Chapter 07
Rings
"OK... a-aayusin ko na 'tong CENOMAR ko, bye." paalam ko at pinatay na agad ang tawag. Baka kung ano pang mga salita ang lumabas sa bibig niya't pagmulan ng dagundong sa tiyan ko.
Matapos ng pag-uusap ay unti-unting naging madali ang pagkuha ko ng mga kakailanganin para sa kasal. Medyo nagkaroon lang ng maliit na buhol pero agad din 'yon naayos ni Miguel. Iba talaga pag hindi lang lima na numero ang laman ng bangko mo.
Alas-sais na nang matapos ang paghihirap ko at mabuti nalang ay inimbitahan ako ni Rielle sa restaurant na pinagtratrabahuhan niya para maghapunan. May kaunting pagdiriwang daw kasi sila.
"Sis, uso huminga baka ma-comatose ka na d'yan, e." pansin ni Rie habang pinagsasabay kong lunukin ang ginawa niyang chicken alfredo pasta at garlic bread.
"'Lamat, 'te, ah. Nakalibre pa 'ko ng hapunan." ani ko habang ngumunguya.
"Tom Jones na Tom Jones (gutom na gutom) ka d'yan. Saan ka ba kasi naglakbay?" she asked while sipping on her iced tea and wearing a chef uniform but without her toque blanche.
Hindi ko nalang 'yon muna pinansin at nilamon ang mga pagkaing nilapag niya sa mesa. Pinag-iisipan ko na kasi kung ito ang tamang tyempo para ianunsyo ang kasal ko. Dapat nga ay kanila mama at papa ko muna iyon sasabihin pero dahil hinila na 'ko ng gutom ko rito ay hindi na 'ko magsasayang pa ng oras.
"Snow bear, ah. Asan na ba kasi si Calliesta?!" naiinip na reklamo Rie habang abala sa cellphone.
Ilang sandali pa ay may maputing babaeng umupo na sa table namin.
"Sorry, Rie I'm late. Too much going on kasi sa work." paliwanag ni Calli.
"Hay nako. Kahit gusto kong magtampo sa'yo alam mo namang hindi ko kayang magwarla sa nag-iisa kong sugar plum-plum." biro ni Rie at umismid naman si Calli.
"Huwag ka nang tumunganga d'yan, alam ko namang gusto mong tikman 'tong ginawa kong spicy Khao Pad." mataray na sabi ni Rie at pinadausdos ang mangkok ng talagang nakakatakam na pagkain.
"Wow... thanks, Rie!" sagot ni Cali at kumuha na ng kutsara para tikman 'yon.
Parang bigla akong nagsawa sa kinakain kong pasta—na paubos na rin, at naglaway sa kinakain ni Cali na kanin kahit na mahina talaga ako sa mga maaahanghang na putahe.
"Sarap!" reaksyon ni Calli na ikinangiti ng mukha ni Rielle.
"Sarap? Pwedeng pahingi? Thank you..." sabat ko sa usapan at kumuha na rin ng kutsara para tikman 'yon.
"Hoy, para kay Calli lang 'yan!" saway sa'kin ni Rie at agad na nagsalin ng tubig sa baso.
Halos mapa-ubo ako sa tindi ng anghang at mabilis na kinuha ang malamig na baso sa mga palad ni Rie.
"Ano? Anghang 'no? Gaga ka talaga!" sigaw ni Rie at kahit ako ay natawa nalang din ako sa mga nagagawa ko pag gutom.
"No, it's ok. I already ate dinner na rin." paliwanag ni Calli na tumatawa pa.
"Ay, hindi pwede. Hindi ako papayag na masayang 'to kaya i-sharon mo na 'yan, Calli. Kainin niyo nalang 'tong ginawa kong tiramisu." mungkahi ni Rie at pinadulas ang plato ng nakakaganang dessert. Kahit hindi pa 'ko tapos sa kinakaing beef brocolli ay hindi na 'ko nagsayang pa ng oras para tikman 'yung tiramisu.
"Stress eating, Elle?" usisa ni Calli habang payapang kumakain.
"Patay gutom lang. Ano ba kasing ginawa mo?" tanong naman ni Rie.
BINABASA MO ANG
To be Loved is to be Seen (2Be Trilogy #1)
RomanceElleira Celine Marquez, who came from a less fortunate background, was solely focused on lifting her family out of poverty, and her prayers were answered by the arrival of Miguel Cole Ford, a perfect match who understood the situation after a brief...