Chapter 12

3 0 0
                                    

Dumating ang sabado at unti-unti na naming nakakabisado ang mga steppings ng sayaw at ngayon naman ay kasalukuyan kaming nasa covered court para makapag practice ulit.

Medyo marami ngayon ang mga estudyanteng naghihintay na matapos kami dahil sila naman ang papalit sa puwesto namin dito, sakto lang ang laki ng covered court dito sa baranggay namin subalit sa dami-dami ng gustong makapag practice ng kanilang sayaw ngayon ay labis pa rin talaga akong nasisikipan sa espasyo nito.

Malawak naman ito at ang iba naman ay nasa ilalim lamang ng malalaking kahoy sa 'di kalayuan upang makapag practice rin nang sayaw nila ngunit halos lahat talaga ay nakatumpok ngayon sa covered court ng baranggay namin.

Maaliwalas at maganda ang panahon noon kaya naman kahit mag practice sa labas ng covered court ay ayos lang, hindi pa ako masyadong komportable sa mga kaganapan ngayon dahil medyo maraming tao at sa tuwing nag p-practice kami ay hindi rin maiwasang mapatingin ng iba't ibang mga estudyante mula sa iba't ibang lebel ng baitang sa paaralan na tinutuluyan ko ngayon.

I'm just not used with crowded places like this.

A couple of minutes came by at unti-unti na ring lumilitaw na nag improve ang aming performance kesa noong nakaraan, sandali na muna kaming pinag water break ng mismong leader at choreographer namin kaya naman ay kinuha ko na ang tyansang umupo sa gilid at uminom ng tubig.

“Bili tayo pagkain, Ris?” aya naman sa'ken ni Addi.

“Eh? Tinatamad akong lumakad eh” sabi ko, pinagtaasan nya naman ako ng kilay.

“Aba! Pati paglalakad tinatamad ka na. Samahan mo na kasi ako, nagugutom ako eh..” she frown after she said those, napailing iling naman ako habang nakangisi.

Tumayo naman ako para samahan s'ya nang sumigaw si Riza na ngayo'y kararating lang.

Late na sya!

“Woi, san kayo pupunta!?” sigaw n'ya, agad namang lumipad ang tingin namin ni Addi sa babaeng kakapasok lamang ng covered court, halos ayoko naman sy'ang tignan sa ginawa n'yang yun 'cause it embarrassed me so much knowing that she shouted pa talaga.

Sobrang lapad ng ngiti nya habang naglalakad patungo sa puwesto namin ni Addi ngayon, nang makarating ay kaagad naman n'ya akong tinampal sa balikat na animo'y aliw na aliw pa sa ginawa.

“Ngiting ngiti ka ata, teh?” tanging na tanong ko nalang, napangisi naman s'ya sa'ken.

“Hindi ka ata aware na sobrang late ka na? Ngayon mo pa naisipang pumunta eh water break na namin!” medyo irita namang sabi ni Addi sa gilid ko.

“Eh kasi naman may emergency sa bahay, pasensya na kung hindi kaagad ako nakapag chat sainyo.. Akala ko nga rin hindi na talaga ako makakapunta rito eh. Dumating din kasi kaagad si Dada kaya naman nakapunta ako rito.” she explained, tumango-tango naman ako sa sinabi n'ya.

“So, 'yon na nga sa'n punta nyo mga beh? Sama n'yo naman ako!” she added.

She's shifting the topic. Now i'm a bit bothered.

“Ah, nag papasama kasi 'tong si Addi eh. Bibili raw sy'a nang makakain.” sagot ko naman.

“Ah, edi tara na!” masiglang aya naman ni Riza sa amin kaya naman wala na rin kaming nagawa ni Addi kundi ipinagkibit-balikat nalang ang mga pangyayari.

I'm somehow felt scared about Riza’s emotions now, sana walang masamang nangyari sa kanila.

Matapos ang ilan pang mga minuto ay nakabalik na kami sa covered court dala ang mga pinamili namin, wala naman sana akong planong bumili kaso napatingin ako sa mga pagkain doon sa shop na binilhan namin kaya naman na intriga talaga ako at biglang nakaramdam nalang ulit ng gutom.

On That Same Year (On-Going)Where stories live. Discover now