TYRELL
Ang ikli ng panahon na binigay sa amin
Pag-ibig na para lang isang halik sa hangin (halik sa hangin)Ang ikli ng panahon na binigay sa amin
Pag-ibig na para lang isang halik sa hangin
Sandali lang nabuhay ang pusong ito
At ngayon nagdurugo
Dahil nga ngayon wala na ako doon
Sa piling niya mayroon
Pag-asa pa ba
Sana lang ay magkaroon
Isa pang pagkakataon
Na ibalik pa ang kahapon
Nung kasama ko siyaNung ako ay masaya (nung ako ay masaya masaya masaya)
Nung ako ay masaya (nung ako ay masaya masaya masaya)
Nung ako ay masaya (nung ako ay masaya masaya masaya)
Nung ako ay masayaSabik na sabik na akong makasama siya
Gusto kong humalik sa labi at mga pisngi niya
Pwede bang ibalik pa yung pag-ibig naming dal'wa
O wala na talagaDahil nga ngayon wala na ako doon
Sa piling niya mayroon
Pag-asa pa ba
Sana lang ay magkaroon
Isa pang pagkakataon
Na ibalik pa ang kahapon
Nung kasama ko siyaHindi ko mapigilan ang mapasabay sa kanta sa radyo dahil sa ganda ng boses ni KZ Tandingan. Linggo ngayon at simula noong mabaril si Damien ay hindi na muna sya umalis sa bahay ko. Gusto ko naman iyon dahil magkasama kami at naaalagaan ko rin sya.
Napakaganda ng araw ngayon at maaliwalas ang buong paligid. Natapos ako sa mga gawaing bahay at gigisingin ko na si Damien. Nagpaalam muna ako sa trabaho na mawawala ako ng isang linggo at pumayag naman ang manager. Nagulat pa nga ako dahil doon pero hindi ko nalang pinansin.
Pero mamayang gabi ay babalik na ako ulit sa pagtatrabaho sa bar dahil tapos na ang isang linggong leave ko.
Nagluto ako ng sinigang na paborito ni Damien. Gustong gusto nya daw ang mga luto ko at na iinlab daw sya sa akin lalo.
"Love?" lumapit ako sa kanya at dahan dahan na inalog ang balikat nya para gisingin sya. Natawa ako ng mag inat ito na akala mo ay pusa.
"Ang cute mo love." banggit ko. Pagmulat ng mga mata nya ay nagtama ang mga mata namin.
"Cute talaga ako." pabirong banggit nito habang dahan dahan na bumabangon. Nang makatayo ay nilapitan nya ako agad at niyakap ng mahigpit.
"Ang bango bango mo." napairap naman ako at inalis ang yakap nya sa akin.
"Tumigil ka nga, amoy pawis nga ako e." niyakap nya akong muli sa likuran at inamoy ang leeg ko.
"Kaya nga." napapikit ako ng maramdaman ang halik nya sa leeg ko.
"K-Kumain na tayo.... Napaka... mo talaga." natawa naman ito at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin sabay sipsip sa leeg ko.
"Araaayyyy." daing ko at mahinang kinurot ang braso nya. Natawa naman ito at binitawan na ako.
Sya pa ang humila sa akin palabas ng kwarto at iniupo ako sa may lamesa at sya na ang nag silbi sa akin. Minasdan ko lang sya habang kumukuha ng pinggan at pagkain.
"Baka mas ma inlove ka sa akin nyan kakatitig mo." muli akong napairap sa kanya.
"Aalis ka ba ngayon?" tanong ko sa kanya. Umiling naman ito sa akin at inabutan ako ng kutsara. Sya na rin ang nag salin ng sabaw sa mangkok ko at ibinigay iyon sa akin.
Isa ito sa mga gusto ko kay Damien, hindi sya pabigat sa akin at inaalagaan nya rin ako.
"Hindi ako aalis... Pero depende kung... ipapatawag ako." napatango naman ako.
BINABASA MO ANG
Aggresive Series #1 : TYRELL (GayxGirl)
RomansHe fell in love with his beloved savior Damien. THIS IS A GAYxGIRL STORY. IF YOU ARE UNCOMFORTABLE, KINDLY SKIP THIS ONE.