28 : 𝗱𝗶𝗳𝗳𝗲𝗿𝗲𝗻𝘁 𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻

22 13 1
                                    

THIRD PERSON'S POV




Sinuot na ni Lexi ang kaniyang uniform dahil papasok na siya ulit ngayon sa Gracefield.

Hindi niya alam kung anong mangyayari, pero sigurado siyang malaki na ang ipinagbago ng eskwelahan. Halos isang buwan din kasi siyang hindi nakapasok dahil sa nangyayari sa kaniya. Kailangan niya ding maka-catch up sa mga lessons.

Huminga siya ng malalim. Alam niyang wala na doon si Tristan, pero umaasa siyang babalik pa'rin ang binata.

Habang papalapit sa building nila, nakita niya ang mga nagkukumpulang mga estudyante sa isang bulletin board. Mayroong announcement na nakasulat rito.



"Gracefield Academy will be having a PROM on incoming August 24, 10:00pm."




"Lex, excited kana ba sa prom tonight? Can you be my prom date?" tanong ni Rex na nasa tabi na pala niya.

"Hoy Rex. Alam mo naman sigurong couple ng school sina Lexi at Travis diba. Syempre sila ang magkasama sa prom. Ikaw talaga ang kitid ng utak mo." wika naman ni Tiffany.

"E ano naman kung couple sila. Sigurado din namang si Anika ang gustong makasama nu-" Hindi na natuloy ni Rex ang pagsasalita dahil agad itong pinasubo ni Tiffany ng sandwich.

"Ang sarap diba. Sige lunukin mo nang buo para hindi kana makahinga." sarkastikong saad ni Tiffany, habang si Rex ay inuubo dahil sa pagsubo ng dalaga sa bunganga nito ng pagkain.

Maya-maya'y nagkagulo ang lahat. Karamihan sa mga estudyante ay nagsilapit sa grupo ng mga lalaking naglalakad sa daan papuntang building. Lumingon ang tatlong magkakaibigan.

Parang lumukso ang puso ni Lexi nang makita ang isang napaka-pamilyar na lalaking kasama nina Andrew at ang mga grupo nito.

"I-is...t-that T-Tristan?!" gulat na gulat na boses ni Rex nang makita ang lalaki.

Napatakip naman ng bibig si Tiffany dahil sa nakita. "Bakit kasama niya sina Andrew?!"

Hindi sila makapaniwa sa nangyayari at sa natatanaw nila.

Halos napako si Lexi sa kinatatayuan niya. Hindi siya makagalaw o makalakad manlang. Gusto niyang puntahan si Tristan at yakapin dahil sa saya. Pero lumampas lang ang mga ito sa harapan nila.

At ang binata, ay hindi manlang tumingin sa kaniya.

"What's going on?" Gulat pa'din ang mukha ni Tiffany habang sinusundan ng tingin ang grupo.

"H-hindi ako makapaniwalang nandito na si Tristan!" wika ni Rex na nahihirapan pa ring lunukin ang sandwich na pinasubo rito ni Tiffany.

Hindi siya makapagsalita. Parang may bara sa lalamunan niya, at alo-halong emosyon ang nararamdaman nila ngayon.

Hindi siya makapaniwalang nandito na si Tristan! Pero bakit kasama sina Andrew? The Tristan she knew was kind, and gentle. He wouldn't be seen with someone like Andrew, besides, kalaban nila ang grupong 'yun.

Kailangan niyang malaman kung ano ang nangyayari. Kailangan niyang makausap si Tristan.

Dali-dali niyang sinundan ang grupo. Sumama naman si Rex sa kaniya. Gusto din nitong makita si Tristan.

"Hoy! Saan kayo pupunta? May klase pa tayo." sigaw ni Tiffany, ngunit wala silang pakealam. Kailangan nilang makausap si Tristan.

Nakita nilang humiwalay na ito sa grupo at mag-isa nalang itong naglalakad.

The Heartbeat He Can't Ignore (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon