𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 𝓮𝓲𝓰𝓱𝓽

4 1 0
                                    

NASAPO niya ang kanyang noo.

"Ano ba 'tong nagawa ko?" Usal niya.

Hindi maproseso ng utak niya ang naging pag-uusap nila ng boss niya. Si Mickey Arcenal.

Ano bang nangyayari sa kanya?

"Anong nangyari, Yuri?"

Nagulat siya nang biglang magsalita si Rain na nasa harap niya.

"May check up ako." Pagsisinungaling niya. "Paalam."

Mabilis na lumabas ng building si Yuri. Tumakbo siya ng tumakbo nang hindi alam kung saan papunta.

Nag-uunahan ang kanyang mga iniisip. Dahilan para gumulo ang kanyang utak, at pagpawisan ng malamig.

Nagagalit siya sa kanyang sarili dahil sa katangahan niya. Nagagalit siya dahil hindi niya binasa ang mga nakasulat sa kontrata. Nagagalit siya dahil ginusto niyang pumunta ng club.

Hindi na siya nakakapagsaya. Kaya gusto lang naman niyang...

Napabuntong-hininga na lamang siya. Simula pa kasi noong una ay hindi na talaga umaayon ang pagkakataon sa kanya.

Iyung sa renta niya, sa dami ng trabaho niya, at higit sa lahat, sa boss niya. Na pinasok siya sa isang pekeng relasyon. At wala siyang ibang pwedeng gawin kundi ang makinig at sumunod lang.

Gusto lang niyang makontrol at hindi siya papayag na mas manaig ito sa kanya. Pero napakatindi naman ng balik sa kanya. At nagmukha siyang tanga. Nagmukha siyang tanga ulit.

Natigil lang siya sa pag-iisip nang mag-ring ang phone niya.

"Roy..." Sambit niya nang mabasa ang pangalan ng caller.

Marahil nakita na nito ang kumakalat na article tungkol sa kanya at sa boss niya. Hindi niya pa kayang kausapin ito sa ngayon.

Binaba niya ang tawag saka nagpatuloy sa paglalakad.

"A-anong..."

Kaliwat kanan ang mga reporter a tapat ng apartment building na tinutuluyan niya. Habang nasa harap ng mga ito ay ang landlady niyang si Andrea. Pinagkakalat nitong matagal na siyang tenant ng babae at...ano raw? Sobrang close nila?

"Totoo bang matagal ng may relasyon sina Miss Arcenal at sir Yuri Reyes?" Tanong ng isa sa mga reporter.

"Ah...ah...hindi ako sigurado... " Nauutal na sagot ni Andrea.

"Pero sabi mo sobrang close kayo?"

"O...oo! A-ano kasi..."

Hindi makapaniwala si Yuri sa kanyang nakikita at naririnig. Kaya palihim siyang naglakad papasok ng building.

"Sir Yuri!" Sigaw ng isa sa mga reporter na nakakita sa kanya. Kaya wala na siyang ibang nagawa kundi ang tumakbo sa abot ng kanyang makakaya.

Hinihingal siyang pumasok ng apartment saka mabilis na ni-locked ang pinto. Napamura na lang sa sobrang pagod.

Akala niya wala ng isasama pa ang araw niya. Meron pa palang ilalala!

Isang doorbell ang umalingawngaw sa loob ng kanyang apartment. Kaya wala siyang ibang kundi ang mapasigaw. Saka binuksan ang pinto.

"Pakiusap wala akong panahon sa mga walang kwenta niyong tanong-" hindi niya naituloy ang sinasabi nang mamukhaan ang babae. "Miss Yazmin?"

"Maling araw yata pagpunta ko," ani Yazmin.

"I don't think merong tamang araw sa ngayon..."

"Pwede ba akong pumasok?"

"Oo naman!" Nilakihan niya ang awang ng pinto para makapasok ito.

Sa sala sila nagtungo.

"Nakita ko ang nangyari." Sabi nito nang makaupo ito sa sofa.

"Meron pa bang hindi nakakita?" May hirap sa kanyang boses.

"Pasensiya ka na, Yuri. Hindi naman talaga dapat ganito. Maniwala ka sakin. Miss Arcenal will never put you so much trouble like this." Paliwanag nito.

"Isa siyang batong walang puso. Kaya paano niya maiintindihan ang sitwasyon ko?" Mariin niyang sabi rito.

Bahagyang nagulat si Yazmin sa mga sinabi niya. Pagkatapos ay tumikhim.

"May nangyari ba sa inyong dalawa na hindi maganda?" Usisa nito sa kanya.

Yumuko siya. "Wala kasi siyang pakialam sa mga nangyayari...Habang heto ako at hindi magkandaugaga." Pagkukwento niya sa abogada.

"Nai-imagine ko nga." Napayuko si Yazmin. "Walang may gustong mangyari ito. Magpapanggap ka lang naman kasi sa harap ng papa niya."

Napahilamos siya. "Hindi ko alam na ganito pala siya kabigatin."

"Oo naman. Kahit saan ka lumingon, nandun ang pangalan niya."

"Alam kung sikat siya pagdating sa business. Kahit saang article nandun ang pangalan niya. Pero ito? Hindi ko ini-expect na mangyayari ito."

"She also hate media. Pero masyadong tumatawag ng atensiyon ang career and achievement niya."

Bumakas ang pag-aalangan sa mukha niya. "Huli na ba para umatras?"

"I'm sorry." Malungkot na sagot nito.

Nasapo niya na lang ang kanyang noo at napamura sa isip. Subalit tinawanan lang siya ni Yazmin.

"Masasanay ka rin." Sabi pa nito sa kanya. " Huwag kang mag-alala. Maraming security na nagtatrabaho kay Ms Arcenal. Walang makakasakit sayo. " Pagpapakalma sa kanya ni attorney.

"Ayoko lang namang nasa spotlight ako. Hindi ako sanay." Paliwanag niya.

"Kahit sino sa posisyon mo ay kikiligin." Napapaisip na sabi nito.

"Mukha ba akong kinikilig?"

Hindi sumagot si Yazmin.

"Nasa tabi mo lang ako, Yuri. Kapag meron kang gustong pag-uusapan, huwag kang magdadalawang isip na sabihin sa'kin. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang matulungan ka."

Nakakagaan naman ng loob na isiping may taong handang makinig sa mga problema niya.

Hindi niya kailangang magpanggap o hindi naman kaya ay magsinungaling sa harap ni Yazmin. At mukha naman itong mabuting tao.

"Salamat, pero kaya ko na ang sarili ko, kahit papaano. Ayokong maabala ka pa dahil sakin."

Nagulat si attorney Yazmin sa naging sagot niya. "Pasensiya ka na, Yuri. Maybe I'm pushing myself towards you. I'll never do it again." Medyo malungkot ang boses nito. Maya-maya ay sinundan nito ng pagbuga.

"T-teka, phone ba nating dalawa ang tumutunog?"

Magkasabay nilang kinuha ang kanilang mga phone. At binuksan nila ang phone.

Halos malaglag ang kanilang panga nang mabasa ang bumungad sa mukha nila.

SECRET AFFAIR?!

May isang magandang babae ang namataang pabalik-balik sa apartment ng fiancee ni Miss Mickey Arcenal?!

"May nakakita sayo!" Bulalas ni Yuri kay Yazmin.

"Y-Yuri hindi ko-"

Nag-ring ang phone ni Yazmin at agad naman nitong sinagot ang tawag.

"Yes, ma'am?"

Napahigpit ang kapit niya sa kanyang kinauupuan. Alam na niya kung sino ang kausap ni attorney Yazmin.

"Naiintidihan ko." Pinatay nito ang tawag saka tumingin ng seryoso sa kanya. "Iayos mo na ang mga gamit mo. Pupunta tayo sa bahay niya."

Biglang nataranta si Yuri. Bakit sila pupunta sa bahay ng boss niya?

𝐁𝐈𝐑2: 𝐌𝐚𝐫𝐫𝐲 𝐌𝐞 Where stories live. Discover now