Keen Elishie Monterey's POV
"What's up mah dear cousin's, anong atin ngayon ha". Pambungad samin ni Maui at pasalampak na umupo dito sa may sofa sabay kuha nito sa bote ng beer.
Mukhang masaya ito ngayon at nasa mood hindi katulad netong isa na kanina pa babad sa cellphone nya. Pakiramdam ko tuloy ay para lang akong hangin kanina, mabuti na lang at dumating pa itong isa.
"Itanong mo dito sa pinsan mo". Sagot naman ni Sachiel sa kanya bago ituon ulit ang tingin nito sa cellphone.
Bumaling sa akin si Maui at itinaas ang kanang kilay nito para sa akin mag tanong habang itinutungga yung bote ng beer na dinampot nya.
Balak ko kasing sabihin din sa kanila ang magandang balita kaya hindi na ako nag pa tumpik tumpik pa at agad akong nag tungo dito sa bar ni Sachiel, mabuti na lang at committed ito dito sa business nya kayat inaya ko ito kaagad dito sa usual na mesa namin habang sinabihan ko naman itong si Maui na pumarito.
Nang ibaba ni Maui yung beer nya ay sya namang pagtanong nito sa akin. "Balita ko magiging tatay kana daw". Biglaang tanong nito na agad kong kinagulat. Pati yung isa na malayang umiinom sa beer nya ay biglang napabuga dahil sa sinabi ni Maui.
Teka ibabalita ko palang sa kanila, bakit naman alam na nito agad. Napatingin silang dalawa sa akin habang itong si Sachiel ay pinupunasan yung mesang nabugaan nya ng alak. Mabuti ngat hindi sa amin ni Maui ito napunta dahil baka mabatukan kopa ito ng wala sa oras.
"Is that true?". Tanong ni Sachiel sa akin ngunit hindi ko ito sinagot.
Tumingin ako kay Maui na naka cross leg pa.
" Paano mo nalaman?". Tanong ko naman sa kanya ngunit ngumisi ito."So it's true". Pag kukumpirma nya. Si Sachiel na gulong gulo na ngayon dahil papalit palit na ang tingin sa amin ni Maui.
"Wait! Can the two of you tell me what the hell is going on?". Tanong na nito sa amin.
"Well I was supposed to tell you about Dion being pregnant but since alam na nitong si Maui kaya sayo na lang. Teka, Ikaw". Turo ko kay Maui. "Saan mo ba nalaman?". Tanong ko sa kanya dahil gusto kong malaman kung sino ang nag chismiss dito.
"Pumunta ako sa bahay nyo kahapon and Tita Diana told me. Tindi mo rin pinsan.... aydol". Halakhak nito bago ubusin yung laman ng bote nya.
Umiling na lang ako dahil dito, si mommy talaga kahit kailan napaka chismosa hayss.
"Goodness Eli panindigan mo yan, baka mamaya umpisa na yan na puro panganay magiging anak mo". Dugtong pa nito bago tuluyang tumayo at nilapitan yung babae sa kabilang mesa na kanina pa nito tinatapunan ng malagkit na tingin.
Makapagsabi sya nang ganon samantalang sya yung nakikipag landian kahit may asawa na. Kapag ito talaga iniwan ni Miss Shantell, mababaliw ito sinasabi ko lang.
Imbes na problemahin kona naman ang malapirot naming pinsan ay dinukot ko na lang ang cellphone ko sa aking bulsa upang I check kung online ba ang Misis ko at hindi nga ako nagkamali dahil tadtad na naman ako ng chat neto na puro huwag daw akong masyadong uminom dahil mag dridrive pa daw ako pauwi pati na rin pinaalala nya na samahan ko sya bukas sa OB.
May pasok sa Uni bukas pero nakapag paalam na kami kay daddy at dahil nga usapang apo na nya yun ay agad agad itong pumayag, sabi pa neto na it's good for me and Dion to start buying things for our baby para hindi na daw kami mahirapan kapag nanjaan na sya.
YOU ARE READING
Match Made in Heaven
FanfictionThis story is a girl to girl love and a typical professorxstudent relationship and a love story who happens to be in a circle of fate. Skip if you're not into this kind of genre.