Sunday ngayon at maaga akong nagising sa hindi malamang dahilan, maaga rin kasi akong natulog kagabi dahil ramdam ko ang sobrang pagod ng katawan ko kahapon.
Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at bahagyang inayos ang aking kama, inayos ko lang ang buhok ko at tumungo na muna sa banyo para makapag hilamos. Pagkatapos kong mag hilamos ay tumungo naman na ako sa kusina para mag timpla ng kape, hindi naman na ako doon pa tumambay dahil ako na lamang ulit ang naiwang mag isa ngayon dito sa bahay.
Nang makapasok sa kuwarto ko dala ang kapeng tinimpla ko kani-kanina lang ay kaagad naman na akong naupo sa study table, inilapag ko lang ang mug ko sa gilid at ini-open ang laptop ko.
Plano ko sanang manuod na muna ng Midnight Sun sa netflix pero ayoko na munang umiyak dahil masyado pang maaga, kaya naman napag desisyonan ko na lamang mag online.
Tinatamad akong i-open ang selpon ko ngayon kaya naman imbis doon ay dito na lamang sa laptop ko.
As usual nang mai-open ang account ko ay mga group chats lamang ng different subjects namin ang maiingay at isa na rin do'n ang groupchats naming mga mag kaklase.
Napansin ko naman ang icon ni Ruzh sa itaas at online siya.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ng makita ko ito, parang gusto ko sy'ang kamustahin? Pero may kung anong pumipigil sa akin.
Ni click ko naman ang profile n'ya at kaagad iyong na direct sa old conversation namin, saglit lang akong nag back read. Just trying to find out what are we talking back then nang maya-maya'y aksidente kong mapindot ang like button sa gilid.
Parang gusto ko na lamang i-umpog ang sarili ko sa pader dahil sa nagawa ko, baka akalain n'yang nag r-relapse ako o kundi nama'y nag b-back read sa conversation namin.
Well, nag b-backread naman talaga ako pero mag ba-back naman na sana ako kung hindi ko lang aksidenteng napindot yung like button.
Napansin ko naman na typing na sya kaya naman nilisan ko ang conversation naming dalawa.
Ruzh Korman
Were you backreading
our old conversation?Tf, whut!? (How did you know?)
Kahit nakakahiya, alam ko sa sarili kong may kung ano sa akin ang nabuhayan ngayong makakausap ko na siya.
Iris Dafian
Uh no, I accidentally click
the like button eh. I'm sorry.
😆1Ruzh Korman
Palusot ka pa, sus.Napangiti naman ako.
“Ano ba 'yan, ayaw tanggapin yung rason ko.” I said unto myself.
Iris Dafian
No, really.Ruzh Korman
May practice kayo?Why is he suddenly asking if we have practice or nah? Nakakunot noo naman akong nag tipa sa keyboard ng laptop ko.
Iris Dafian
No, we haven't.
Rest day, why?Ruzh Korman
Then, you're free? How about we
go to the store where we accidentally meet?Ngayon, mas masyado ng kumunot iyong noo ko sa biglang pag-aaya n'ya.
Iris Dafian
Uhm? Why are you
suddenly asking me out?Ruzh Korman
Just go, ilang araw din
tayong hindi nag usap eh. Iniisip ko
tuloy may galit ka sa'ken.
YOU ARE READING
On That Same Year (On-Going)
RomanceIris Dafian's life is a tangled web of struggles. As a bright and talented teenager‚ she faces daunting academic pressures and a fragile family dynamic. Her once-vibrant spirit is worn down by the weight of expectations. But everything changes when...