Chapter 06
Again
TILA hindi niya narinig ang pagtawag ko sa kaniya at talagang nilamon na ng nag-uusok na galit. Hindi pa siya nasiyahan sa pagsuntok kay Lemuel sa puntong tumilapon ito palayo sa'kin at nakipaghalikan sa lupa.
Sa halip na kuwelyuhan ay hinawakan niya ang leeg nito gamit ang isang kamay at halos kumurap ang ilaw ng poste nang ibaon niya ang ulo nito doon.
Para akong natauhan at lahat ng kalasingan sa katawan ko ay bumaba sa talampakan ko. Na-estatwa ako't walang lakas para pigilan pa siya. My brain is clearly clouded with collaneous of thoughts, questions, and frustrations. Masyadong magulo kung iisahin ko pa ang mga iyon.
"What a shame I caught you, huh?" he mocked while the ends of his brows are meeting each other. "What? I can't hear you." he mentioned while strangling Lemuel who's trying to mutter a word.
Notwithstanding the fact that Lemuel might deserve all the beatings, there's still a part of me that believes it's also behind bars. We can punish him but the last resort shall not be crime. Ayokong masali si Miguel sa kung anomang illegal-kahit na alam kong imposible 'yon sa dami ng pera niya. Hindi ko ginugustong ako ang maging mantsa sa maputi niyang paramitan.
Dahan-dahan kung maglakad ako papunta sa kanila at nanginginig kung hawakan ang braso ni Miguel. Pagod at basa ang mga mata ko nang tingnan siya.
I hate to admit that I was weak—and nearly raped. Who could ever move on from that? Plus, it was just minutes ago. Dapat ba ay magpasalamat pa 'ko dahil hindi natuloy kahit na iyon naman ang intensyon niya? Kahit na doon din naman mauuwi ang pangyayari kanina? Hindi ko alam. Halo-halo ang mga emosyong nararamdaman ko at ni isa sa mga ito ay hindi ko matukoy.
"Tama na... baka may makakita pa sa'yo." pagpigil ko.
Bumuntong hininga siya habang mariing nakapikit, bakas sa mukha nito kung gaano siya ka-balistiko dahil natatanaw ko ang mga ugat nito sa gilid ng noo niya. Kahit na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kalmado ay binitawan na niya si Lemuel kaya't agad itong humandusay sa sahig. Humihinga pa rin naman ito pero halos magkulay murado ang leeg nito nang sulyapan ko.
"T-Thank you... una na 'ko." nanghihina kong sabi matapos punasan ang mga basang mata gamit ang likod ng kamay.
"No you won't." pagdedesisyon niya. Hindi pa man nakakatalikod ay hindi ko na naramdaman ang mga paa kong naka-apak sa sahig nang walang kahirap-hirap niya 'kong buhatin na parang bagong kasal.
Napasinghap ako sa sobrang gulat pero hindi ko pa rin magawang suklian ang mga seryosong titig niya sa'kin habang dama ko ang marahang paghawak ng mga palad niya sa braso ko. Patuloy niya lang akong tinitingnan nang nakatayo, tila naghahanap ng kung anong wala naman sa mga mata ko.
Since we've been oddly staying at the corner with Lemuel—beaten up. With clean intention, I slowly met his thick gaze as I turned my head meters away from his well-defined face. I hope he's good with eyes because I'm asking him right now when we'll leave this horrifying aisle.
"Your arms. Place them around my neck, Elle." utos niya na mabilis kong sinunod—para maka-alis na kami, at iniwas ko muli ang mga mata ko sa kaniya habang siya naman ay nahuli ko pang nakangisi.
Tuluyan ko nalang hinayaan siyang dalhin ako kung saanman kami mapunta nang sa wakas ay nagsimula na siyang maglakad at ako'y walang imik lang.
Buong akala ko ay mapagkakatiwalaan ko siya dahil natanaw ko na ang sasakyan niya subali't lumagpas kami roon at dumestino kaming dalawa sa 7-11 habang buhat-buhat niya pa rin ako. Wala akong lakas para makipagsagutan pa sa kaniya kaya yumuko nalang ako't itinago ang mukha gamit ang mahaba kong buhok.
BINABASA MO ANG
To be Loved is to be Seen (2Be Trilogy #1)
RomanceElleira Celine Marquez, who came from a less fortunate background, was solely focused on lifting her family out of poverty, and her prayers were answered by the arrival of Miguel Cole Ford, a perfect match who understood the situation after a brief...