Chapter 08
Worth
AS soon as I look up to Miguel, I knew I already rewarded those thunderstrucking gaze of him. Lamentably, my stare wasn't filled with love, adorement, tenderness, and such words to label what this man was feeling right at the moment rather, it was apprehension with bated breath. I've never ever walked on eggshells just to kiss a man.
Halo-halong emosyon ang bumagabag sa puso ko. Bukod sa hindi ko alam kung paano iaakto 'yon, siya na rin siguro ang lalaking bukod-tanging makakahalik sa'kin at parang wala siyang iniindang kahit ano. Tila sanay na sanay na hipuin ang mga kahinaan ng babae.
Sa sunod na pagpikit ko ay naramdaman ko nalang ang lambot ng mapusyaw niyang labi sa naka-awang kong bibig, sabay namang nanlambot ang mga tuhod at binti ko. Mabuti nalang at agad niyang nasuportahan ang bigat ko sa pagdausdos ng mga magagaspang niyang braso sa bewang ko.
Talagang nadala na siya ng kung anong emosyon at hinapit ang katawan ko papalapit pa sa init niya, sinisiguradong walang ispasyo ang namamagitan sa'min. Rason para magdala ng dagundong sa sikmura ko.
I can't resist but feel and respond his demanding, submissive, and euphoric touches and kiss. This was the only scene where I can state that it is truly a wedding and not just some marriage.
Mabilis kong inilapat ang mga palad ko mula sa bewang niya papunta sa matigas niyang dibdib upang dahan-dahan siyang itulak at makahinga ng maayos.
Kahit na puno ng pagkayanig ang mga mata ko ay iba naman ang sinasabi ng katawan ko. I admit, it was somehow blissful. It was like I was on seventh heaven and I'm pretty sure the sensation was multiplied to Miguel.
His eyes were overflowing with affection, bliss, hunger, revere, pleasure, and intimacy. Really, it was just cascading love and I don't know why such words were needed to utter.
Nasilayan ko ang mga nagliliwanag na mukha nila matapos ko silang lingonin habang ang mga kamag-anak naman ni Miguel ay halo-halo ang nararamdaman.
"Congratulations Mr. and Mrs. Ford!" maligayang bati ng abogado sa'min. Nginitian ko naman ito bilang tugon.
"Congrats Mrs. Ford!" hiyaw ni Rielle sa buong kwarto at tinapik naman siya ni Calli pagkatapos. "Pwede mag picture? Hehe." mungkahi habang ang katabi naman nitong si Calli ay kaninang kanina pa gustong umuwi dahil sa nararamdamang hiya.
Lahat sila ay nagsilapitan sa'min nang tumango ako. Si Rielle at mama ay nasa tabi ko habang sina Calliesta, tita Princess, at papa naman ay malapit sa mga ka-uri ni Miguel. Sabay-sabay kaming ngumiti, maliban yata kay Miguel na hindi na inalis ang atensyon sa'kin at kanina pa nakapirme ang braso sa bewang 'ko.
"Wait lang, dai. Picturan ko kayo d'yan dalawa!" ani ni Rie at pumunta sa harapan namin nila Miguel habang ang iba ay naghahanda ng lumisan.
"Rie, 'wag na..." nahihiyang saway ni Calli at naiilang na tumingin sa paligid.
"Minsan lang 'to, Calli! Hoy, Elle, ilagay mo 'yung mga kamay mo kay Miguel tsaka tignan mo naman 'yung tao!" utos ni Rie habang kung saan-saang anggulo itinututok ang cellphone.
Parang na-estatwa ako sa kinatatayuan ko at hindi alam ang ikikilos. Si Miguel naman ay parang nagugustuhan pa at idinikit na ang kamay sa bewang ko.
"Rie, tawag na tayo ni tita Princess... let's go na." pagpupumilit ni Calli at hinihila na ang braso ni Rielle.
"Ano ba naman 'yan! Blurred na nga 'tong kuha ko para pa kayong poste d'yan kung mag post! Halika na nga. Elle, sasabay ka ba sa'min sa reception?" tanong niya at lumapit sa'min nila Miguel.
BINABASA MO ANG
To be Loved is to be Seen (2Be Trilogy #1)
RomansaElleira Celine Marquez, who came from a less fortunate background, was solely focused on lifting her family out of poverty, and her prayers were answered by the arrival of Miguel Cole Ford, a perfect match who understood the situation after a brief...