Chapter 04
Jinx
"HI tita Princess!" bati ni Rie na may hawak na bola at handang maglaro ng volleyball anomang oras dahil sa suot niya.
"Oh, saan na naman ang punta niyong dalawa?" tanong ni tita.
"Sa court lang po, maglalaro lang." sagot naman ni Rie.
"Nako, mag-ingat kayo't madilim na. Baka mamaya mapano pa kayo." bilin ni tita.
"Ok po. Si Elle, tita? Tapos na po ba?" tanong nito at lumabas din ako agad para masilayan niya 'ko.
"Sige po, tita. Naligpit ko na po lahat, una na po kami." paalam ko bago kami tumuloy nila Rielle sa court para maglaro.
Limang taon na rin ang lumipas nang makatapos ako ng kolehiyo, s'yempre hindi iyon madali. Kung hindi walang tulog na gabi ay malamang maluhang gabi ang sumasalubong sa'kin noong college, mabuti nalang at magna cum laude ako nung nagmartsa.
Madami ring nangyari sa mga panahong iyon, kinailangan ulit ni Calli na bumalik sa US para makipag-ayos sa tatay niya dahil sa pagkayumao ng kaniyang ina, mabuti nalang at nakabalik na siya ngayon kasama si tita Princess.
Rielle had suffered with a major breakup and believe me, it's the first time I've ever seen her cry just because of a guy—that me and Calli never saw or heard of. Dati kasi—noong highschool pa kami, ay halos tambayan niya na ang guidance sa pagpapaiyak ng mga lalaki sa buong section namin.
Ayos naman na siya ngayon, pilit kinakalimutan ang lahat habang ilang beses ding nakikipagdate sa ibang lalake.
Akala ko pag tapos ng college makakahanap ka na ng disenteng trabaho. Nakahanap naman, naging accountant pa nga, e. Pero ewan ko kung saan ako pumalya at bigla nalang nila akong sinisante. Sinubukan kong mag-apply pa sa iba pang mga kumpanya—kahit nga janitress papatulan ko na, pero sadyang ayaw talaga.
Ilang beses ko na ring kinuwestiyon kung may mali pa sa'kin mismo pero hindi naman nila 'yon sinasagot—kahit sarili ko wala ring mahinuha, pilit lang nilang sinasabing masyado na silang madaming empleyado kahit na may karatula silang 'hiring for employees'.
Ang weird nga kasi lahat ng 'to nangyayari nang magkaroon ako ng mga boyfriend. Tila pinapapili ako kung pagmamahal ba ng isang lalake o career. Thankfully, to the rescue si tita Princess at kinuha ako bilang empleyado niya sa isang munting coffee shop na kanyang binabantayan sa ngayon.
"Ayos receive, Elle!" sigaw sa'kin ni Rie habang patuloy niya 'kong binabatuhan ng bola.
"Hoy, maayos receive ko! Tabingi lang 'yung palo mo." sagot ko.
Hindi ko itatangging magaling sa sports si Rie, kahit pa naman dati ay libangan na niya 'to. Mas lumala lang ang pagkahilig niya rito nang maghiwalay sila ng lalaking naka-usap niya nung college pa.
"May sinasabi ka, Elle? Wala akong naririnig!" hiyaw niya sa malayuan.
"Fifi!" tawag ko sa beking kararating lang, siya ang paborito naming kalaro dito sa court.
Kumaway naman siya sa'min bago kami lapitan. "Sali na!" alok ni Rie.
"Palong palo ka na naman madam." sagot nito't pinaluan na 'ko ng bola, maayos ko naman itong na-receive at ibinigay kay Rie sa pamamagitan ng set.
BINABASA MO ANG
To be Loved is to be Seen (2Be Trilogy #1)
RomanceElleira Celine Marquez, who came from a less fortunate background, was solely focused on lifting her family out of poverty, and her prayers were answered by the arrival of Miguel Cole Ford, a perfect match who understood the situation after a brief...