I didn't know why I happen to push him when all he did was just asking where possibly I could go, I know i'm a bit harsh ng mapaglabasan ko s'ya ng gano'ng ugali pero hindi ko lang din kasi maintindihan kung bakit kailangan pa n'ya akong tanongin?
Tama naman ako sa parte na kung gusto n'yang gumala o pumunta sa iba't-ibang lugar dito sa baranggay namin ay puwede naman sy'ang umalis ng mag isa, hindi ko halos masikmura yung nagawa ko sa kanya kanina kaya naman pakiramdam ko ay kailangan kong humingi ng paumanhin sa kanya.
Ni hindi ko na nagawang sabihan si Addi na umalis na ako ng paaralan namin dahil masyado akong nagmamadaling makalabas ng school namin, I'll just message her nalang.
I open my data at pumuntang facebook so that I could chat her. I was about to click on our conversation when a notification coming from my friend request popped out above my phone's screen.
I'm a bit suprised as I saw who's name is it, it was Ruzh's account and what's more funny? He sent me a friend request!
Nakailang-iling pa ako, nagbabakasakaling napindot n'ya lang yun ng hindi sinasadya pero tumagal nalang ang pag titig ko ro'n pero hindi yun nawala.
Ruzh Korman sent you a friend request.
Confirm Delete“Potakte, ano na naman kayang balak nito?” mahinang bulong ko sa sarili. Hindi ko pa nga na p-proseso sa utak ko yung nagawa ko kanina dahil masyado akong kinakain ng konsensya pero heto parang madadagdagan pa yata ang iniisip ko!
“How did this guy found my facebook account anyways?” I murmured. Siguro kung maraming customer dito sa coffee shop na pinuntahan namin ni Addi no'ng nakaraang araw ay aakalain nilang baliw ako dahil kahit mahina akong nagsasalita halata pa rin namang kinakausap ko ang sarili ko rito ng mag-isa.
Napahilamos ako dahil sa dami ng iniisip at ngayon mas lalo pang nadagdagan dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung i-aaccept ko ba ang friend request n'ya sa'kin o hindi?
Baka naman may sasabihin lang o baka naman gusto nya lang ding maging friends kami sa facebook? Argh, hindi ko na alam. It's making me anxious.
Instead of worrying, ininom ko nalang yung iced coffee na ini-order ko kanina at kung minamalas ka nga naman? Bahagyang tumulo yung kape sa screen ng selpon ko and there I just knew tumama yun sa confirm button and now me and Ruzh are friends in facebook!
I curse myself immediately, now I can't even unfriend him kasi baka akalain n'ya ring may kung anong galit ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ang malas-malas ko ngayon?
“Okay, calm down Iris.. Napindot mo lang yun okaayy?” mahinang sambit ko habang pinapakalma ang sarili.
Bago ko pa tuluyang maitapon ang cellphone ko ay dali-dali ko nalang chinat si Addi na wala na ako sa school at pagkatapos ay isinilid na sa bag ang cellphone ko. Naramdaman ko pa ang pag vibrate nito but I didn't bother to check it at baka ano pa ang magawa ko sa phone ko ngayon.
Mamaya ko nalang siguro titignan.
I just fix myself and finish my coffee before I left the coffee shop.
Hapon na ng makauwi ako sa bahay dahil pag kaalis ko kanina ay hindi na muna ako dumiretso ng uwi kundi kumain na muna ako sa paborito kong karindirya at gumala ng ilang oras rito sa lugar namin. Kahit papaano ay hindi ko naman na masyadong naiisip ang nangyari kanina dahil sa pag e-enjoy.
Wala si mama ng makauwi ako ng bahay, she's probably there in her workplace and isn't home yet. Naupo naman ako sa sofa namin at ipinatong ko lang ang mga paa ko sa coffee table na narito sa harapan ko ngayon habang inilagay ko naman ang bag ko sa gilid ko.
“Today's kinda tiring huh?” mahinang sambit ko.
Nang makapagpahinga ng ilang minuto, napag desisyonan ko namang mahiga sa sofa at maya-maya pa ay unti-unti na akong nakakaramdam ng antok na hindi ko naman namalayang nakatulog na rin pala ako sa sobrang pagod.
—
Nagising lang ako ng maramdaman kong ginigising ako ni mama, kahit pa man inaantok pa ako ay pinilit kong buksan ang aking mga mata at do'n tumambad sa'kin ang mukha ni mama.
“Kain na tayo, anak.” aya n'ya sa'kin.
Kinusot-kusot ko naman ang mata ko “What time is it, ma?”
“It's already 6pm in the evening, halika na at baka lumamig na ang pagkain.” pagkasabi nya no'n ay lumakad na s'ya papunta sa kusina kung sa'n nando'n din ang dining area.
Kinuha ko na muna ang bag ko at pumuntang kuwarto upang makapagpalit na ng pambahay. Nagsuot lang ako ng sando, pajama at ang tsinelas kong pambahay pagkatapos ay umusad na rin ako sa kusina dahil nakaramdam na rin talaga ako ng gutom.
Nang maupo sa hapag ay kaagad na rin kaming kumain ni mama, nagluto lang s'ya ng sinigang na baboy at spam.
“What course are you planning to pursue, Iris?” mom ask me not long enough.
“I don't know yet, ma...” I replied, I notice she put down the spoon she's holding and gently wipe the side of her lips with a tissue.
“What do you mean you don't know? Isang taon nalang Iris at ga-graduate ka na, hindi puwedeng wala ka pang naiisip na kursong kukunin mo.” medyo inis na sabi niya kaya naman natigil ako sa pagkain ko.
“Marami pa akong iniisip, ma. Nahihirapan pa akong magdesisyon kung ano ba talaga ang gusto ko.” sabi ko habang pinipigilan ang sariling 'wag maging irritable.
“Hindi kaya mag BSBA ka nalang? I'm sure you'll do well on the field of different business aspects honey..” she uttered na mas lalong nakapag pabigat sa nararamdaman ko.
“I-i can’t mom, I don't see myself being in that field.” utal na sabi ko na ikinagulat naman niya dahilan para umuwang ng bahagya ang labi niya na para bang hindi niya nagustuhan ang naging sagot ko. It took me a lot of courage to say that.
“Excuse me?” medyo inis na sabi niya. “I know what suits you at tinutulungan lang kitang umangat, Iris. Ayokong mapunta ka sa wala!” nagulat naman ako sa biglang pagtaas ng tuno ng boses n'ya.
“Pero, hindi 'yan ang gusto ko ma. Salamat dahil concern ka sa future ko pero hindi ko kailan man ipagpipilitan ang sarili ko sa kursong alam kong hindi naman ako sasaya.” depensa ko sarili. Kitang kita ko kung paano magliyab sa galit ang mga mata ni mama sa ginawa kong pag sagot sa kanya kaya bago pa man kami mag away ng tuluyan ay lumabas na ako ng kusina at nag kulong sa kuwarto ko.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa kuwarto ay agad namang nag si bagkasan ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan, hindi ko alam kung ano ang maaari kong gawin para makita n'yang iba ang gusto ko sa buhay at hindi ang pag b-business. Masyadong mabigat sa dibdib lahat ng naging pangyayari ngayong gabi na halos hindi ko matanggap ng gano'n man lang kadali.
Napagtanto ko ring habang mas tumatagal ay parang lumalala ang pressure na nararamdaman ko.
Naiintindihan ko ang gusto n'yang mangyari pero may sarili man din akong desisyon sa buhay ko, ayokong pumasok sa isang larangan kung saan alam ko mismo sa sarili kong hindi ako masaya at hinding hindi ako sasaya.
Kahit ngayon man lang pagbigyan n'ya ako sa mga desisyon ko dahil hindi naman na ako bata para dumepende sa mga desisyon n'ya sa kung anong maaaring mangyari sa buhay ko.
Kahit ngayon man lang maipakita n'ya sa'kin kung ga'no siya ka proud at ka supportive sa akin ay hindi pa n'ya makuhang magawa. I laugh at the thought that no matter what I'll do, it will never be enough for her and she will never be supportive for what I'm trying to pursue in my life.
I will never see her warmest smile to me and I will never hear those words I've been longing to hear for all these years.
—
N/A: BSBA means Bachelor of Science in Business Administration. Thank you for reading this far! ⊂(´・◡・⊂ )∘˚˳°
YOU ARE READING
On That Same Year (On-Going)
RomanceIris Dafian's life is a tangled web of struggles. As a bright and talented teenager‚ she faces daunting academic pressures and a fragile family dynamic. Her once-vibrant spirit is worn down by the weight of expectations. But everything changes when...