CHAPTER 4

89 4 0
                                    

TYRELL MANANSALA

Napapahawak ako sa labi ko tuwing maiisip ko si Damien, hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto nya sa akin.

"Alam mo, para kang lutang na lutang nitong mga nakaraang linggo. Tapatin mo nga ako Tyrell Manansala... Nag dadrugs ka ba?" bumalik ako sa reyalidad ng magsalita si Sandy. Kumunot naman ang noo ko at hinampas sya sa balikat. 

"Anong drugs? Gaga ka!" natawa naman ito.

"Para ka kasing laging sabog e. Inlove ka ano?" natigilan naman ako. Inlove nga ba ako? Pero... 

"Alam mo, hindi naman masamang ma inlove beh, kung sa totoo lang yan pinaka paborito kong feeling. Yung para bang laging sya nalang nasa isip mo mula umaga hanggang gabi... Tapos sa pag tulog mo mapapanaginipan mo pa sya... Ganoong feeling." napatingin naman ako sa malayo at nagsimulang kagat kagatin ang kuko ko. 

"Sino ba kasi yan beh? Siguro yan yung sundalo ano?" napalingon naman ako sa kanya ng mabilis. Alam na ba nya? 

"Yung nanggulo satin noong nakaraan?" natigilan naman ako. 

"Sira ulo ka ba? Paano ako maiinlove doon e diba nga sinaktan tayo non?" inis na banggit ko. 

Nagkibit balikat naman sya. 

"E kasi diba yun ang tipo mo? Yung badboy na mapanakit? Tulad ni Jon... Alam mo ba parang nakita ko yun sa bayan, naka saklay sya. Diba kasama mo yun noong nakaraan dahil nag sex kayo?" napalunok naman ako.

"H-Hindi ko alam e." maang ko. 

"Nag tataka ako dyan sa kapitbahay natin na mga sundalo, lagi nalang nandoon para iligtas ka ano? Parang... ano ngang tawag doon? Knight in shining armor." natawa ako sa sinabi nya at binato sya ng unan. 

"Gaga." yun nalang ang nasagot ko sa kanya. 

Totoo ang sinasabi nya, pero feeling ko kaya laging nandoon si Damien ay dahil nga gusto nya ako. Ayaw nya akong inaapi o napapahamak.

"Yung kapatid nya... kung lalake lang yun, nako..." 

"Bakit?" natahimik naman sya. 

"Wala... Tara na may trabaho pa tayo mamaya." tumango nalang ako sa kanya at hinayaan nalang syang maunang mag bihis. 

Habang nag aayos ay may kumatok sa pintuan kaya naman agad akong nag suot ng plain na black t-shirt at binuksan na ang pintuan. Natigilan ako nang makita si Damien na nasa labas at may hawak na bulaklak. 

"Para sayo." sabay abot sa akin nito. 

"S-Salamat." nahihiyang tinanggap ko ang bulaklak at inamoy pa ito bago ilapag sa upuan.

"Mag tatrabaho ka na?" tanong nya. Nahihiyang tumango ako, hindi inaalis ang tingin sa kanya. Naka suot lang sya ngayon ng pang sibilyan at parang normal na tao lang ito kung titignan mo.

"Hatid ko na kayo." aangal pa sana ako pero hinawakan na nya agad ang kamay ko at nilapit ang sarili sa akin. 

Hinaplos nya ang pisngi ko. Pakiramdam ko ay uminit ang paligid at para bang gustong umusok ng mukha ko sa sobrang init nito. 

"Hahaha... namumula ka." inayos nya ang mahabang buhok ko at inilagay ito sa likod ng tenga ko. 

Nilapit pa nito ang sarili sa aking hanggang isang pulgada nalang ang layo namin sa isa't isa. 

"Iba ang ganda mo ngayon, Ty..." para bang mas gumanda ang pangalan ko pag tinatawag nya ako sa ganoong paraan. 

"Let me kiss you." hindi na ako pumalag at pinikit nalang ang mga mata ko. Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang labi nya sa akin at sa hindi ko na mabilang na pag kakataon ay masuyo nya akong hinalikan. 

Aggresive Series #1 : TYRELL (GayxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon