Prologue

39 4 29
                                    

Prologue

SEPTEMBER 8.

I really envy people who can provide their needs as well as their wants without worrying about money.

Ang galing 'no? Paano kaya nila nagagawa 'yon?

Pakiramdam ko nga ang layunin lang ng paghinga ko ay mainggit sa ibang tao. Swerte lang ako at may mga tao pang nagbibigay kahulugan pa rito.

Pero sa totoo lang, minsan- o kaya lagi, nararanasan mo na ring malagpasan ng iba. Siguro hindi ngayon- o bukas, pero darating din 'yon sa 'di inaasahan. Nakakainis nga, e. Lagi kasing bigla-bigla kung sasapit, tila hihilingin mo nalang na sana nakapaghanda ka pa.

Sana naging handa kahit kaunti man para lang mapansin ng mundo. Na kahit nahuhuli ka na sa lahat naranasan mo ring pumukaw ng atensyon ng iba, nakikita mo 'yung sarili mo sa kung paano mo ito gustuhin.

Hindi mo tinatago 'yung sarili mo o kaya naman hindi mo nararamdamang nasa anino ka lang ng iba.

Ito na naman siguro ang isa sa pinakapaborito kong birthday, ngayon nalang ulit kasi ako naka-apak sa palapag ng mall na 'to. I was seven years old when I lastly went to places like this, afterwards, we just celebrated occassions at home or at some restaurants.

I may sound pathetic but we don't burn money just to enter big buildings like this. May pamasahe nga kami papunta pero may pang-kain kaya kami kinabukasan?

"'Nak may gusto ka bang bilhin? Sabihin mo lang at gagawan na'tin 'yan ng paraan." ani ni papa habang kumakain kami dito sa KFC.

Mayroon man akong gustohin, alam kong malaking abala ang maibibigay ko para kay mama-siya nalang kasi ang nagtratrabaho para sa'min ni papa. Hindi pa man nakakatuntong ng kolehiyo, nagkaroon na si papa ng stroke. Sapat ng nag-iisang anak lang ako.

"Kamusta nga pala ang pag-aaral mo? Kaya pa ba?" tanong ni mama.

Tumango naman ako, "Kakayanin." maikling litanya ko na nagpatawa sa kanila.

"Pasensya ka na Elle, ha. Ito lang ang naipon ko bago ang birthday-"

"Ma, ok lang. Gets ko naman kayo tsaka hindi naman ako mahilig sa mga magarbong celebrations. Hindi naman ako artista." pagsisinungaling ko.

Una sa lahat, ayoko sa mga sorries. Ayokong kinaaawaan ako, pakiramdam ko kasi parang may hinihipong mayumi sa katawan ko.

Namasyal agad kami pagkatapos kumain. Sinulit ko na ang mga gusto kong gawin dito sa mall, mag picture, mag selfie, mag window shopping, mag sukat ng mga damit na hindi ko naman bibilhin at syempre kumain ng mga free tastes.

"Celine, aalalayan ko muna itong papa mo sa cr, ha. Diyan ka nalang muna." paalam ni mama.

Tumango naman ako't pinanood silang umalis. Naging abala nalang ako sa cellphone kong kulang nalang ay tawagan si San Pedro sa sobrang pagkabulok na nito. Kaya pa naman, na-i-sstalk ko pa nga 'yung mga crush ko!

My heart melted as soon as I saw their birthday greetings online. Halos kalahati nito ay galing sa mga weirdo kong friends.

C.nerdandersn commented: happy birthday Elleyy!!

Ririelle.G commented: HAPPY BIDET SAU DAI!!! LAHAMS KTA 'LAM MO YAN! sna malibre mo q kht shanghai lang hihi plsplspls sana mapili (123)

Ivanpogiomsim commented: HAPPY BORTHDAY MADUMBB! PALOAD AKO PANG ML LANG 09743829141

I just bursted laughing out and replied to all of them. May mga tita pa 'kong nag co-comment nakakahiya!

Habang hinihintay sina mama ay 'tila nakaramdam ako ng matulis na tingin. Pakiramdam ko'y minamartilyo na 'ko sa lupa. Sa dami ng tao dito baka nga hindi ko na 'yon mahanap. Ginawa ko na ang lahat para mahuli ang mala-agila niyang tingin pero tinawag na 'ko nila papa.

To be Loved is to be Seen (2Be Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon