kanya.

"Late na tayo. Bilisan mo na." Pagkasabi ay agad na siya nitong iniwan.

Hindi man lang nito pinuna ang ayos niya. Tahimik na lamang siyang sumunod dito.

"Mickey!" Salubong sa kanila ng isang morenang babae.

"Long time no see, Magenta." Bati nito sa babae saka naupo sa kaharap nitong upuan.

"At sino naman 'tong napakaguwapo mong kasama?" Kinindatan siya ni Magenta. Nahihiya tuloy siyang umiwas ng tingin. Baka kasi mahuli siya ni Mickey at maging dahilan na naman ng away nila.

"Isa siya sa mga employee ko. Si Yuri." Pakilala nito sa kanya na bahagya niyang ikinagulat.

"Nagagalak akong makilala ka, Yuri."

"Ganun din po ako ma'am." Ganti niya na medyo ikingiti ni Magenta.

"Just call me, Magenta." Nakangiti parin nitong sabi. At hindi iyon nakaligtas kay Mickey. Pasimple kasi siya nitong tinignan na parang hindi siya natutuwa sa nakikita.

"OMG! Akala ko hindi mo kami sasamahan!" Napaangat ng tingin si Magenta mula sa kung sino. Kaya napaangat na rin siya ng tingin. Si Marcelo.

"Pasensiya na kung nahuli ako." Paumanhin nito sa kanila. Sobrang elegant ng pananamit nito na parang artista sa isang movie series. Ang lalaking kabaliktaran niya.

May tiwala sa sarili, maaasahan at masyadong maanghang.

Naupo ito sa tabi ni Yazmin.

"Ang ganda mo naman, Yaz!" Puri nito kay Yazmin. Pagkatapos ay pinuri din nito si Magenta.

"Sus nambola ka pa. E, hindi mo nga ako magusto-gustuhan." Irap ni Magenta kay Marcelo.

Tumawa si Marcelo ng marahan. "Alam mo namang may iba na akong kinalolokohang ibang babae." Nilingon nito si Mickey saka nginitian. Na ginantihan din naman ng ngiti ni Mickey.

𝐁𝐈𝐑2: 𝐌𝐚𝐫𝐫𝐲 𝐌𝐞 Where stories live. Discover now