09

4 2 39
                                    

Chapter 09

Reticence

PALUBOG na ang araw nang makapunta kami sa The Manansala, sa may Rockwell. Ngayon ko lang din yata napansin na wala na siyang suot na tuxedo at tanging puting long sleeves shirt nalang ang pang-itaas.

Isang higanteng gusali ang bumungad sa'min, hindi ko mabilang ang palapag nito dahil totoong mataas talaga ang iyon. There were lots of trees and greenery that was surrounding it, while it's interior was clean that it's reminding me of Haussmannian buildings back in France.

Samo't saring mga kotse din ang tumambad sa'min nang makarating na sa may parking lotte. Agad namang naglandas ang braso ni Miguel sa bewang ko, hudyat para pumasok na kami sa loob at dumiretso sa reception.

Mabilis kaming nakarating sa elevator matapos makipag-usap ni Miguel sa babaeng resepsyonista at mukhang tipo siya nito. Talagang hinintay kong umabot kami sa pinaka-itaas kung na saan ang floor namin bago ako makapagsalita. Wala rin naman kami masyadong pag-uusapan sa loob ng elevator.

Si Rielle agad ang unang bumati sa'min nang maka-apak na 'ko mismo sa loob ng room. Halos hindi ko nga siya napansin dahil sa marilag na disenyo ng lugar. It had huge dim multi-layer crystal chandeliers hanging from above along with white sheer ceiling drapes. The entire theme was white, the solely thing that grant the room color was the flowers resting impeccably on the tables and the gold chairs that still has white cushions above them.

Nothing could ever add more majestic to the scenery other than the gold and rosy sunset, it can be seen everywhere at the tall windows.

Walang entabladong matatanaw sa kung saang sulok ng lugar, hindi tulad ng mga karaniwang wedding reception. Pero nasisiyahan pa rin ako dahil may mga propesyunal na retratista ang kumukuha sa'min ng litrato, sayang nga lang dahil hindi iyon mailalabas sa social media. Ayoko rin namang imungkahi pa 'yon kay Miguel dahil mukhang ayaw niya ring gumawa ng ingay online.

"Ay, may kasama ka pala..." banggit niya kaya't nawala ang atensyon ko sa nakakalaglag na pangang tanawin.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung anong tinutukoy niya kaya mabilis kong nilingon si Miguel na ngayon ay may kausap na matandang lalaki na kasosyo niya siguro habang hindi pa rin pinapakawalan ang bewang ko.

Sumenyas ako palihim kay Rielle na saglit lang at walang tago siyang umirap sa'kin habang may hawak-hawak na platong puno ng mga masasarap na pagkain.

"P-Puntahan ko lang sila mama..." pagbibigay-alam ko nang umalis na ang kausap niyang lalaki kanina at ako naman ay hindi maitukoy ang pinapahiwatig na ngiti. Nasulyapan ko naman si Rielle na pinipigilan ang tawa.

Medyo nakahinga ako ng maayos nang tumango siya at tinanggal na ang kamay sa bewang ko. "I'll pick you up before nine." sagot niya.

Pinagpapalit-palit ni Rielle ang mga mata niya sa'min dahil hanggang ngayon ay ni isa sa'min ni Miguel ay hindi pa rin humihiwalay sa isa't isa at nagtitinginan lang. Bumuntong hininga ako at sinamahan na paalis si Rielle, halos hindi niya nga manguya ang burger na nasa bibig niya nang maka-upo na kami malayo kay Miguel.

"Akala ko ba maangas ka?! May pa outfit change ka pa diyan, bakla ka! Oh, i-i-ito n-na p-pala i-iyong c-cellphone–"

Tumawa nalang siya nang hampasin ko siya para matigilan siya sa pangaasar niya at kinuha na 'yung cellphone ko. "So, bakit ka nga nagpalit ng damit? OMG! Nag giveaway ka na ba ng perlas?!" hindi makapaniwalang sigaw niya kaya napa-iling nalang ako.

To be Loved is to be Seen (2Be Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon