CHAPTER 8

62 3 0
                                    

DAMIEN 

Kakaapak ko palang papasok sa bahay ay galit na Dreianne agad ang bumungad sa akin.

"What are you doing?" galit na banggit nya. Agad naman akong nagtaka.

"What do you mean?" 

She kept on pacing like I'm stressing her out. 

"This... you... What are we doing her in San Rafael?" napalunok naman ako. Am I neglecting my duties? naisip ko. 

"May meeting kagabi sa gagawin natin, pero wala ka. Tinatawagan kita pero hindi ka sumasagot, nag aalala ako sayo. Paano kung balikan ka noong anak ni Angeles at mga pamangkin ni Emilio? Tell me, if you were in my shoes...." I immediately felt guilt. Dahil tama sya. 

"I'm sorry. Hindi umuwi si Tyrell kaya nag alala ako sa kanya. I found him in a hut. Basang basa at masama ang pakiramdam nya. Inabutan na kami ng malakas na ulan kaya naman..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil lumapit sya sa akin at tinitigan ang mga mata ko. 

In that instant... I felt fear. Like I'm looking at my father's eyes. 

"You were like this 3 years ago. Baliw na baliw, is this the same thing?" gusto kong sumagot, pero agad na naisara ko ang bibig ko. Natatakot ako. 

"You told me that you're not gonna make the same mistake again. Pero ano 'to? This is like when you were with..." ang kaninang takot ay napalitan ng galit. Napayukom ang kamao ko at masamang tumitig sa mga mata nya. She stepped back at itinaas ang dalawang kamay.

"Sorry. I remember we agreed not to talk about him." 

"Iba si Tyrell, iba sya. Wag mo syang itulad sa isang iyon. Nagkakaintindihan ba tayo?" may diin na banggit ko. 

Ayaw ko nang pagusapan ang bagay na iyon dahil nasasaktan lang ako. That was years ago at iba na ako. Iba rin ang nararamdaman ko kay Tyrell. Bagay na hindi ko naramdaman sa mga dati kong naging kasintahan. 

"Just be careful. I don't want you to miss any meetings again in the future." hindi na nya hinintay ang sagot ko at lumabas na sya ng bahay. 

Naiwanan naman akong mag isa at nakatanaw lang sa may pintuan. 


"This is the last time we are gonna talk about it." banggit ko kay Drei habang nagsasalin ng alak sa baso.

"It's not your fault, Damien. Pinili nyang umalis, wala na tayong magagawa doon." tumingin nalang ako sa kawalan at inubos ang laman ng baso ko. 

"He told me he will never leave. He told me that the other day, pero.... bakit... bakit ngayong araw na ito pa?" nagsalin akong muli ng alak sa baso at inisang inom ang laman nito. 

"Damien..." lumingon ako sa kanya at nakita ko ang awa doon. Bagay na pinaka ayaw kong makita. Ayaw ko nang kinakaawaan ako, na para akong aso na iniwanan sa gitna ng kalye at hindi na binalikan. 

"Let's just forget about it." hindi na sumagot si Dreianne at hinayaan nalang ako na uminom. 

She stayed with me even if I pushed her away. Kaya mahal na mahal ko ang kapatid ko dahil ganito sya. 

At least she didn't left me. Unlike him... he left. 

The next day I joined the military at tuwang tuwa ang tatay ko dahil doon. Matagal na nya akong hinihikayat na mag PMA, pero dahil baliw na baliw ako kay.... 

Hindi ko maituloy tuloy. 

Remembering that day.... the same disappointment I saw in my sisters eyes. 

Aggresive Series #1 : TYRELL (GayxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon