CHAPTER 13

59 5 0
                                    

DREIANNE ROSALES


Napabuntong hininga ako at itinapon sa lapag ang hawak ko na sigarilyo at inapakan iyon. Pabalik na sana ako sa kampo nang mamataan ko si Damien na nasa veranda. Hilig na nya talaga ang matataas na lugar noon pa man. 

May umbok na ang tyan nya at talagang mas alagang alaga nya ang sarili nya ngayon simula noong malaman namin na buntis sya. 

Pero hindi natuwa si Papa. Galit na galit ito na halos hilahin si Damien sa ospital para magpalaglag. Pero hindi pumayag si Damien. Kalaunan ay wala ring nagawa si Papa dahil hindi na nakikinig sa kanya si Damien. Galit na ito sa lahat. 

Gustong gusto nyang bumalik sa San Rafael para makasama si Tyrell pero bantay sarado sya ni Papa. Wala rin magawa si Damien dahil walang tumutulong sa kanya. Kaya alam kong masama rin ang loob nito sa akin. 

Sandali ko pa syang pinanood at muling napabuntong hininga. Mabuti nalang malakas ang loob ni Damien. Kung sa akin siguro nangyare ang nangyayare sa kanya ngayon ay hindi ko siguro kakayanin. 

Sumakay na ako sa kotse at nagdrive na papunta sa Headquarters. Ngayon ang uwi nila Rodriguez kaya naman kailangan ko silang salubungin. 

Habang nag dadrive ay hindi ko maiwasan ang mag alala para kay Damien. Wala kasing nag babantay sa kanya ngayon doon dahil aalis ako. Baka mamaya lumabas sya ng walang paalam. Ginawa na nya iyon at napagalitan lang siya ni Papa. 

"Bibilisan ko nalang." bulong ko sa hangin. Hindi naman ganoon kaimportante ang pag uwi nila pero kailangan na nandoon ako bilang ako ang kapitan nila. 

Mabilis lang ang byahe dahil wala masyadong traffic ngayong araw. Bandang 4pm ay nasa kampo na ako. 

Habang naglalakad papasok ay tumigil ang mga sundalong nag tatraining exercise sa gilid at sabay sabay na sumaludo sa akin. Ganoon rin ang ginawa ko at nagpatuloy na sa paglalakad. 

"Capt. Rosales, may naghihintay po sa inyo sa loob." bungad sa akin ng isang kadete. 

"Oo alam ko, kakauwi lang nila Rodriguez." magpapatuloy pa sana ako sa paglalakad ng magsalita itong muli. 

"Hindi po Captain. Mga bakla po na kasama nila Rodriguez dito galing ng probinsya." natigilan ako at napakamot sa kilay ko. Tumango nalang ako sa kanya at sinenyasan na syang umalis. Sumaludo muna ito sa akin bago magpatuloy sa training exercise. 

Napapikit ako sa inis. Bakit sila nandito? Paano kung pumunta ng headquarters si Papa? inis kong bulong sa sarili. 

Pumasok ako sa hall at doon nga ay nakita ko silang dalawa. Si Tyrell at si Sandy.

Mukhang kanina pa sila nag hihintay dahil agad na tumayo si Tyrell at hindi malaman kung lalapit ba sa akin o ano. 

Lumapit ako sa kanila at seryoso lang na tumingin kay Tyrell.

"Bakit nandito kayo?" bungad na tanong ko. Kita ko ang sunod sunod na paglunok nito. Animo'y kinakabahan.

"G-Gusto ko lang pong makita si Damien. Ayos lang po ba sya? Wala naman pong nangyare sa kanya diba?" sunod sunod na tanong nito. 

"Bakit kayo nandidito? Dapat hindi na kayo pumunta ng maynila." nagtataka ako nitong tinignan.

"Gusto ko nga pong makita si Damien. Kasama nyo po ba sya?" sabay tingin nito sa likuran ko. Napailing ako sa inis.

"Hindi ko sya kasama. Hindi muna sya makapunta dito sa Headquarters." dahil buntis siya. Pero hindi ko kayang sabihin o gustuhin man. Dahil baka mas magpumilit siya na makita at makasama si Damien. Mas ikakapahamak nila iyon.

Aggresive Series #1 : TYRELL (GayxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon