HMMMMM......
DAMIEN ROSALES
Nasa may veranda ako ng apartment at minamasdan ko ang bahay nila Tyrell mula dito sa taas.
Kanina dapat ay susunduin ko sya, pero hindi ako nakapunta dahil pinatawag ako sa base. Tapos pag uwi ko ay nabigyan pa ako ni Drei ng punishment.
Ilang sandali pang nagtalo ang isip ko, pero bumaba pa rin ako para i check kung nakauwi na ba sya.
Pagdating ko sa harapan ng pintuan nya ay nakalock pa rin ito kaya naman nag taka ako. Hindi pa sya umuuwi.
"Si Tyrell ba ang hanap mo?" mabilis akong lumingon sa nagsalita. Isang may katandaang babae, kahawig noong kaibigan ni Tyrell na si Sandy.
"Wala pa sila, hindi pa nauwi. Sabi sakin ni Sandro kanina may pupuntahan daw sila at sandali lang iyon, pero hanggang ngayon wala pa rin." nag alala naman ako.
Bakit ba kasi kung saan saan dinadala ni Sandy si Tyrell? inis na naisip ko. Bumuntong hininga nalang ako at tumango sa babae bago umalis.
Bakit ba ako kinakabahan? Okay lang sya for sure. Iniisip ko habang paakyat muli at bumalik sa veranda. Huminga ako ng malalim at pinaglaruan ang barya na hawak ko at pinapaikot ikot ito sa kamay ko.
Ilang saglit lang ay napatingala ako sa langit nang biglang bumagsak ang malalaking patak ng ulan at ilang segundo lang ay umuulan na ng malakas. Napapikit ako sa inis.
"Naoobsess ka na naman ba?"
"Naoobsess ka na naman ba?"
"Naoobsess ka na naman ba?"
"Naoobsess ka na naman ba?"
"Naoobsess ka na naman ba?"
Muli kong binuksan ang mata ko at inis na tinignan ang langit. Paulit ulit kong naririnig ang boses ni Drei at hindi ko mapigilan ang mainis dahil dito. Napakapit ako sa railing at huminga ng malalim. Hindi ko na kaya ang pigilan ang pag aalala kaya naman mabilis akong pumasok sa loob ng bahay para kuhanin ang susi ng kotse ko at agad ring bumaba para hanapin si Tyrell.
Sa ilang linggo kong pag oobserba sa mga galaw nya ay alam kong madalas ay sa bahay lang ito namamalagi dahil pang gabi ang trabaho nila.
Una akong pumunta sa bar kung saan sila nag tatrabaho, baka kasi may nakaka alam kung saan sila nagpunta.
Pagpasok ko ay isa lang ang tao doon at nag cecellphone lang ito habang naninigarilyo. Napalingon ito sa akin at kumunot ang noo.
"Mamaya pa po kami mag bubukas, maam." magalang na pag sita nito sa akin. Nginitian ko naman sya at napakamot sa likod ng ulo ko.
"Alam nyo po ba kung nasaan si Tyrell?"
"Si Ty po? Hindi po e. Kanina pa po yun umuwi pagkatapos ng shift nila." dahan dahan akong tumango at lalabas na sana nang mag salita ito ulit.
"Pero po kanina narinig ko sila may pupuntahan ata. Parang dumating yung dating kasintahan ni Sandy galing maynila e." natigilan ako.
"Ano pong pangalan?" napakamot sya sa kilay.
"Kapangalan po yun noong artista e. Yung kalbo na moreno... Sino nga yun... D-Der.... Derek po ata ang pangalan." napangiti naman ako noong maalala nya.
"Salamat po. Ito po, pang meryenda nyo." inabutan ko sya ng 500 at tumodo naman ang ngiti nito.
"Salamat po maam. Ingat po kayo." nagpaalam na ako sa kanya at lumabas na ng bar.
BINABASA MO ANG
Aggresive Series #1 : TYRELL (GayxGirl)
RomanceHe fell in love with his beloved savior Damien. THIS IS A GAYxGIRL STORY. IF YOU ARE UNCOMFORTABLE, KINDLY SKIP THIS ONE.