26 : 𝗺𝗶𝘀𝘀𝗶𝗻𝗴...𝘆𝗼𝘂

19 14 1
                                    

LEXI'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LEXI'S POV


Nagising na naman akong nanghihina at alam ko kung nasaan ako. I'm at the hospital again.

Mabilis akong bumangon nang maalala ang mga nangyari.

"Lexi, thank goodness, you're awake!" Narinig ko ang boses ni Rex kaya lumingon ako sakanya.

Siya lang ang nakita ko. Nasaan na si Tristan? Bakit wala siya dito?

"W-wheres Tristan?" nauutal na tanong ko.

"Hindi pa siya nagpapakita simula kagabi. Tinawagan niya ako para puntahan ka. Pero hanggang ngayon hindi pa'rin siya bumabalik dito."

Oh my gosh! Hindi kaya nahuli siya ng mga taong humahabol sa'min kagabi?

No! I should think positive. Baka umuwi lang siya sa bahay nila at papunta na  dito.

"Rex, please, tawagan mo siya! He has to be okay." nag-aalalang wika ko.

Agad naman kinuha ni Rex ang cellphone mula sa bulsa, at sinimulang i-dial ang number ni Tristan.

The phone rang a few times, then went straight to voicemail. He tried again, and again, but it's the same response.

"Nasa'n kana kasi pre? Ba't di mo sinasagot?" nag-aalala na din ang boses Rex.

Saan ba kasi pumunta ang lalaking 'yun? Papatayin ko talaga siya 'pag nagpakita siya. He had me worried!

"I'll just find him Lex. Nag-aalala na'din ako sa kaibigan kong 'yun." sabi niya at dali-daling lumabas ng pinto. Sana nga talaga makita niya si Tristan!

Ilang minuto, at oras akong naghintay kay Tristan. Pero hindi pa'rin ito sumasagot sa mga tawag.

Damn it! Tristan, nasaan kana ba kasi?

Nagulat ako nang bumukas ang pinto ng kwarto. I thought its Tristan, but not. Nag-iba ang mukha ko nang makita ang doctor na pumasok.

"How are you hija?" tanong nito.

"I'm fine." mahina kong sabi.

"Are you sure about your decision? Talaga bang hindi mo na gustong magkaroon ng heart donor?" nag-aalala ang mukha ng doctor na nakatingin sa'kin.

"Yes doc. If this is my fate, wala na tayong magagawa." nginitian ko nalang ito ng pilit.

"Then, I'll give you this pill. Makakatulong 'yan para hindi kana masyadong atakihin at mas magagawa mo pa ang gusto mong gawin. But it can't cure your heart.

"Thank you doc. Don't worry i'll be fine."

"I hope so." sabi nito at kaagad nang lumabas ng kwarto.

The Heartbeat He Can't Ignore (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon