CHAPTER 3

98 5 0
                                    

TYRELL MANANSALA

"Bakla, may inaabangan ka ba dyan na pumasok? Kanina ka pa nakatingin sa pintuan ng bar." Sita sa akin ni Sandy. Tumikhim ako bago bumalik sa pag tatrabaho. Ilang araw na rin ang lumipas noong huling kita namin ni Damien, matapos nya akong halikan noong gabi na iyon ay dumalang ang kita ko sa kanya. Siguro ay dahil sa trabaho nila, baka kailangan siya ngayon sa base nila.

May karamihan ang tao ngayon dahil linggo. Ala una palang ay madami na ang lasing, malakas ang tugtog dahil nandito ang dayuhang DJ na laging kinukuha ng boss namin dito. 

"Sino bang inaabangan mo Ty?" nakagat ko ang labi dahil hindi ko masabi sa kanya kung bakit ba ako nakatingin kanina pa sa pintuan. 

"W-Wala... wala yun, tinitignan ko lang kung... kung may bagong customer na dumating.. tama.." kunot noo naman akong minasdan ni Sandy, pero nag kibit balikat nalang din kaya naman nakahinga ako ng maluwag.

"Pare... sabi ko sayo madaming chicks dito!" napalingon ako sa pintuan ng sunod sunod na pumasok ang mga kalalakihan. Inantay ko muna silang makaupo bago ko sila nilapitan para kuhanin ang order nila. 

"Bigyan mo nga kami ng tatlong bucket ng beer tapos dalawang order na sisig.... pati number mo isama mo na." napakunot naman ang noo ko sa huling sinabi nya. 

"Sorry sir, waiter lang po ako dito. May mga GRO po sa loob na pwede nyong i table." 

"Gusto ko ikaw e." seryosong banggit nya. Napakamot naman ako sa ulo at hindi na sya pinansin. 

Pumunta ako ng kusina para ibigay sa cook ang order nila. Ilang saglit lang ay ready na agad ang sisig at ang tatlong bucket ng beer. Dahan dahan ko itong hinatid doon sa table at paalis na sana ako nang hatakin ako noong customer. 

"Sabi sayo itatable kita diba?" inis kong inalis ang kamay nya sa pulsuhan ko. 

"Sir hindi ka ba nakakaintindi? Waiter nga lang ako dito, may mga GRO dyan sa loob." natawa naman ang mga kasama nito at inasar sya dahilan para sumama ang mukha nito. 

"Gago ka rin ano? Pinapahiya mo ako." inirapan ko sya at aalis na sana nang marinig ko ang isa isang pagbagsak ng alak sa lapag. 

"Sorry, linisin mo nga." lumakas ang tawa ng mga kasama nyang lalake at nag apiran pa ito. Inis kong minasdan ang kalat na ginawa nya. 

"Ano pong problema?" hindi ko namalayan na dumating na pala ang manager namin. 

"Wala, natapon lang. Sabi ko sa WAITER nyo na linisan, pero parang ayaw nya?" maang nito. Napanganga naman ako sa kanya at lumingon sa manager ko na masama na ang tingin sa akin. 

"Linisan mo na." may diin na banggit nya. Wala akong nagawa kaya naman kinuha ko nalang ang mop at walis. 

"Oh, Ty... Anong nangyare?" tanong ni Sandy. Umiling nalang ako at bumalik na doon sa table at nilinis ko na ito. 

"Ito din linisin mo." lalo akong napanganga nang itapon nya sa lapag ang complimentary peanut na nasa table. 

Inirapan ko nalang siya at nilinis na muli ang table nila. Paiyak na ako sa sobrang inis ng may kumalabog sa table nila. 

Pagtaas ng tingin ko ay nakita ko na ang kanina ko pang hinihintay.

"Kapag nag kalat ka pa, dugo mo na ang papatak sa lapag." matigas na banggit ni Damien. Pag tayo ko ay nanlaki ang mata ko ng makita ang baril na nasa table. 

"S-Sino ka ba!?" inis na banggit noong lalake. Natawa naman ako sa itsura nya dahil para bang namutla ito. 

"Wag mo na akong kilalanin." nag tayuan ang mga lalakeng kasama nito at para bang sabay sabay silang nag unat ng buto. 

"Ang yabang mo porke may baril ka, lakas ng apog mo na takutin ang boss namin!" namatay ang tugtog at napansin kong halos lahat ng tao ay nakatingin na sa amin. 

"Wag na, Damien. Hindi naman nya ako sinaktan e. Tapos ko na rin linisin yung mga kalat." pigil ko kay Damien, nag babakasakaling makinig siya sa akin. 

"Kami pa ang wag mong patulan ganoon ba? Anong akala mo sa sarili mo? Kaya mo kami? Lima kami, isa ka lang." ngisi nalang ang isinagot ni Damien. 

"Gagong 'to!" sabay sabay silang sumugod kay Damien pero agad na nakaiwas ang isa. Bihasang iniwasan nya ang mga suntok nila.

"Hoy!! Tama na yan!!" sigaw ni Sandy. 

"Bakla pigilan mo!" sigaw nito sa akin. 

"Gaga, paano?" dumating na ang mga bouncer at pinigilan nito ang ilan sa mga lalake pero tatlo pa rin ang kalaban ni Damien. 

Napasinghap ako nang makita ang isa na humugot ng kutsilyo at ambang sasaksakin si Damien. 

"Damien!" Napapikit nalang ako dahil baka tamaan sya. Pagsilip ko ay nakahinga ako nang maluwag ng makita kong nabitawan na ng lalake ang kutsilyo. Bihasang sinipa nya ang dibdib nito at tumama sa pader ang lalake dahilan para mawalan ito ng malay. 

"Anak nang!" inundayan nito ng suntok si Damien pero agad syang umilag dahilan para ma out of balance ang lalake at matumba ito. Hinatak sya ni Damien at binigyan ng magkabilang suntok sa mukha. 

Hinihingal na sumandal si Damien sa pader at minasdan ang mga nakahandusay na lalake. Nang masigurado na lahat na sila ay hindi na tatayo ay lumapit ito sa akin at hinawakan ang pulsuhan ko. 

"Sorry, late ako." lumingon sya sa table at kinuha ang baril nyang nakapatong doon.

"Buti hindi ka nila binaril." natawa naman ito. 

"Walang bala ito. Sinubukan pa nga akong tutukan noong gunggong e." wala lang na sabi nito. Napakamot ulo naman ako. 

"Hoy! Bayaran mo lahat ng table at mga nasira mo!" sigaw ng manager namin kay Damien. Binitawan ni Damien ang kamay ko at nilapitan ang mataba naming manager, napaatras naman ito at napasandal sa pader.

"Sa susunod na mabastos dito si Tyrell at wala kang ginawa, tingga ang babaon sa ulo mo." seryosong banggit nito. 

"W-wag mo akong tatakutin! May kapit kami sa mayor dito!" dinuro pa nya si Damien, hinawakan naman ni Damien ng mahigpit ang daliri ng manager at agad itong uminda sa sakit. 

"Pag ako nagalit, pati mayor... hindi makakapalag sa akin." natakot naman ako sa sinabi nya. Mabilis akong lumingon dahil baka may mga alipores ni Mayor dito. 

"S-S-Sira ulo!" patakbo itong umalis at natawa nalang si Damien.

"Damien, masama yang sinabi mo. Hindi mo naman kilala ang mayor dito, baka mapasama ka." bulong ko sa kanya. 

"Kilala ko ang mayor dito, wag ka mag alala." napalunok ako. Sino ba talaga sya? 

Bakit napakatapang mo Damien? 

"Tara." sabay hila nito sakin.

"Sandali, may trabaho pa ako." pigil ko sa kanya. 

"Wag mo na isipin iyon, may kakausap dyan." wala akong nagawa kundi ang sumama sa kanya.

Minamasdan ko lang sya habang hila hila nya ako papunta sa kotse nya. 

"Sino ka ba talaga?" tanong ko. Nang tumaas ang tingin nya ay nag tama ang mga mata namin.

"Baka matakot ka pag nalaman mo, sa ngayon... Ako si Damien, at gusto kita." napalunok akong muli. 


_______________________

KEROSCHIX

Aggresive Series #1 : TYRELL (GayxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon