Chapter 1

6 1 0
                                    

Year 2021.

Maaga akong nagising ngayon dahil maaga ang i-schedule ng klase namin, nakaligo na ako, nakakain at nakapag-ayos na rin. Yun nga lang, hinihintay ko nalang iyong pinsan kong palaging late na nagigising.

Kahit maaga pa akong nagising at natapos, ma l-late pa rin ako sa kakahintay sa kanya. Napakamot nalang ako sa batok ng mapagtantong pasado ala sais trenta na, sana pala ay hindi ko na inagahang kumilos.

Next time talaga ay alas sinco nalang ako gigising, mabilis lang din naman akong kumilos. Ganun pa rin kaya cycle ko? Mag aantay ulit? Mukhang mapapahimas nalang ako sa batok ko nito ah.

Umiiling-iling naman ako habang naiisip ko 'yon.

“Bilisan mo na at hinihintay ka na ni Iris, Addison!” sigaw ni tita mula sa kusina, nag hahanda kasi siya ng pang umagahan at baon ni Addi.

Heto naman ako sa sala nila nakaupo while patiently waiting for Addi. Their living room isn't too far away from their kitchen kaya naman rinig na rinig ko talaga iyong pag sigaw ni Tita Kaori mula sa kusina. Napatawa nalang ako dahil mukhang si Tita pa ata itong nahihiya dahil pinaghihintay ako ng anak niya.

Nang makitang patakbong pumunta si Addi sa kusina ay inilapag ko muna iyong bag ko sa sofa katabi rin ng bag ni Addi. Nakita ko pang hindi niya na naayos iyong pagkakasuot niya ng uniporme dahil na rin siguro alam n'yang nasa baba na ako at naghihintay.

Sumunod na ako sa kusina para kahit papaano ay makapag kuwentuhan din naman kami, although hindi ko naman siya classmate pero hinihintay ko pa rin kasi siya lang naman iyong nakakasabay kong pumasok sa lugar namin.

So, no choice ako.

Nakita ko naman siyang naka-puwesto na sa mesa at binibilisan iyong pagsubo nya nang kanin.

“Chill, maaga pa naman.” saway ko. Napatingin naman siya sa'kin.

“Pasensya kana, na late kasi ako nang gising hindi tumunog yung alarm clock!” medyo inis na sabi niya at sumubo na ulit. Ngumiti lang naman ako sa kanya ng pagkatamis-tamis.

“Ayos lang, naiintindihan ko kahit palagi kang gan'yan.” pabirong saad ko sa kanya, napansin kong nilunok niya muna iyong kanin bago siya tumugon sa'kin.

“Grabe ka naman pero oo nga naman.” sabi niya, parehas naman kaming napangisi sa sinabi niya. Hindi ko na muna siya chinika ng mabuti dahil baka mabulunan siya eh, mahirap na.

Nang makatapos na ay gumayak na kami tungong paaralan, pumara lang kami ng tricycle at sumakay na rin.

At nang makarating ay sabay kaming lumakad sa hallway hanggang sa pumunta na kami sa kanya-kanya naming mga classrooms.

“Yo, Iris!” bungad sa akin ni Riza ng makapasok sa loob ng silid-aralan, halatang inaabangan ako ah. Isa siya sa mga classmates kong close ko rin na sobrang maingay at halos ka same vibes ko rin sa lahat ng kalokohan ko sa buhay.

Hindi pa naman karamihan iyong classmates ko kaya kahit papaano masasabi kong hindi lang din pala ako iyong pinaka-late pumasok sa amin. That's positive 'cause I knew may mas late pa sa'kin. Lol.

“'Sup? Hihingi ka na naman ng assignment 'no?” pabirong saad ko, ngumiti lang naman siya sa'kin at tila ba nag puppy eyes pa.

Akala niya siguro makukuha nya ako sa pa ganyan-ganyan niya? Pinaghirapan ko kaya 'tong sagutan tapos easy gaya ng sagot lang? No way.

Inilingan ko naman siya at pumunta na sa seat ko, narinig ko naman yung pag singhap niya at napansin kong sumunod sya sa'kin.

“Sige na naman oh, hindi ko kasi maintindihan iyong assignment natin sa science eh..” nagmamakaawang sabi niya.

On That Same Year (On-Going)Where stories live. Discover now