Chapter 9

2 0 0
                                    

Pagkarating ko sa comfort room ng school namin ay walang tao ro'n kaya naman kaagad kung isinara ang pintuan at napasabunot sa magkabilang buhok ko habang nakatingin sa repleksyon ko mula pagkalaki-laking salamin na nasa harapan ko ngayon.

Ini-open ko naman iyong gripo sa hand washing area at naghilamos, maybe to reduce the redness of my face???

I can't show up having this kind of face to him, 'no! Baka naman akalain n'yang kinilig ako pero ang totoo naman talaga ay nahihiya ako ng sobra kanina.

Nakailang hilamos na ako pero parang hindi pa rin nababawasan ang pagiging mapula ng mukha ko kaya naman pumasok ako sa cubicle at kumuha ng tissue para ilagay sa mukha kong basa rin ngayon ng tubig.

Para tuloy akong naka low budget skin care sa lagay ko ngayon.

Laking pasalamat ko nalang din talaga dahil walang estudyanteng pumasok sa cr kaya naman kahit anong gawin ko rito ay hindi nila makikita.

“What are you doing with your life, Iris?” mahinang bulong ko sa sarili.

“Sh*t, pull yourself together!” I curse at myself, bahagya ko pang inayos ang buhok kong nagulo ko sa ginawang pag sabunot ng makapasok sa loob ng comfort room kanina.

Makalipas ang ilang minuto ay kumalma na rin naman na ako, tinuyo ko na rin ang mukha ko gamit ang tissue at bago tuluyang lumabas ay sinigurado ko na munang hindi na namumula ang mukha ko at walang kahit na anong bahid ng reaksyon mula sa nangyari kanina.

Naglakad lang ako nang sobrang kalmado papuntang classroom at hindi pa man ako nakakapasok ay kaagad naman na lumapit si Ruzh sa'kin kaya naman laking gulat ko nang hawakan n'ya ang mag kabila kong balikat syaka kulang nalang ay yakapin n'ya na ako sa sobrang lapit namin ngayon sa isa't isa.

Kita nang dalawang mata ko ang pag alala n'ya sa sa'kin that I almost felt like i'm really hurt from something.

“Are you okay? Sht, may masakit ba sa'yo? Sa'n ka galing, ba't bigla ka nalang tumakbo?” sunod-sunod na tanong n'ya sa'kin na ikinatunganga ko naman, bahagya pa akong umiling-iling.

I gently push him away from me.

“Teka, puwede bang dahan-dahan? Andaming tanong ah!” saad ko, hindi naman s'ya gumalaw at nanatili lang nakatingin sa mga mata ko na hindi ko naman kayang ibalik sa kanya.

“I-im sorry, i'm just worried..” sabi n'ya na bigla namang humina sa last word kaya hindi ko masyadong nakuha yung gusto n'yang iparating.

“Uh, ayos lang ako wala namang kahit anong masakit sa'kin. Sa ano ako nanggaling, sa classroom ni Addi... may kinuha lang ako. Tas yung biglaan kong pagtakbo kanina ay, ewan ko ay. May bigla akong naalalang gawin. Oo, tama tama.” parang gusto ko na tuloy murahin ang sarili ko ngayon.

“Sigurado ka ba? We can go to the clinic if you want to.” he suggested, umiling naman ako.

“Look, I told you i'm okaayy na 'di ba? So don't worry, wala namang kahit anong masakit sa'kin.” I reassured na mukha ko naman sy'ang nakumbinsi.

“Okay but, you should be more careful next time hmm? Paano nalang kung wala ako kanina? Sa'n nalang kita pupulutin Iris, kung hindi siguro sa clinic ng school ay baka sa hospital pa.” he said, tumango naman ako.

“Oo na, pasensya kana okay.. syaka salamat.” tanging nasabi ko nalang. “You're welcome.” he replied, hindi naman na ako nag salita kundi lumakad nalang ako papunta sa seat ko at bahagyang naupo.

Nagdaan pa ang ilang minuto ng pag k-klase sa iba't-ibang subject ngayong hapon at ngayon ay uwian na namin.

“Uuna na ako sa'yo, Iris huh. Baka kasi wala na 'kong masakyan.” pamamaalam pa ni Riza, tumango lang naman ako at sinabihang mag ingat siya at pagkatapos ay gumayak na rin ako papuntang classroom nila Addi.

On That Same Year (On-Going)Where stories live. Discover now