TYRELL MANANSALA
"Ha?" gulat kong tanong sa kanya matapos nyang sabihin na... May gusto sya sa akin?
"Oo, Type kita."
Hindi ko alam ang isasagot ko kaya naman tumingin nalang ako sa bintana. Hindi na rin naman siya nagsalita pa.
Buong byahe ay grabe ang kabog ng dibdib ko, hindi ko alam kung bakit... pero malakas ang impact ng sinabi nya sa akin.
Never naman ako nagkaroon ng karelasyon na babae at simula pa noon ay lalake talaga ang tipo ko.
Huminto na ang sasakyan pero hindi pa rin kami bumababa, kaya naman ako na ang nag tanggal ng seatbelt ko at bababa na sana nang hawakan ni Damien ang kamay ko. Dahan dahan akong lumingon sa kanya.
"B-Bakit?" nauutal na ako sa sobrang kaba.
Hindi sya nagsalita kaya naman muli kong bubuksan sana ang pintuan ng kotse nang hatakin nya ako ng marahan at pag lingon ko sa kanya ay nagtama ang aming mga labi.
Nanlaki ang mga mata ko at napahawak sa magkabilang balikat nya, pero sa hindi malamang kadahilanan ay hindi ko sya itinulak. At sa tingin ko kahit itulak ko sya ay hindi naman sya aalis sa pagkakahalik sa sakin.
Sunod sunod ang pagkurap ng mga mata ko. Hindi makapaniwala na hinahalikan ako ng isang babae!
Dahan dahan nyang binitawan ang mga labi ko. Sunod na ginawa nya ang pag ayos ng buhok ko. Hindi inaalis ang mga mata sa akin, para bang tinitignan nya ako ng mabuti.
"Halika..." mabilis syang lumabas ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pintuan. Inalalayan nya akong makababa sa sasakyan.
Napakadilim ng paligid at tanging ilaw lang sa poste at buwan ang nag sisilbing liwanag.
Hinila nya ako at lumakad kami papunta sa apartment nila. Natigilan naman ako kaya lumingon siya sa akin.
"S-Sa loob tayo?" tanong ko sa kanya. Hindi na sya sumagot at dinala na nya ako sa itaas kung saan sila naninirahan.
Pinag urong nya ako ng upuan at doon pinaupo. Nakita kong nag lagay sya ng tubig sa electric kettle at nag ready ng dalawang baso at nilagyan iyon ng kape.
Pag balik nya ay nilapag nya sa lamesa ang kape at tinapay.
"Sorry, yan lang ang meron kami ngayon." sumimsim sya ng kape at hindi man lang tinanggal ang pagkakatitig sa akin.
"Alam mo ba yung salitang 'Masamang tumitig'? " natatawang tanong ko. Ininom ko ang kapeng timpla nya.
Natawa rin sya ng mahina, inalis nya ang tali sa makapal nyang buhok at muntik na akong mapanganga dahil... napaka ganda nya.
"Ang ganda mo rin." halos pabulong kong sabi, pero alam ko narinig nya iyon dahil natawa sya.
"I know." mayabang na sagot nya. Umirap naman ako at muling uminom ng kape.
"Saan pala kayo nakadistino? Malamang malapit lang dito kaya dito kayo kumuha ng matitirhan pansamantala."
"Oo, doon sa gitna ng bundok ang base namin. May mga military exercises kasi kami kasama yung mga sundalo galing sa iba't ibang bansa ng ASEAN. Dahil mas maganda ang base militar ng pilipinas ay dito ginaganap yung mga military expedition."
Napatango naman ako.
"Edi ibig sabihin pala dadami ang mga militar na mag pupunta ng bayan?" natakot naman ako dahil sa nangyare noong nakaraang araw sa bar kung saan una kong nakilala si Damien.
BINABASA MO ANG
Aggresive Series #1 : TYRELL (GayxGirl)
RomanceHe fell in love with his beloved savior Damien. THIS IS A GAYxGIRL STORY. IF YOU ARE UNCOMFORTABLE, KINDLY SKIP THIS ONE.