THIRD PERSON'S POV
Tanging ang malakas na tunog na lamang ng heartbeat monitor ni Lexi ang maririnig sa daan. Wala manlang siyang taong mahihingan ng tulong kaya kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan ang isang taong maaaring makatulong sa kaniya. Si Tristan.
Hinahabol nalang ng dalaga ang kaniyang hininga dahil sa masyado nang masakit ang dibdib at hindi na'rin makahinga ng maayos.
"T-tristan...h-help me." nauutal na ang boses niya at parang hindi na makapagsalita.
Naliligo na'rin siya sa sariling pawis at luha sa pagkakataong ito. Hindi niya lubos maisip ang mga nangyari.
Sobrang sakit. Napakasakit! Ang taong palaging nagpapasaya sa kaniya, ay siya din pala ang magbibigay ng sobrang sakit!
Unti-unti na ding lumalabo ang paningin niya ngunit alam niya kung sino ang lalaking, ngayon ay papalapit na sa kinaroroonan niya.
Tinulungan siya nitong makatayo ngunit mahina na ang kaniyang tuhod. Niyakap niya ang lalaki at nagsimulang humagulgol ng malakas hanggang sa naramdaman niyang dumidilim na ang kaniyang paningin at nawalan ng malay.
Nakita ni Tristan ang maputlang mukha ni Lexi nang bumitaw na ito mula sa pagkakayakap.
"Lexi..." aniya na puno ng pag-aalala ang boses. Binuhat niya ang dalaga at isinakay sa kotse, at pinaharurot ng takbo ang kotse niya.
Nakarating sila sa emergency room, at hindi na nag-aksaya ng oras, diretso niyang inihiga si Lexi sa isang stretcher.
Nagsilapitan ang mga doktor at nurse, seryoso ang mukha ng mga ito habang tinitingnan ang kalagayan ng dalaga. Pinapanood niya ang pagkokonekta sa katawan nito ng mga makina at apparatus.
Naghintay siya. Pabalik-balik na naglalakad sa waiting area at nakakuyom ang kamao. Alam niyang hindi niya dapat maramdaman ang ganitong pag-aalala, pero hindi niya mapigilan. Ang tanging gusto lang niya ngayon ay malaman na maayos na ang kalagayan ng dalaga.
Makalipas ang ilang oras, lumabas na rin ang doktor.
"She's fine already." sabi nito. "But, we still need to monitor her. Inatake siya kanina sa puso at kung hindi pa nadala dito sa hospital, pwede siyang mamatay."
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Tristan. Hindi pa siya nakakaramdam ng ganito. Palagi siyang malakas at walang inaatrasan, pero ngayon, parang bata lang siya na walang magawa dahil lang sa pag-aalala.
Pumasok siya sa kwarto ng dalaga at nakitang maputla pa'rin ang mukha ng nito. Marahan niyang inalis ang isang hibla ng buhok mula sa noo nito.
Madalas niya itong makitang nanghihina dahil sa inaatake ng sakit sa puso, pero mas malala ang nangyari ngayon.
"She's still weak. We need to keep her under observation. It was a close call, but thankfully she's stable now." sabi ng lalaking nurse. "Magiging okay din ang girlfriend mo."
Umupo siya sa tabi ng kama nito. Tahimik ang buong kwarto at tanging ang tunog lamang ng heartbeat monitor ang maririnig.
His feeling is so weird. He never felt it before. The worries, the weird feeling that he felt, he knew it wasn't normal. It has a reason.
1:43 na nang umaga pero hindi pa siya nakakatulog, at hindi pa'din nagigising si Lexi. Nakaupo lang siya sa sofa malayo sa kama ng dalaga. Iniisip kung anong nangyari dito, at kung bakit ito umiiyak nang makita niya.
BINABASA MO ANG
The Heartbeat He Can't Ignore (COMPLETE)
DragosteLexi Castillo's childhood crush, is about to become her husband, but a new girl's arrival threatened to shatter her dreams. Consumed by jealousy, she lashed out and bullied the newcomer. But then, she met the school's bad boy, who's everyone's afr...