Kinabukasan late na akong nagising dahil sa hindi ko pala na set yung alarm clock ko, rinig na rinig ko na ang sigaw ng mga manok na nagmumula sa bahay ng kapitbahay namin.
Hindi naman na ako nag aksaya ng oras at kaagad na akong dumiretso sa banyo para makaligo na. Pagkatapos kung mag bihis ay bahagya ko na lamang inilagay sa buhok ko iyong hair brush at pumunta na ng diretso sa kusina para makakain na.
Naabotan ko pa si mama na ipinaghahanda ako ng baon.
“What's wrong? Why didn't you brush your hair yet?” she asked.
“I woke up late..” I replied.
“Nagpuyat ka siguro kagabi? Anyways, don't worry you're just in time. Bilisan mo na ang pagkain at naghihintay na si Addi sa sala.” halos mabulunan ako ng marinig kong si Addi na naman ngayon ang naghihintay sa'kin.
Kahit naman late na ako ngayon ay nakuha ko pang maging masaya dahil alam kong nakuha ko na ring paghintayin si Addi, ako naman kasi lagi ang naghihintay sa kanya. Kahit gaano ko pa agahan ng gising aalis pa rin naman kaming late kaya naman parang may parte sa akin ang masaya dahil sa wakas mararamdaman n'ya na rin yung nararamdaman ko pag inaantay ko sya.
Nang makatapos na sa lahat ay isinukbit ko na ang bag ko at pinuntahan ko sya sa sala, nakaupo lang sya ro'n habang patawa-tawa pa s'yang nanunuod ng tv.
Aba!
I gently tapped her shoulder at nagtama naman kaagad yung paningin namin.
“Tara na?” aya ko.
“Buti naman, masyado na akong naaliw sa patalastas ng tv nyo eh. Parang wala na akong balak pumasok.” sabi nya habang nakangiti pa ito ng nakakaloko.
“Umabsent ka nalang kaya?” asar ko pa.
Umiling-iling naman sya sa sinabi ko.
“Hindi puwede ngayon darating yung crush ko!” aniya. Halos mapamura naman ako sa narinig ko.
“Right, may transferee nga pala ngayon. May motivation kana kaya bawal ka na tamarin sa pag-aaral.” mahabang litanya ko. She grin at me and then we both made our way to school together while riding my motorcycle.
Nag parking lang ako sa bakanteng espasyo sa loob ng paaralan at pagkatapos ay umalis na rin para makapunta na sa kanya-kanya naming classroom. Masyado pa akong nahirapan dahil dala-dala ko ngayon ang laptop ko, mag papacheck na kasi ako ng ibang parts sa research namin kay Mrs. Lim para makapag conduct na kami next week.
Halos binibilisan ko na rin ang paglalakad ko sa ngayon dahil for sure nagsisimula na ang klase namin, I'm so embarrassed to enter our classroom knowing that we were already having a class.
Nang makarating ako sa school building namin ay wala na rin masyado estudyante ang nag palakad-lakad sa hallway kaya alam ko talagang nasa kani-kanila na silang mga classrooms ngayon, it made my heart beat so fast.
Gosh, this will not happen again!
Nang makarating sa classroom namin ay hindi pa naman nag k-klase si Sir Galvez sa amin kundi ang nauna kong napansin ay ang binatang gwapo na nakatayo sa gilid niya.
Magpapakilala na sana s'ya ng hindi nya matuloy dahil pumasok akong nakayuko sa classroom, ramdam ko rin ang init ng tingin sa akin ng mga kaklase ko pero wala naman silang sinabi na kahit ano.
“Good morning po, Sir.” bati ko bago tuluyang umupo sa gilid ni Riza na ngayo'y pigil na pigil ang pagtawa.
“First time mong ma late huh?” saad nya ng pabiro.
Hindi ko naman na s'ya nasagot ng magpakilala na ang kanina'y binatang nakatayo sa harapan naming lahat ngayon. Siguro sya ang sinasabi ni Addi sa akin na transferee, judging the way he present himself? I can tell he's intelligent yet he had this masungit aura and cold manly feature.
YOU ARE READING
On That Same Year (On-Going)
RomanceIris Dafian's life is a tangled web of struggles. As a bright and talented teenager‚ she faces daunting academic pressures and a fragile family dynamic. Her once-vibrant spirit is worn down by the weight of expectations. But everything changes when...