PROLOGUE

222 4 0
                                    

"Bakla, ihatid na natin 'to doon sa table 8." natauhan ako nang marinig ang boses ni Sandy. 

Sa dami ng problema ko ngayon, hindi ako makapag focus sa pag tatrabaho. Pero kinuha ko pa rin ang tray na may laman na pagkain at mga alak. 

Nag tatrabaho kami ng bestfriend ko na si Sandy sa isang mumurahing bar dito sa probinsya. Nasa syodad kami at nasa isang oras ang byahe kapag pauwi na. 

Dahan dahan namin na nilakad ang papunta sa pinaka maingay na table dito sa bar. Madilim ang paligid pero nakikita naman ang sahig kaya ayos lang. 

"Putang ina naman nito ni Sanchez e! Uminom ka pa!" sigaw ng isa. 

Mga sundalo sila at tantya kong pito sila doon. Apat na babae, tatlong lalake. Lahat sila malalaki ang katawan at mga nakauniporme pa pero ang iba ay naka kulay dark green na sando nalang. 

"Ito na po yung order nyo." sabi ko at inilapag na ang mga inumin, yelo at pagkain sa lamesa. Dahan dahan kong inilapag iyon dahil ayaw kong magkaroon ng aberya, baka mabawasan na naman ang sahod ko. Madalas kasi akong nakakatapon ng inumin. Kaya dapat ay hindi ko iyon magawa ngayon. 

Madaling natapos si Sandy dahil tinawag sya sa kabilang table. Naiwan naman ako na ilalapag na sana ang plato na may lamang sisig nang hawakan ng isang sundalong lalake ang kamay ko.

"Ang ganda mo ano? Pati nung kasama mo." napalunok naman ako. Hindi naman kasi sa pagyayabang ay talagang maganda kami ni Sandy. 

"Anong pangalan mo?" Tanong nya. May itsura ang lalake, halatang may kaya sa buhay. 

"T-Tyrell po." halos pabulong na sabi ko. 

"Naitatable ba kayo? Magbabayad kami ng extra." mabilis akong umiling at ini-alis ang kamay nya sa pagkakahawak sakin. 

"Ay hindi po. May mga GRO po dyan na pwede nyong i-table. I-Isa pa po, bakla po ako and yung kasama ko." napatango naman sya. Akala ko ay tapos na kaya naman aalis na sana ako nang hablutin nya muli ang braso ko. Napadaing ako ng kaunti dahil humigpit ang hawak nya.

"Sandali lang, hindi pa tayo tapos mag usap." Medyo lumakas rin ang boses nya kaya naman natakot na ako.

"S-Sorry po sir, hindi po talaga e." nanginginig na ang boses ko. Nakita ko ang pag ngisi nya.

"Kayong mga bakla kayo, ang aarte nyo ano? Kami na lumalapit, ayaw nyo pa? Gaano ba kasikip yang butas mo at ingat na ingat ka? Baka magkasya ang kamao ko dyan pag hindi ka nakisama." napalunok ako. 

Inalis nya ang suot nyang uniporme at tumambad sa akin ang baril nyang nakasukbit sa kaliwang parte ng pantalon nya. Nanginginig man ay uupo na sana ako nang may dumating na dalawa pang babae.

Natahimik ang table nila at sabay sabay na tumayo at sumaludo. Para bang nawala ang lasing nilang lahat.

"Kap, akala ko hindi kayo dadating." banggit ng lalakeng namimilit sakin.

"Rodriguez, Sanchez." Rodriguez pala ang apelyido nya.

"Kap, nag kakasayahan lang kami." banggit ni Rodriguez at binitawan na ang pag kakahawak sakin. 

Nakakatakot ang aura ng tinatawag nilang Kap, para bang isang tingin lang ay manginginig ka na. Tumingin ito sa direksyon ko at para bang inuusisa ang ayos ko. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa.

"Wag kayong gumawa ng gulo." halos sabay sabay na nag tanguan ang mga sundalo at bumalik sa pagkakaupo. Binigyan din nila ng pwesto ang dalawa. 

Nagtama ang mata namin noong babaeng kasama noong Kapitan. Parang kanina nya pa nga ako tinitignan e.

Sinenyasan nya akong umalis kaya naman yun na nga ginawa ko. Hindi na masyadong maingay ang table nila simula noong dumating ang kapitan. 

Aggresive Series #1 : TYRELL (GayxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon