CHAPTER 12

41 4 0
                                    

DISCLAIMER: Following scenes might be triggering as it represents Depression. Reader's discretion is advised.


SANRO LOCSIN / SANDY

"Pumunta ka na ba kay Tyrell?" napalingon ako kay nanay at dahan dahan na umiling.

"Pumunta ka muna doon at ibigay mo itong pagkain sa kanya." kinuha ko ang plato at lumabas na ng bahay.

Tatlong buwan na ang nakakalipas simula noong umalis si Damien dito sa San Rafael. Kasabay ng pagalis nya ang pagbabago dito sa bayan. Kaya pala nandidito sila Damien sa bayan dahil sa mga Angeles. Ilang araw bago mabaril si Damien ay nahuli na pala ang matandang Angeles at sila Don Emilio. Nahulihan sila ng limpak limpak na pera at napakaraming mga baril. 

Sinara ang mansyon ng mga Angeles at kasalukuyan sila ngayong nakakulong sa bayan. Bantay sarado ang police station habang nandoon sila. 

Tanging mga kasama nalang nila Capt. Rosales ang nakita namin, hindi nila masabi kung nasaan ang magkapatid. 

Ang anak ni Arnaldo Angeles na si Nicolo Angeles ay hindi pa nahahanap ng mga pulis at sundalo. Sabi nila ay tumakas na raw ito at nasa ibang bansa na. 

Ang mga Bautista na ngayon ang nakaupo bilang Mayor at Gobernador dito sa bayan. Masasabi kong mas maayos sila kesa kila Mayor Angeles. 

Hindi naman ako masyadong nakikielam sa politika dahil wala naman akong alam talaga. 

Kumatok ako sa pintuan ni Tyrell pero walang sumasagot. Isang buwan na simula noong tanggalin siya ng manager namin sa bar dahil sa dami nyang nababasag at natatapon na pagkain. 

Maski nga ako ay naiinis na kay Tyrell dahil parang sinisira na nya ang buhay nya pero ano naman ang magagawa ko? Talagang malakas ang impact noong pag alis ni Damien ng walang paalam.

"Tyrell?! Lumabas ka naman dyan!" hindi ko na mapigilan ang sarili ko dahil nag aalala na talaga ako sa kanya. Wala na syang ibang ginawa kung hindi ang magkulong sa bahay nya at uminom ng alak. 

Kaya ganoon nalang rin ang pag aalala ni nanay dahil sa inaasta ni Tyrell. Hindi namin kaya na sinisira ni Tyrell ang buhay nya.

"Tyrell!!" kinakalabog ko na ang pintuan nya para buksan nya ito. Ilang saglit lang ay nakarinig ako ng yabag ng paa.

Napanganga ako nang makita ang itsura nya. Magulo ang mahaba nyang buhok, bagsak ang mga mata nya at may malalim na itim na ang mga ito. May mga buhok na rin sa baba nya at nangangapal na ang bigote nito. 

"Ano bang nangyayare sayo?!" bulyaw ko rito. Hinawakan ko ang braso nya at hinatak sya papasok sa loob ng bahay. 

Inilapag ko muna ang plato sa lamesa at pumunta kami sa CR kung saan binuksan ko agad ang tubig at pinaupo sya sa bowl. 

"Hubad." nagtatakang tumaas ang tingin nya sa akin. Inis akong napa irap at umiwas ng tingin bago sya hinubaran.

Mukhang ilang araw na nyang suot ang damit na suot nya at mukhang matagal na rin syang hindi naliligo. 

Binuhusan ko sya ng tubig at ako na ang nag linis ng katawan nya. Walang buhay itong umupo lang sa banyo. Sinabunan at shinampoo ko ang mahabang buhok nya at nag conditioner din kami. 

Hindi ganito si Tyrell dahil napaka linis nya sa katawan. Kaya naman nakakapanibago at talagang nakakabigla ang itsura nya ngayon.

Matapos mabanlawan ay kinuha ko ang razor blade at ako na ang nag linis ng buhok nya sa mukha. Nang masiguradong maayos na ang itsura nya ay kumuha ako ng twalya at tinuyo sya. 

Aggresive Series #1 : TYRELL (GayxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon