Prologue

14 1 0
                                    

Nakatitig lang ako sa dalampasigan at pinagmamasdan ng maigi ang mga ibong nagsisiliparan papunta sa malayo. Sa pinong buhangin, nakaupo lamang ako habang iniisip kung paano ko nga ba nalagpasan lahat ng mga problema at pangyayaring hindi ko kailan man inaasahang haharapin ko?

Napabuntong hininga na lamang ako sa kawalan at mahigpit na hinawakan ang gitara na kasalukuyang hawak-hawak ko ngayon, nag tipa lang ako ng ilang chords at habang dinadama ang malamyos na hanging tumatama sa aking mga balat ay sya ring pag pikit ko habang mataimtim na dinadama ang tunog ng instrumentong nasa kamay ko.

"So I brought it up in a desperate prayer, lord why are you keeping me here? then he said to me, 'child im planting seeds' i'm a good God and I have a good plan so trust that i'm holding a watering can, and someday you'll see... the flowers grow in the valley.."

As I sang the lyrics, I feel like there's a heavy void inside my heart. Knowing and remembering some painful things I didn't deserve to feel in the first place. It still lingers inside my heart at aaminin kung hanggang ngayon ay medyo mabigat pa rin sa dibdib lahat.

Pero, sa mga nagdaang taon natutunan ko ring tanggapin at bitawan ang mga bagay-bagay na nakakasakit sa sarili ko. Kahit medyo may kabigatan pa rin sa puso ay masasabi kong magaan na rin sa akin ang lahat at sa estado kung ano ang naging buhay ko sa ngayon‚ masasabi kong malayo na ang narating ko sa dati.

Yung tipong malaya mo ng nagagawa ang mga gusto mo at sa pag abot ng pangarap ko ay masasabi kong nagawa ko iyon ng walang dini-dependehan.

Napagtanto kong lahat ng pangyayari ay mayroong purpose at katapusan. Hindi habambuhay ay ganito nalang ako at patuloyng ibinabaon ang sarili ko sa parehong sitwasyon at hindi ko kailan man pipiliting magustuhan ng mga taong sa umpisa pa lamang ay hindi naman na talaga ako ginusto.

And as I look back in my past? On that same bittersweet year, I lost, I cried, my heart shattered into pieces, I lost a loved one, a friend yet in that exact same year, I found my home and that's my man.

On That Same Year (On-Going)Where stories live. Discover now