11

11 1 74
                                    

Chapter 11

Try

PARA akong nanaginip nang gising matapos ang pangyayaring iyon. Tsaka nga lang ako nakahinga ng maluwag nang lumisan na siya. Hindi pa nga ako nakakamove on doon sa isa binigyan niya na naman ako ng bagong bangungot!

Mabuti at mag-isa nalang ako rito kaya marami akong oras para galugarin ang buong mansyon, masyado na kasi akong pagod kagabi para gawin iyon. Kaya wala na 'kong sinayang pa na oras at tumungo na sa kusina para maghugas ng mga pinagkainan ko.

Nakipagtalo pa nga ako kay yaya Bebang dahil ayaw niya 'ko paghugasin ng iisang plato, iisa lang naman 'yon at kayang kaya ko 'yon.

Matapos sukatin at tignan lahat ng mga gamit sa closet ko ay bumaba na 'ko at tumungo sa labas, gusto ko sana kasing matanaw ang disenyo ng buong mansyon.

Nakapagbihis na 'ko ng maayos pero nandito ako sa harap ng napakalaking pinto na ayaw mabukas. Tama naman 'yung paraan ko ng pagbukas pero sadyang ayaw talaga sa'kin. Gusto ko sana tawagin si yaya Bebang pero tanging katahimikan lang ang tauhan ng paligid ko.

Napagdesisyonan ko nalang na bumaba sa garahe at baka hindi naka-lock doon ang pinto pero ganoon din, parang ayaw ako palabasin?

I was left with the decision of returning to the main door and try all different ways to open a door, I even stupidly search how to open different types of doors online!

Napatalon ako ng kaunti sa gulat nang bigla-biglang lumitaw si yaya Queen sa tabi ko.

"Ah, ma'am, may problema po ba kayo?" tanong niya habang may hawak-hawak na vacuum.

"Oo, e... ayaw kasi mabuksan ng pinto, hindi ba talaga 'to nabubuksan o sadyang sira lang?" tanong ko.

"Nako, ma'am kailangan po kasi ng fingerprint identication para mabuksan 'yan. Dito po, oh." pagbibigay-alam niya at itinuro ang isang parihabang bakal na screen sa gilid. Iyon pala ang layunin no'n, ang akala ko kasi ay parang cctv 'yon sa labas.

"Tsaka ma'am, sinabi na rin po ni sir sa lahat ng mga kasambahay dito na hindi po kayo pwedeng lumabas." dagdag niya  dahilan para magsalubong ang nga kilay ko.

"A-Ako? Bakit naman?" tanong ko agad.

Wala naman akong binabalak na kahit ano! Gustuhin ko mang tumakas, wala naman akong alam kung saan ako madedestino. Hindi ko nga alam ang mga ruta at pasikot-sikot dito.

"'Yon po kasi ang bilin sa'ming lahat ni sir. Tsaka mahaba-habang daanan din po ang lalakarin niyo bago makarating mismo sa labas dahil sa long driveway, ma'am." sagot niya.

Natigilan ako sa sinabi niya't nanatiling nakatayo. Ganito pala ang ideya niya ng buhat may asawa, kinukulong at tinatago ang babae habang ang lalaki ang kumakayod para sa pamilya, ang lalaki lang ang nagtratrabaho. Ang lalaki lang din ba ang may silbi sa pagpapakasal?

"Queen, dalhin mo nalang 'yan si ma'am sa garden baka gusto lang malibang!" sigaw ni yaya Bebang kaya't nabasag ang mga isipan kong sumasakop sa buong utak ko.

"Ay, oo nga pala ma'am! Baka gusto niyo pong pumunta sa garden dito?" mungkahi ni yaya Queen at isinantabi ang hawak-hawak na vacuum.

Mukhang mas gusto ko nga 'yung naisip niya, sa halip na ipagpilitan ko ang gusto ko—na siguradong ikakagalit ni Miguel at gumawa pa ng kung anong ikakasalungat ko, ay mabilis nalang tumango akong tumango at sinundan si yaya Queen.

Hindi ko alam na may garden pala rito, napa-isip tuloy ako na baka may iba pang lugar dito sa mansyon ang hindi pa sinasabi sa'kin ni Miguel.

"Wow..." ani ko habang iniikot ang ulo para galugarin pa ng husto ang lugar. Imposibleng hindi rin magiging ganito ang reaksyon ng dalagang nasa tabi ko habang nasisilayan niya ang kagandahan ng lugar.

To be Loved is to be Seen (2Be Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon