CHAPTER 16

43 4 0
                                    

TYRELL 

Lumipas ang araw at isang buwan na ang lumipas simula noong bumalik si Damien. Magkakasama kami sa bahay ko at kulang nalang ay punuin nya ng gamit ang loob nito dahil sa dami nyang binili para sa amin ni baby Tyra. 

Hindi naman ako umangal dahil gusto lang naman nya na maging maayos kami. Nangangamba pa rin ako na baka umalis ulit sya at iwanan nila ako, pero inaalis ko yun sa isip ko dahil laging sinisigurado ni Damien na lagi syang nasa tabi ko. 

Nakikita ko pa rin si James pero parang dumistansya ito nang kaunti. Mabuti nga iyon dahil kinakabahan ako sa kanilang dalawa ni Damien. 

Mabuting tao si James at yun ang palagi kong sinasabi kay Damien.

Tulog si baby Tyra at kaming dalawa lang ni Damien ang nasa sala. Bumili sya ng TV para sa amin kaya nanonood kami ng palabas ngayon sa telebisyon.

Nakayakap lang ako sa kanya habang nanonood. Inaamoy ang mabangong leeg nya. 

"Hindi ka ba natakot noong unang beses kang humawak ng baril?" tanong ko kay Damien. Inabot ng ilang segundo bago sya sumagot.

"Hindi." tipid na banggit nya. Napatango naman ako, oo nga naman... 

"Lagi naming nakikita ni Drei si Papa na may hawak na baril sa bahay palang. Si Papa din ang nagturo sa amin ng tama at maling pag hawak ng baril... Kaya hindi na ako natakot noong binigyan nya ako ng sariling baril." 

"Alam mo kung saan ako natakot?" natigilan ako at inalis ang pagkakayakap sa kanya. 

"Natakot ka?" takang tanong ko. Tumango ito at hininaan ang TV.

"Noong unang beses akong sinabak sa field mission. Iba ang training sa totoong buhay... Sa labas hindi warning shot ang ibibigay sayo kung hindi totoong tama ng bala. Sa ulo, paa... katawan mo." napalunok ako.

"Noong unang beses akong nakakita ng namatay... kalaban man o sibilyan... natakot ako." 

"Natakot ako dahil alagad ako ng batas... tungkulin kong iligtas ang mamamayan na may kailangan ng tulong. Pero habang tumatagal... nakasanayan ko na. Kaya yung takot.. naging lungkot nalang kada makakakita ako ng namatay." natahimik ang paligid. 

"Maniwala ka dyan kay Damien, kung pumatay yan... halang ang bituka." sabay kaming napalingon sa pintuan dahil sa nagsalita. 

Natawa ako nang biglang tumayo si Damien at susuntukin sana si ate Drei na nasa pintuan.

"Joke lang... Ito naman..." natatawang banggit nito.

"Dumating ka na pala ate." nawala kasi sya ng ilang linggo. Bumalik ata sa maynila.

Ang natatawang itsura nito ay unti unting napalitan ng seryosong tingin kay Damien. Kaya naman kinabahan ako dahil parang nag uusap sila sa mata.

"Sandali lang love." paalam nito sakin. Nayakap ko naman ang sarili at umayos ng upo sa sofa. 

Pinanood ko silang mag usap sa may pintuan. Hindi ko marinig dahil masyadong mahina ang pag uusap nila. Nakita kong parang nabahala si Damien kaya naman napa hinga ako ng malalim at tumayo. 

Iniwan ko muna sila doon at pumasok sa kwarto namin at sinipat ng tingin si Tyra. Mahimbing itong natutulog sa crib nito. Lumuhod ako sa harap ng crib at hinawakan ang maliit na kamay ng anak ko. 

Kamukhang kamukha nya si Damien mula sa pilik mata, ilong at labi... kilay lang ata ang namana ng anak ko sakin. Natawa naman ako sa naisip. 

"Baby.... love na love ka ni mama mo... ang bilis mo lumaki.... manang mana sa nanay.." 

Aggresive Series #1 : TYRELL (GayxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon