CHAPTER 7

78 4 1
                                    

TYRELL

"Pasensya na po dito na kami natulog, malakas po ang ulan mag damag." nagising ako dahil sa nag uusap sa malapit. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at tinignan kung saan nanggaling ang boses.

Nakasilip si Damien sa pintuan at parang may kinakausap na kung sino. 

"Ayos lang 'yon. Iniiwan ko talagang bukas itong kubo dahil baka may maligaw dito at magamit pampalipas ng gabi." 

"Salamat po, manong...." 

"Dan nalang." 

"Salamat po manong Dan." 

Dahan dahan akong umupo at bumagsak ang jacket na nakatakip sa katawan ko kaya natakpan ko ito. Inayos ko ang magulo kong buhok at hinanap ang mga damit ko na nakakalat sa sahig. 

"Mukhang hindi lang pag tulog ang ginawa nyo." natigilan ako sa pagdadamit at napatingin sa pintuan at namataan na sumilip ng kaunti ang matanda. 

Nakita kong napakamot nalang ng ulo si Damien kaya binilisan ko na ang pag kilos. 

"Parang ganoon na nga ho." 

Matapos mag bihis ay dahan dahan akong lumapit kay Damien. Agad naman nya akong hinapit palapit sa kanya. 

"Kasintahan ko po pala... si Tyrell." ngumiti ako sa matanda at panakang kinawayan ito. Parang uminit ang mukha ko nang ngumiti ito sa akin ng nakakaloko. 

"Sa kabilang bukid nandoon ang isa pang kubo namin ng asawa ko. Tara sumama kayo sa akin ng makapag kape tayo at tinapay. Pwede mo gamitin ang motor ko doon pauwi sa inyo." humigpit ang akap sa akin ni Damien dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nginitian nya ako ng matamis at tinanguan. 

"Sige po. Papatayin ko lang po yung apoy na ginawa ko kanina." tumango ang matanda at lumakad na pabalik sa sasakyan nya. Mayroon itong owner type na jeep at may mga kargang gulay sa likod. 

Nang mapatay na ang apoy ay sumunod na kami kay manong Dan. Magkatabi kami ni Damien sa unahan ng jeep.

"Matagal na ho kayo rito?" tanong ni Damien. Nahihiya ako kaya inobserbahan ko nalang sila.

"Ay matagal na. Dito sa bukid na ito ako lumaki, pati ang asawa kong si Daday." 

"Kamusta naman ho ang... pamumuno sa bayan na ito?" nakita kong napaismid ang matanda dahil sa tanong ni Damien. 

"Sa tagal ko dito sa bayan ng San Rafael bilang sa daliri ang pagbabago. Ang daynastiya ng mga Angeles ang umubos sa yaman ng bayan. Dati rin akong nanilbihan sa kanila, hindi ko masikmura ang mga taong iyon. Daig pa ang hayop, lalo na ang namumuno ngayon. Walang awa ang matandang Angeles." 

Totoo ang sinasabi ni manong Dan. Matagal nang namumuno dito ang mga Angeles pero parang ginagatasan lang nila ang mga tao dito. Kaya kahit gusto namin ng reporma at pagbabago ay hindi magawa gawa dahil sa korap na pamumuno nila.

"May iba pa ho ba kayong nalalaman?" dahan dahan na tumigil ang sasakyan at lumingon sa amin si manong Dan. 

"Mas mabuti pang wag nyo nalang alamin, dahil ang may mga alam... bigla bigla nalang nawawala rito. Tulad ko, muntik na rin ako." sabay pakita nya ng kanyang kamay. Napatakip ako sa bibig dahil ang tatlong daliri ni manong Dan ay wala na... o pinutol na.

Iba talaga ang pamilya ng mga Angeles.

"Iba ang politika rito. Para syang kayamanan na hindi mo pwedeng mawala. Kapangyarihan ang nagpapatakbo sa San Rafael." seryosong sabi ni manong Dan. Bakas rin sa mata nya ang takot. Sino ba ang hindi? Kahit kami na simpleng tao lang, takot sa kanila. 

Aggresive Series #1 : TYRELL (GayxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon