THIRD PERSON
"We have to leave soon." banggit ni Dreianne habang nagsisindi ng sigarilyo. Nakatanaw lang ito sa malayo... nag aalala sa kapatid.
"I don't want to." napapikit si Drei sa narinig at bumuntong hininga. Ito na nga ba ang sinasabi nya. Na hindi na mapipigilan ni Damien ang pananatili sa bayan dahil sa pagmamahal nito kay Tyrell.
"It doesn't matter what you want or don't want, Hindi na tayo pwedeng mag tagal pa dito." liningon nito ang kapatid na nakatingin lang rin sa kawalan.
"Kailangan na nating umalis. Bumalik na si Papa, hinahanap ka na nya." hindi na pwedeng umuwi si Dreianne ng mag isa. Galit na galit na ang ama nito sa kapatid at hindi nya alam kung hanggang saan ang pasensya nito.
"Bakit? Bakit kasi kailangan nya akong hanapin? Bakit hindi nya ako mapagbigyan na maging masaya? Bakit ba sya ang batas?" hindi mapigilan ni Damien ang sumama lalo ang loob dahil sa ama. Kahit kelan sa buhay nya ay hindi sya pinagbigyan nito sa mga bagay na gusto nya. Tanging ang gusto ng ama ang nasusunod.
"Alam mo ang tungkulin natin sa bayan. Alam mo ang sinumpaan mo." kung hindi mapipilit ni Drei ang kapatid sa pag uwi dahil sa ama ay kokonsensyahin nya ito gamit ang tungkulin nila.
"Bullshit! I don't want to leave Tyrell... I can't. Not right now."
"And I understand, trust me I do. Pero we cannot stay here. May mga mata na nakatingin satin. Might be tomorrow or the next day o kung kelan man... Papa will find us. He always will." yun ang kinakatakot ni Drei. Ang hanapin sila ng matanda. Alam nya kung anong kapasidad ng ama dahil ilang beses na nya itong nakasama sa misyon, at kung anong maisip nito ay yun ang gagawin.
"Wala na ba talagang ibang paraan? I don't want them to get hurt and ayaw ko rin na umalis. You know how much I suffered." napabuntong hininga si Drei at hinarap ang kapatid.
"This is how you can protect them." tinapik nya ang balikat ng kapatid at tinapon na ang sigarilyo na hindi naman nya nagamit matapos sindihan.
"And this is how I can protect you." bulong nya sa sarili.
Naiwanan si Damien mag isa. Hindi nya alam ang gagawin, kung susundin ba nya ang kapatid... O ang sarili nya.
Sa kabilang banda naman ay maingay na nag iinuman ang magkakaibigang James, Caloy at Lito.
"Bakit ba ang lungkot lungkot mo naman pare?" lasing na tanong ni Caloy sa kaibigan.
"Pare..." yinugyog pa nito ang balikat ni James para lang makuha ang atensyon nito.
"Tulala ka pare."
"Wala pare... Binasted ako nung nililigawan ko e." sabay lagok nito ng alak.
"Ayyyy! Kaya naman pala! Sino ba yang nililigawan mo? Bakla na naman ba?" alam nilang hindi straight si James kaya naman hindi na sila mag tataka kung bakla nga ang nagugustuhan nito.
"Oo... Si Tyrell." natahimik ang dalawa sa narinig. Naaalala pa kasi nila ang nangyare noong nakaraang taon kung saan binugbog sila ng babaeng nag hahanap kay Tyrell.
"Tyrell? Yung magandang bakla?" tumango si James.
"Binugbog ka rin ba nung babae?" napalingon si James sa dalawa at dahan dahang umiling. "Hindi... pero sinuntok at nya ako at tinutukan ng baril." naaalala nya ang kaba nya noong araw na nagtalo sila ni Tyrell at biglang lumabas si Damien.
Saglit lang sila nag usap dahil agad sya nitong tinutukan ng baril sa noo. Hanggang ngayon ay nanginginig sya kapag naaalala iyon.
"Walang kasing yabang ang babaeng iyon. Akala nya ata mas malakas sya sa atin." parang nawala ang kalasingan ni Lito dahil nagsimula itong mainis.
BINABASA MO ANG
Aggresive Series #1 : TYRELL (GayxGirl)
Roman d'amourHe fell in love with his beloved savior Damien. THIS IS A GAYxGIRL STORY. IF YOU ARE UNCOMFORTABLE, KINDLY SKIP THIS ONE.