01

18 2 35
                                    

Chapter 01

Ever

I CAN still view his jaw clenching along with his scratched fist but that doesn't make him innocent tonight.

"Ano bang problema mo?! Why did you even do that?! Wala kaming ginagawang masama! Masyado ka na bang parte ng mga concerned citizen para pakialaman ang mga ginagawa namin?!" I yelled at him. 

His heavy brows finally relaxed and his eyes are dilating. "Ano? Nasama ba 'yung dila mo nung sinuntok mo 'yung kaibigan ko? Speak up kaya!" I demanded.

I don't care if I'm disrespecting him because right now he's disregarding me even more.

Napansin kong hawak-hawak ko pa rin ang manggas niya kaya't agad ko itong binitawan.

"Who's the guy?" he asked.

Kumunot ang noo ko sa biglang pagkalma ng tono niya, "Ivan is my long-time friend–"

"Too long that you can hug each other?" balik-tanong niya ulit habang umaarko ang isang kilay.

"Yes. Does that matter even to you?" humalukipkip na 'ko.

"I don't care. Never get along with him. Ever." he stated.

Nahawi naman ang mga labi ko, "Well, I was supposed to kasi goodbye party na niya 'to pero anong ginawa mo? Dinisgrasya mo pa sya!" I scolded him.

Hindi na siya nagsalita pa at parang baliw na nakatitig nalang sa mukha ko habang problemado naman ako rito kung paano ko ulit haharapin si Ivan.

"Hey... baby, I'm sorry." pagsusumamo niya at lumambot na ang mga mata.

"C-Can you stop calling me that?! Tsaka 'wag ka sa'kin mag sorry dahil hindi naman ako ang sinapak mo. You're stalking me and you're even harming people around me." naiirita kong sagot at iniwasan ang mga mata niya.

Pansin kong naka-ngisi siya na mas ikinagagalit ko, "Ano–"

Matatapos ko pa sana ang sasabihin ko pero bigla niyang pinisil ang pisngi ko, bahagya pa itong nakangiti na parang inaasar ako.

Tinabig ko agad ang kamay niya at kumunot ang noo ko, "Ano ba?! Wala namang nakalagay na brain disease nung sinearch kita sa Google, ah?!" naiinis na sabi ko.

May muhi man sa mukha ko iba naman ang pinapahiwatig ng katawan ko. Halos kumawala ang puso ko sa paglapat ng balat niya sa pisngi ko. I'm sure the feeling is momentary.

"We surpassed 5 minutes today, Elle." anunsyo niya na parang nanalo na sa loto at makakatanggap ng grand prize.

"Stop calling me names. I want you to apologize to my friend and... know your boundaries!" huli kong sabi bago puntahan sina Ivan.

Kinabukasan ay halos taguan ko na yata si Ivan at ang mga bisita niya kagabi. Grabe ang hiya ko dahil lang sa kagagawan ng lalaking 'yon!

Ilang bilyong sorry na rin siguro ang sinabi ko para mapatawad ako ni Ivan pero dumiretso rin ito agad sa hospital dahil nagdudugo na ang ilong at labi niya, may mga gasgas din siya sa pisngi.

Tinulungan ko nalang mag-ayos ng mga nasirang gamit sina Calli habang si Rie naman ay patuloy na nagpapaliwanag sa mga bisita. Malamang ay nagising siya sa kalasingan nang mapanood ang nangyari kanina. 

"Sasamahan mo pa rin ba kami sa paghatid kay Ivan?" tanong ni Calli habang nag-aayos si Rie sa tabi niya.

Nagkibit-balikat ako, "May mukha pa kaya akong ihaharap doon?" balik-tanong ko.

To be Loved is to be Seen (2Be Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon