A week had passed and nothing much had happened, we're already done doing our research and thankfully one of my groupmates passed it when I wasn't around.
And now, I'm currently having lunch with Addi, Riza and Ruzh dito sa paborito kong karindirya kung sa'n malapit lang din sa school na tinutuluyan namin, dito mas budget friendly kasi at hindi ka pa malulugi sa quality ng mga pagkain. Parang kumakain ka lang din ng mamahalin sa sobrang sasarap nito.
Simula no'ng na diskubre ko ang karindirya na ito ay lagi na ako ritong kumakain ng lunch, nagagawa ko pangang imbitahan na sumama sa'kin si Addi rito minsan at pati s'ya ay labis na nagustuhan ang kainan na 'to. Pero, minsan naman hindi rin ako nakakapunta rito lalo na kapag busy ako sa school at may tinatapos na activity. Kahit nga pag kain ay nakakalimutan ko rin minsan, tinatapos ko kasi agad ang mga school works ko.
Ayokong nag c-cram eh.
Rinig ko naman ang mahinang pag reklamo nang tiyan ko nang maamoy ang nilulutong pakbet ni nanay Belen.
“Ansarap naman n'yan, nay. Pa order nga ako n'yan!” nakangiting sambit ko, kahit busy sa pagluluto alam ko namang narinig n'ya 'yon dahil bahagya pa sy'ang lumingon sa puwesto ko at ngumiti sa akin ng pabalik.
Hindi naman na ako nag aksaya pa ng oras at naupo na rin ako sa isang mesa kung sa'n may estudyante lang ding kakaalis, naupo naman ang tatlong kasama ko.
The karindirya was full but we manage to have a table immediately, halos makipagsiksikan pa ako 'wag lang maunahan.
“Di ko alam may hidden karindirya pala rito, Iris!” parang manghang-mangha pang sabi ni Riza. Napangiti naman ako.
“Aksidente ko lang din 'tong nakita no'ng may dinaanan ako at timing nagutom ako kakalakad at yun, nakita ko 'to..” paliwanag ko pa.
“Good job, Iris. It's affordable for us students too.” komento naman ni Ruzh sa tabi ko.
“Oo na Ruzh, puro ka ingles kung 'yang pinsan ko nakakaintindi ng ingles mo puwes kaming dalawa ni Riza hindi. Kaya ayos-ayosin mo!” suway naman ni Addi na ikinatawa ko ng bahagya.
“Hoy hoy, anong hindi nakakaintindi. Idadamay mo pa ako ha! Ikaw lang naman ata hindi nakakaintindi ng ingles sa'tin!” depensa naman ni Riza sa kanyang sarili.
Natawa naman ako. “Tumahimik nanga kayo, mag order nalang tayo ng ulam nagugutom na'ko eh.”
“Sige sige, sino magsasabi ng orders natin?” tanong ni Addi na agad din naman kaming lumingon kay Ruzh, mukhang nakuha n'ya ata ang ibig naming sabihin dahil parang naiinis pa s'yang tumingin sa'ming tatlo.
“Oh come on..” he complain.
“Hey! Hindi you gentleman huh, come on you take our orders na.” sabi naman ni Riza.
“Dàmn..” mahinang mura ko at bahagyang napahilamos ng mukha. Tumawa naman si Addi at bahagyang tinadyakan ang paa ko sa ilalim ng table, I glared at her. Real bad.
“So, anong gusto n'yo?” Ruzh's ask.
“Pakbet sa'kin tapos isang hotdog yung tig 15.” nangungunang saad ko at sumunod naman ang dalawa sa pagsasabi ng mga gusto nilang ulam ngayong tanghalian, natatawa pa ako ng makitang napakamot ulo nalang si Ruzh papuntang cashier to tell our orders.
“Iris, pakiramdam ko may gusto sa'yo si ano..” Riza said out of nowhere, agad naman akong napalingon sa kanya.
Napakunot noo naman ako “What do you mean?”
“Look, I make pansin him na huh. No'ng una palang talaga.. Grabe kong makatitig sa'yo teh!” giit pa ni Riza, narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Addi.
YOU ARE READING
On That Same Year (On-Going)
RomanceIris Dafian's life is a tangled web of struggles. As a bright and talented teenager‚ she faces daunting academic pressures and a fragile family dynamic. Her once-vibrant spirit is worn down by the weight of expectations. But everything changes when...