𝓒𝓱𝓪𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 𝓽𝔀𝓮𝓷𝓽𝔂

2 0 0
                                    

"GOOD LUCK sayo, Yazmin."

Natutuwa siya sa naging desisyon ni Yazmin. Hindi man niya iyong inaasahan pero gusto niya itong suportahan. Ito na lang ang tangi niyang maigaganti sa pagiging mabuti nito sa kanya. Sa pagturing nito ng tama sa kanya.

"Salamat, Yuri. Isang malaking bagay ang pagsuporta mo para sa'kin."

Nginitian niya si Yazmin saka humigop ng tea. Paghigop niya aya agad itong naibuga sa sahig nang maramdaman ng bibig niya kung gaano iyon kainit. Ang mas masakit pa ay naitapon niya rin ang laman sa damit niya.

Natataranta niyang dinampot ang basahan saka pinunas iyon sa damit niya. Kulay pula ang tea at kulay puti naman ang damit niya kaya paano niya iyon matatanggal?

"Hindi matatanggal ng basahan ang kulay niyan." Nag-aalalang lapit sa kanya ni Yazmin. May mga naiwanang mga damit ang kapatid ko sa cabinet. Iyon na lang ang ipampalit mo." Nang maramdaman nito na tatanggi siya ay agad na siya nitong pinangunahan.

"Hindi maganda ang kondisyon ng damit mo." Pagkasabi ay tumayo ito at pumasok sa isang kwarto. Paglabas nito ay may dala na itong black shirt. " Ito suutin mo."

"S-salamat. Saan ba ang banyo mo para makapagpalit ako?"

Ngumuso si Yazmin,"diretsuhin mo lang 'yang medyo makipot na daan. Sa dulo ang banyo."

"Sige, salamat."

Tumayo na siya upang pumunta ng banyo. Sinunod niya ang direksyong binigay nito at natunton niya naman.

Pagpasok niya sa banyo agad niyang sinara at sumandal dito.

Aalis na siya-malungkot na sabi niya sa sarili. Nagkagulo na tuloy lalo ang brain cells niya nang mga oras na iyon.

Para siyang basang sisiw na pinagtabuyan ni Mickey. Ngayon naman ay si Yazmin na  aalis na at titira sa ibang syudad. Si Yazmin na tanging pinagpapasalamat niyang nakilala niya lalo na ng mga oras na kailangan niya ng mahihingahan.

Napabuga siya ng hangin saka lumingon sa salamin ng banyo. Napagtanto niyang iniwanan at iiwanan na siya ng mga taong naging party ng buhay niya. Kahit na sila ay pandalian lamang niyang nakausap at nakasama. Nararamdaman niya na pinanghihinaan na siya ng loob.

Sa sandaling namasa ang kanyang mga mata ay siya namang pagtunog ng doorbell sa bahay ni Yazmin.

"Ano ang ginagawa mo rito?" Narinig niya na tanong ni Yazmin sa kung sino mang nag-doorbell.

"May naiwan yata akong document sa bahay mo."

"Anong documents?"

Nagmamadali siyang nagpalit ng damit saka lumabas ng banyo. Out of curiosity, nilapitan niya si Yazmin na nakatayo sa may pinto.

At parang tinakbuhan siya ng kanyang ulirat nang makilala kung sino ang kausap nito.

M-Mickey?!

Agad siyang napansin ni Mickey, at gannun din si Yazmin. Mickey gave her a suspicious stare.

"Nag-usap lang kami."  Paliwanag ni Yazmin.

"I think I left it somewhere else. Pero pakisabi parin sa'kin baka makita mo."

"Sige."

Umalis na agad si Mickey nang hindi man lang nagpapaalam sa kanila. Nagtataka tuloy si Yazmin kung bakit personal pa talaga itong pumunta sa bahay nito para maghanap ng documents. But after she saw him, Mickey automatically make an excuse.

***

ONE WEEK LATER.

Bago umalis ai Yazmin ng Manila at pumunta ng Zambalez ay sinabihan pa siya nitong pwede siyang tumira sa bahay nito.

Pero pinangunahan siya ng hiya kaya tinanggihan niya ang offer nito. Bumalik siya sa dati niyang apartment at binayaran ang hinihinging karagdagang bayad sa upa ng kanyang landlady. Kaya hindi natin siya nito ginugulo pa.

Nagtatrabaho parin naman siya sa Crux Enterprises ng walang masyadong pahinga. Iyon ang tanging naisip niyang paraan upang makalimot sa masalimuot niyang pinagdaanan.

Nakalimutan na niyang minsan siyang nakipagkasunduan sa boss niya. Nakalimutan niyang minsan ay nakausap niya ito-not as his boss. Nakalimutan niyang minsan silang magkasama sa iisang bahay. Nagkasabay sa pagkain, at nagkasabay na naglakbay. Natulog ng magkatabi sa kama.

Na para bang hindi niya nakasama ang daddy nito para mamili ng damit para sa kasal.

Ang lahat ng iyon ay tuluyan ng nabura sa isipan niya. Bumalik na siya sa tunay na siya. Iyong tipong hindi na nagpapanggap.

Mas naging maganda ang buhay niya ngayon. Nagagawa niya ang mga baya na gusto niyang gawin nang walang pag-aalangan. Maayos na ang lahat. Bumalik na sa normal ang lahat.

Nag-unat siya nang matapos na rin niya ang dokumeno na ginagawa niya. Saka dinampot ang phone na nasa ibabaw ng mesa.

"Twelve pm?!" Bulalas niya nang makita ang oras sa screen ng phone. Nagmamadali tuloy siyang nagligpit at lumabas ng building.

"Sh*t!" Bulalas niya nang salubongin siya ng malakas na ulan. Binuksan niya ang dalang bag saka naghanap ng payong. Pero wala siyang nakita kaya mas lalo siyang nainis.

Tinignan niya ang screen ng phone at isang oras pa bago may dumaan na bus.

"Sumabay ka na sakin." Sabi ng naglalakad na si Mickey. Ni hindi man lang siya nito nilingon kaya wala siyang ideya kung sino ang tinutukoy nito. "Daanan lang ng apartment mo ang condo ko."

Nagdadalawang isip siyang sumakay sa kotse ni Mickey. Tahimik lang sila at walang may balak na magsalita.

"Salamat sa paghatid Miss Arcenal." Pasasalamat niya sa boss.

Nakita niyang kumislot ang dibdib ni Mickey. Saka siya nito sinagot. "You are welcome Mr Reyes."

Lumabas na siya ng kotse at akmang tatakbo na sana nang tawagin siya sa first name ni Mickey. Automatic na nanigas ang kanyang katawan nang marinig niya ang boses nito.

Lahat ng mga alaala nila ay unti-unting bumabalik sa isipan niya. Alaala ng...

Pilit niyang winawaksi ang mga alaalang iyon.

H'wag...

H'wag...

H'wag...

Pakiusap...

H'wag!

H'wag kang lalapit...

Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kotse.

Kasunod noon ang mga yabag ng mga tumitilamsik na tubig ulan.

Naramdaman niyang hinawakan siya nito sa balikat. Tumagal iyon ng ilang minuto.

"Sana ayos ka lang."

Hinarap niya ito ng may ngiti sa labi. "Ayos lang ako. Ikaw ba?"

"Ayos lang din."

"Masaya akong marinig 'yan. Masaya akong makausap ka, miss Arcenal." Sabi niya habang pilit na nakikipag-eye-to-eye kay Mickey. "Mag-iingat ka pauwi."

Pagkasabi ay tinalikuran niya na ito saka pumasok ng building. Sumakay siya ng elevator at nang magsara ang pinto ay saka niya lamang pinakawalan ang kanyang luha.

𝐁𝐈𝐑2: 𝐌𝐚𝐫𝐫𝐲 𝐌𝐞 Where stories live. Discover now