I didn't know how I manage to get home but all I know is that, I got home safely.
Pagkapasok ko pa ng bahay ay kaagad namang bumungad si Mama sa'kin pero wala ng kahit na anong bakas ng kalungkotan ang kanyang mukha. Tinanong pa n'ya ako kung sa'n ako galing pero sabi ko do'n lang ako nanggaling sa 7-eleven at may binili lang pero ang totoo sa dagat naman talaga ako pumunta.
Inaya nya akong kumain ng haponan pero sabi ko kumain na ako at gusto ko ng magpahinga, hindi naman na s'ya nagtanong pa sa'kin at tinanggap lang din ang sinabi ko.
Nang makarating sa kuwarto ay kaagad na rin akong nagbihis at nang makahiga sa kama ko ay kaagad na rin akong tinangay ng antok ko.
Kinabukasan, hindi na muna ako pumasok at nag pasa lang ako ng excuse later saying that I wasn't feeling well. Nagtaka pa nga si Addi dahil no'ng nakaraang araw ay ayos pa naman daw ako tapos bigla nalang daw akong sinumpong ng lagnat, hindi naman na ako nag paliwanag pa sa kanya at sinabi ko lang na unexpected naman talaga kapag magkakasakit ka o may mararamdaman kang masakit sa katawan mo.
Kahit ang totoo ay wala naman talaga akong ganang lumabas na muna dahil hindi ko rin ma gets ang sarili ko, hindi naman na ako masyadong malungkot ngayon dahil sa nasaksihan ko no'ng nakaraang araw sa sala. Pakiramdam ko lang nawalan ako ng ganang pumasok ngayon at kailangan ko na munang ipahinga ang sarili at utak ko.
Hindi pa rin kasi nawawala ang pangamba ko at hindi pa rin nag re-reply si Daddy sa'kin hanggang ngayon pero makakapag-antay pa naman ako ng ilang oras dahil alam kong hindi rin biro ang ginagawa nya ro'n para lang makakain kami.
Kahit wala sa wisyo ay pinilit kong tumayo para ayosin ang sarili ko at nang makatapos ay pumunta na rin ako sa kusina para makakain na.
Bandang mga hapon ay nakaupo lang ako sa sala habang nanunuod ng TV ng may biglang kumatok sa pintuan, medyo nainis pa ako dahil nanunuod ako ng paborito kong kdrama tapos biglang may iisturbo ng pinapanuod ko. Hays.
Tumayo naman na ako at binuksan ang pintuan pero laking gulat ko ng tumambad sa akin ang nangingiting mukha ni Ruzh at si Addi naman na mukhang inis pa ito ngayon sa gilid n'ya.
"Hi!" bati naman sa'kin ni Ruzh at bahagya pa n'yang inabot ang kamay ko at inilagay nya ro'n ang pagkaing binili n'ya.
"Pinilit lang ako ni Ruzh dito huh, gusto ka raw n'ya kasing makita." naiinip na sabi ni Addi, napakamot nalang ako sa ulo ko at pinapasok na ang dalawa.
"May kalakihan din pala ang bahay n'yo, 'no?" biglang saad naman ni Ruzh nang makaupo sa couch namin dito sa sala.
"Hindi naman, sakto lang.." I replied, nakaramdam naman ako ng kaunting pagtataka pero kaagad ko rin naman iyong ipinagkibit-balikat dahil baka masyado lang akong naninibago sa ginawa n'yang komento sa bahay namin.
I mean yeah, medyo may kalakihan nga itong bahay namin pero hindi ko naman masasabing malaking-malaki talaga 'to dahil para sa'ken ay sakto lang ito sa aming mag pamilya pero ngayong pansamantalang wala ang mga kapatid ko sa puder ni Mama ay medyo lumuwang talaga ang espasyo at sobrang tahimik ng bahay namin.
Ilang minuto pa ang nakalipas at ng maalala ang sinabi ni Addi kanina ay kaagad ko namang pinaningkitan ng mata si Ruzh nang makaupo na sa kabilang side ng couch. "So, sabi ni Addi pinilit mo lang daw s'yang pumunta rito?" paninimula ko.
Tumango naman s'ya "Oo eh, look i'm just worried about you kasi kahapon malapit ka ng mahulog sa hagdan tapos ngayon naman masama ang pakiramdam mo.." mahabang paliwanag n'ya.
Namimilog naman ang mata ni Addi habang nakatingin sa akin, mariin ko namang pinikit ang mga mata ko.
"Hoy ano yung sinasabi ni Ruzh?" nakataas naman ang kilay'ng tanong ni Addi sa'kin.
YOU ARE READING
On That Same Year (On-Going)
RomanceIris Dafian's life is a tangled web of struggles. As a bright and talented teenager‚ she faces daunting academic pressures and a fragile family dynamic. Her once-vibrant spirit is worn down by the weight of expectations. But everything changes when...