13 : 𝗽𝗮𝗶𝗻

22 15 2
                                    

THIRD PERSON'S POV



Ngumisi ng palihim si Tristan habang pinapanood si Lexi habang kumakain.

Sobrang sarap na sarap ang dalaga at halatang gutom na gutom.

"Why are you smiling?" tanong ng nito.

Pinilit naman niyang gawing seryoso ulit ang mukha at hindi na lamang sumagot sa dalaga.

Palaki rin ng palaki ang subo ni Lexi na dahilan ng patagong pagtawa niya.


"Hey!" mahinang sigaw nito.

"Wala. Para ka kasing elepanteng hindi nakakain ng ilang taon."

"Wow! Sa kaydaming ikukumpara sa'kin, elepante pa talaga? Ako? mukhang elepante?" pagtataray nito at itinuro ang sarili.

Tumawa nalang ang binata sa reaksiyon nito. "Dahan-dahan lang kasi. Baka mabulunan ka."

Huminga siya ng malalim. Napagdesisyonan niyang sabihin nalang sa binata ang nangyari sa kaniya.

Wala na kasi siyang pag-kukwentuhan ng mga gusto niyang sabihin, dahil wala na din ang mga kaibigan niyang sina Tiffany at Suzy.

"Dad closed all of my bank accounts. I have no money left, and hindi pa ako kumakain simula kanina."

Nagulat ang binata sa sinabi niya at napalitan ng pagkaseryoso ang kanina'y nakangiti nitong mukha.

"Why?"

"Anika Dela Cruz is my long lost stepsister." nakita niya na lumaki ang mata ni Tristan dahil sa gulat. "Yes. She is! Grabe! sino ba naman ang maniniwala diba? Gosh! I hate her, you know that. And then, siya pala ang stepsister ko! Pinakita sa'kin ni dad ang DNA nila ng stepmom ko. And confirmed, mag-ina nga sila. Hindi naman ako magugulat, pareho kasi silang higad!" pagtataray at pasigaw niyang sabi.

Kumunot ang noo ng binata. Uminom ito ng juice at inilapag ang kamay sa lamesa habang nakikinig sa kwento ni Lexi.

"At sino ba naman ang hindi magagalit do'n diba? I really hate her! And I'll never treat her as my sister!" ikinuyom niya ang kamay habang nakalapag ito sa lamesa. "Pero promise mo, don't tell anyone about this! Lahat ng sinasabi ko sa'yo 'wag mong sasabihin ha. Atin-atin lang 'to." dagdag pa niya.

Tinitigan lamang siya nito at wala manlang reaksiyong nakita sa mukha nito.

"Please promise me. Walang dapat makaalam nito okay?" Kinuha niya ang kamay nito at pinalabas ang hinliliit na daliri at nag-pinky swear silang dalawa.

Pagkatapos, nginitian niya ito at nagpatuloy na sa pag-kain.

"Then, what will you do now?"

"Maybe, I should talk to Travis. I'm pretty sure, maiintindihan din naman niya e."






..**..





"Travis!" sigaw ni Lexi nang makita si Travis na naglalakad papuntang building nila.

Huminto naman ang binata at hinintay na makalapit ang dalaga.

"May sasabihin sana ako sayo e. Kung pwede mag-usap tayo." sambit ng dalaga.

"Sige." seryosong wika naman ni Travis.


Umupo sila sa isang bench at nag-usap. Ikinuwento niya ang nangyari.

Nagulat naman ito na parang hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Kaya, hindi ako makakauwi ng bahay. I'm sure dad will kill me if tumuntong pa ako sa mansyon." aniya.

"Then, stay at our house." sabi naman nito.



..**..





"Dad and your family are having dinner tonight. At ipakilala daw nila sa'min si Anika." wika ni Travis kay Lexi habang nagmamaneho ng sasakyan pauwi.

Namayani na naman ang inis ng dalaga. Ayaw na niyang makita ang pamilya, ngunit wala din naman siyang magagawa.

Pagdating sa bahay nina Travis, agad siyang bumati kay Mr. Alvarez.

Pagkatapos, agad nang pumunta sa kwarto kung saan ito na ang kaniyang magiging bagong silid, dahil dito na muna siya titira hanggang sa hindi pa sila nagkakaayos ng ama.

Ilang oras ang nakalipas at dumating na sina Mr at Mrs. Castillo, at ang stepsister niya, na si Anika sa bahay nina Travis.

Masayang sinalubong nina Travis at Mr. Alvarez ang mga ito, samantalang siya naman ay nakatayo lamang sa likuran ng mag-ama.

Ayaw niyang bumati o kausapin manlang ang pamilya dahil sa nahihiya at galit pa'rin siya sa mga ito.

Hindi rin naman siya binati manlang ng pamilya na para bang isa lang siyang display sa likuran.

Magkasama silang umupo sa lamesa.

Maraming mga espesyal na nakahain dito na para bang may isang magaganap na fiesta.


"Tristan, Mr. Alvarez, I want you to meet our daughter. Anika Castillo." pagpapakilala ng ama ni Lexi kina Travis at ama nito.


Inis na inis naman ang dalaga ng iniabot ni Anika ang kamay ni Travis nang inilahad ng binata ang kamay nito.


Ngumiti rin si Anika sa kaniya pero agad niya itong tinarayan.

Nagsimula nang kumain ang lahat at masayang nagkukwentuhan. Samantalang siyq naman ay walang imik na nasa tabi lamang ni Travis habang kumakain.

She started to feel a pain on her chest again. Her heartbeat monitor caused a loud sound that interrupts their dinner.


Agad naningkit ang mata ng stepmom niya sa kaniya.


"Hija, are you okay? Travis, alalayan mo muna si Lexi papunta sa kwarto niya. Kailangan niyang magpahinga." pag-aalalang sabi ni Mr. Alvarez sa anak.

Kaagad namang sinunod ito ng anak at inalalayan ang dalaga papasok sa  kwarto.

Umupo siya sa kama at huminga ng malalim.

"Are you okay?" tanong ng binata.

Nilingon niya ito at ngumiti ng bahagya. "Yeah...I'm f-fine. Salamat sa pag-aalala." nauutal na sagot niya.


Hindi nagtagal, bumukas ang pinto at pumasok si Mr. Alvarez.

"Kamusta ka na, hija? Should we bring you to the hospital? Sabihin mo lang kung hindi mo na kaya." tanong nito.

"I'm fine tito. Maybe, I should take a rest for a while."


Ngumiti ito sa kaniya at sinenyasan ang anak na lumabas na.

Unti-unti na namang tumutulo ang luha niya.

Hindi lang sakit ang nararamdaman niya ngayon kundi sobra pa.

Hindi talaga siya mahal ng ama niya. Mas mahalaga pa pala sa mga ito ang pera kaysa sa kaniya. At mas mabuti pa pala ang mga hindi niya kadugo, mas mahal siya.

The Heartbeat He Can't Ignore (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon