"I need to tell you something." He whispered with a husky voice.
Shit! Ano na naman ba ang balak ng lalaking 'to? Parang kinakabahan na naman ako!
Agad kaming napalayo sa isa't-isa nang biglang pumasok si Mr. Alvarez. Ang daddy ni Travis.
"Hi kids! I'm glad that you're here. Salamat sa pagbabantay kay Travis." sabi nito.
Ngumiti nalang ako ng pilit. Hindi ko mapigilang hindi kabahan sa nangyari. Mabuti nalang dahil hindi nito nakita ang ginawa ng ugok na si Tristan at siguradong lagot kami 'pag nakita kami!
"By the way, you're Tristan right? Tristan Delgado?"
Tumango si Tristan at ngumiti rin ng pilit kay Mr. Alvarez sabay abot sa kamay nito. Hindi kasi siya masyadong kilala nito dahil nga sa hindi naman siya palaging kasama noon ni Travis.
"Ako na ang bahala kay Travis dito. You two should go to school. Baka hinahanap na kayo doon." dagdag pa ni Mr. Alvarez
"Sige po, thank you ulit." sabi ko at lumabas na kaming dalawa ni Tristan mula sa kwarto.
Hindi ko na siya pinansin pa. Naiilang ako. Pero bakit? Parang noon okay lang naman ako ah. Okay lang naman ako kapag kasama ko siya kahit hinalikan niya ako noon.
But right now? It's different.
What kind of nonsense feeling is this! I literally hate it!
Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating na sa parking lot ng hospital. Syempre kailangan kong sumakay sa kotse niya, alangan namang mag-commute pa ako.
Hindi ko siya pinapansin habang nakasunod lang sa'kin. Bahala siya, I'll never talk to him.
Napatigil nalang ako bigla nang marinig ang malakas na tunog ng tiyan ko dahil sa gutom.
Shit! Nakakahiya! Alam kong narinig niya 'yun.
"Huhulaan ko, gutom ka." aniya. Nakatayo na siya sa tabi ko.
Hindi ba halata? Kailangan pa bang parang tunog na ng kulog 'to kalakas para maintindihan mong gutom ako?!
Hindi nalang ako sumagot.
Nakakahiya talaga ang araw na'to!
Sumakay na kami sa kotse niya at may nakita siyang nagbebenta ng streetfoods sa gilid ng daan. Huminto siya at bumaba kami ng kotse.
Is he trying to make me eat this kind of foods? No way!
Hindi pa ako nakatikim ng mga pagkain, lalo na sa ganitong lugar.
"Manong sampung isaw nga po and sampo ding inihaw na baboy." aniya sa tindero.
Ilang minuto na rin ang nakalipas at naiinip na ako sa kahihintay.
Ang tagal namang maluto ng mga pagkaing 'yan!
"Bagay kayo." maikling wika ng tindero kay Tristan, at narinig ko 'rin ito. Akala siguro nito couple kami.
Ih!! Kadiri! May bebeluvs na ako manong!
At ang lokong Tristan naman ay wala manlang sinabi kahit sabihin manlang na walang kami!
"We're not a couple okay. Hindi 'yan mangyayari." pagtataray kong wika sa tindero pero ngumisi lang ito at may binulong kay Tristan.
"Matagal pa ba 'yan?" dagdag ko pa.
BINABASA MO ANG
The Heartbeat He Can't Ignore (COMPLETE)
RomanceLexi Castillo's childhood crush, is about to become her husband, but a new girl's arrival threatened to shatter her dreams. Consumed by jealousy, she lashed out and bullied the newcomer. But then, she met the school's bad boy, who's everyone's afr...