05

5 2 46
                                    

Chapter 05

Dogshit

HINDI ko alam kung sino ang sisisihin sa'min ni tita Princess sa mga salitang binitawan kanina at ang lahat ng iyon ay nabati.

"Oh, anong nangyari sa'yo at parang nalugi 'yang mukha mo?" bungad ni tita nang sa wakas, ay nakabalik na 'ko sa loob.

"Po? W-Wala po." walang ganang sagot ko at nagpatuloy na sa trabaho. Sino ba namang hindi mauubos ng lakas kapag kinausap 'yung lalaking 'yon?

"Oh, siya, sige na. Tulungan mo nalang akong isara itong coffee shop dahil anong oras na rin." paliwanag ni tita na nililinis na ang mga mesa at upuan. Tumango naman ako't pumunta sa kusina para linisin din ito.

Sabay na kaming umuwi ni tita dahil sa bahay lang din naman siya ni Calli nakatira. Habang nagkukwento si tita tungkol sa buhay niya abroad ay bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya't kinuha ko rin ito agad mula sa bulsa ko.

From: Miguel

Miguel sent a file.

I'm giving you 2 days tops to decide

Wala pang isang oras ay talagang inabuso na niya ang pagbibigay ko ng number ko sa kaniya. Binigay ko lang naman 'yon dahil alam kong wala na 'kong kawala at gaya ng sinabi niya ay ibibigay daw niya ang details online.

Sinubukan kong buksan ang file na sinend niya pero masyado ng outdated ang cellphone ko kaya't hindi ko rin nabasa ang nilalaman no'n. Umismid naman ako ng mapansing pinalitan niya ang buong pangalan para lang sa first name niya. We're not even that close yet his using first name basis now, huh?

To: Miguel

okayy

Nagpaalam na 'ko kay tita nang makarating na sa bahay at ang unang sumalubong sa'kin ay si mama na mukhang abala sa pagkuwenta ng mga bayarin. Tsaka lang niya napansin nang tawagin ko siya at lumingon naman siya sa'kin.

"Nandiyan ka na pala. Kumain ka na ba? Nagluto ako ng longganisa, nandoon sa kusina." bilin niya.

Tumango lang ako't kumuha na ng pagkain bago umupo sa harap niya para kumain. Pakiramdam ko ay busog na 'ko sa daming numerong isinusulat niya sa papel.

"Ma, bukas na po pala 'yung sahod ko. Magkano po 'yung babayaran?" tanong ko habang ngumunguya.

"Ah, ganun ba. Mabuti naman, 'nak. Bale 3,800 sa kuryente, 1,750 naman sa tubig tapos 1,580 sa internet at cable. Kaya ba, 'nak? Kasi kung kukulangin, pwede namang 'wag muna bilhin 'yung isang gamot ng papa mo—'yung mahal." paliwanag niya.

"Hindi, ma. Kaya." paninigurado ko kahit na kulang pa rin 'yung sahod ko para sa lahat. Mukhang kailangan ko na namang mangutang, hindi naman na bago 'yon.

"Sige... ako nalang bahala sa lahat ng gamot ng papa mo." kwento niya at umalis saglit para idikit ang papel sa ref namin.

Kasabay ng pagkain kung lunukin ko ang namumuong bara sa lalamunan ko. Sobrang nakokonsensya ako dahil hindi pa rin matapos-tapos itong paghihirap ni mama, pakiramdam ko panghabang-buhay na itong pasanin namin. Kaya siguro failure ang tingin ko sa sarili ko kasi hanggang ngayon ay nagtratrabaho pa rin si mama. Wala naman kaming choice, e.

To be Loved is to be Seen (2Be Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon