TYRELL
Lumipas ang dalawang linggo at maayos na maayos ang relasyon namin ni Damien. Lagi na syang nasa bahay at halos ayaw na nga nyang umalis kahit na ilang hakbang lang naman ang bahay nila sa akin.
Hinayaan ko naman sya dahil gusto ko rin ang presensya nya.
Noong nakaraang araw ay pinipilit nya akong umalis na sa pag tatrabaho sa bar at hahanapan nya raw ako ng trabaho sa bayan, pero tumanggi ako. Gusto ko naman mag trabaho sa bar bilang waiter kahit madalas ay may mga lasing na nang gugulo. Isa pa doon nag tatrabaho sila Sandy at iba kong mga kaibigan ayoko naman na iwanan sila doon.
Hindi pa sana papayag si Damien pero napilit ko sya. Konting lambing lang naman ay pumayag na sya.
"Love, papasok na ako." paalam ko sa kanya. Nagkakape lang sya sa may lamesa sa kusina habang nakatingin sa cellphone nya.
Pinilit nya din ako bigyan ng cellphone pero hindi rin ako pumayag dahil gusto ko sa pera ko mismo manggaling ang ipambibili ko doon.
Lumingon sya sa akin at tumayo. Minsan ay nahihiwagaan ako kay Damien. Kasi parang ang perpekto na nya. Maganda sya, matangkad at may angking kakayahan sa pakikipaglaban. Lalo akong nahuhumaling sa kanya.
"Ihahatid na kita." hindi na ako sumagot at nauna nang lumabas. Ganito sya, ihahatid nya ako sa trabaho ko at uupo muna ng ilang oras doon para lang bantayan ako.
Sinabi ko nga sa kanya na ayos na ako pero mapilit sya na bantayan ako sa trabaho. Hindi naman ko naiilang sa kanya dahil hindi naman sya iskandalosa, para lang syang wala doon. Pero pinapanood daw nya ako habang nag tatrabaho.
Habang naghihintay sa labas ay tumingala ako sa taas kung saan ang bahay nila at nakita ko doon si ate Drei na nasa veranda at nakatingin din sa akin. Kinabahan naman ako dahil malamlam lang ang mga mata nya na para bang wala itong mga buhay.
Ibang iba silang magkapatid. Sa tindig palang ay hamak na mas matangkad si ate Drei kesa kay Damien. 6 footer si Damien at nasa 6'2 naman si ate Drei. Pangangatawan at pananalita rin ay ibang iba sila. Nakakatakot si Damien kung gusto nyang ipakita, pero si ate Drei ay nakakatakot na sa unang tingin palang.
Umiwas nalang ako ng tingin dahil hindi ko matiis ang nakakatakot na presensya nya.
"Tara na." nabigla pa ako nang magsalita si Damien pero sumunod rin ako sa kanya.
"Baka hindi ako magtagal sa bar ngayon may mga gagawin pa kami nila Dreianne sa kampo." tango nalang ang naisagot ko sa kanya at hinawakan ang kamay nya. Gustong gusto kong hawakan ang kamay ni Damien dahil kahit may kagaspangan ito ay masarap sa pakiramdam ang init ng kamay nya.
Kapag nga natutulog kami ay gustong gusto kong nakapatong ang kamay nya sa tyan ko.
"Love... Si ate Drei ba... parehas kayo?" tanong ko. Nahihiwagaan kasi ako kung parehas ba sila ng tipo. Parehas na gusto nila yung malambot.
"Wala pang nagiging kasintahan si Drei dahil nakatakdang ikasal na sya sa opisyal ng gobyerno sa maynila." natigilan naman ako.
"Nakatakda na? Paano?" yun ba yung tinatawag nila na Arrange marriage?
"Teenager palang kami nalaman na nya iyon. Gusto ni Papa na ikasal sya sa may kayang pamilya."
"Paano ka?" kinabahan naman ako. Natawa naman sya at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit.
"Hindi ako kasali, si ate lang." nakahinga naman ako ng maluwag.
"Akala ko ikakasal ka rin e."
BINABASA MO ANG
Aggresive Series #1 : TYRELL (GayxGirl)
RomanceHe fell in love with his beloved savior Damien. THIS IS A GAYxGIRL STORY. IF YOU ARE UNCOMFORTABLE, KINDLY SKIP THIS ONE.