Galit ang mukha ni Travis na nakatingin sa'kin. Ngayon ko lang itong nakitang galit. Kinakabahan din ako sa sasabihin niya.
Whatever it is, I know, its bad!
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at may hinanap rito. Pagkatapos, ay ipinaharap sa'kin.
Grabe ang gulat at tindig ng balahibo ko nang makita ang isang video.
No! no no! Paano? I saw myself hitting and bullying Anika. At kitang-kita ito sa video!
Takot at kinakabahan kong tiningnan ulit si Travis, and his face gets even mad.
"What's this?" His voice's low and dangerous, like a growl.
Hindi ako nakapagsalita. Para akong na-freeze sa kinatatayuan ko.
The video, his scary face, at ang posibilidad ng pagkasira ng relasyon namin — parang nag-collapse ang mundo ko.
"Hindi ko alam na magagawa mo pala 'to. Anika doesn't deserve all of this!"
"I... I didn't mean to..." I tried to explain, but my voice cracked, my throat tightening.
"Don't you dare try to justify this." he cut me off, his eyes burning with disappointment. "You know this is wrong, Lexi. Bakit mo ginagawa 'to kay Anika ha?!"
"I... I was just trying to..." Hindi ko na magawang tapusin ang sinasabi ko.
Para akong nagmamadali at sinusubukang humanap ng dahilan, ng paliwanag, at kung ano man para iligtas ang sarili ko.
"You were trying to what? To hurt her? To make her feel small? You know how fragile she is. You know how much she's been through."
His words hit me like a ton of bricks. I knew it was wrong. I'm blinded by my own insecurities and jealousy, and let my anger take over. Pero hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko sa Anikang 'yun!
"I'm sorry, Travis. I didn't think..." I choked out, unti-unti nang umaagos ang luha sa mga mata ko.
"Thinking isn't enough, Lexi. Actions have consequences. And your actions had hurt her deeply."
"Bakit sobrang affected ka?!" Sumigaw ako sa harap niya. It's to hard to think that he still cares about that fvcking girl instead of me!
"Because she's your sister. And you should've done that! Alam mong mali ang ginawa mo!" sigaw niya din sa'kin.
Ngumisi ako. "Oh, I know. Because you have feelings for her. Right? Akala mo hindi ko alam? Palagi kang masaya 'pag kasama mo siya diba? Kaya palagi kang lumalapit sa kaniya. And you know, it hurts me so bad Travis! It really hurts seeing the person I love, happy with another girl! And that's the reason why I hate her! She's not my sister, and she will never be!"
"Nagseselos ka?—" mataas pa'rin ang boses niya.
"Oo! Nagseselos ako!" sigaw ko. "The way you stare at her. The way you smile at her, your actions, gestures, and anything. I noticed all of that Travis! At iniisip ko minsan na sana, s-sana, ako siya! 'Cuz you've never ever did that to me!"
Humagulgol ako ng malakas. Kasabay nito ang malakas na pagtunog ng heartbeat monitor ko, at unti-unti nang nararamdaman na sumisikip ang dibdib ko pero pinipilit ko pa'rin ang magsalita. "So now, tell me. Mahal mo ba siya Travis? Mahal mo ba siya?!"
"Oo!" parang sinakluban ako ng langit at lupa sa narinig ko. "Oo mahal ko siya. Since I first met her, I know that there's something in her that's different from others. She's different. She always makes me happy. When I'm with her, nalilimutan ko lahat ng problema. She knows how to make me feel better."
"B-but we're engaged. At ikakasal na tayo. Mahal kita Travis! At ako ang dapat mong mahalin at hindi siya!"
"I don't know what's happening to you, Lexi. But this isn't the way to show your love." aniya. Nagsisimula nang kumalma ang boses niya, pero nakikita kong galit pa'rin ang mukha. "Love isn't about jealousy or hurting others. Love is about caring, understanding, and supporting."
"I thought you love me. Pero akala ko lang pala 'yun." nanginginig ang boses ko.
Napalitan ng pagkalungkot ang mukha niya. "I-I love you."
Umiling-iling ako. "No. Mahal mo lang ako kasi naaawa ka sa'kin. Mahal mo lang ako dahil napipilitan ka lang. Travis, pagod na pagod na ako sa lahat ng sakit. Ikaw lang ang tanging nagpapasaya sa'kin. Ikaw lang!"
Napaluhod ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. I can't hold it anymore.
Kaya kong tiisin ang paninikip ng dibdib ko pero ang sakit nang sinabi niya sa'kin na mahal niya si Anika, 'yun ang hinding-hindi ko matitiis.
Balak pa sana niya akong hawakan pero iniwas ko ang braso ko. All I want right now is to leave this place.
Kahit nanginginig ang tuhod, pinilit kong tumayo at umalis sa harapan niya. Lumabas ako ng gate at naglakad.
Hindi ko alam kung saan pupunta, o kung anong gagawin. The pain, the sadness, it's too much!
Habang nakahawak sa dibdib ay, nakapa ko ang kwintas na ibinigay niya sa'kin. Agad ko itong hinila mula sa leeg ko at itinapon. Wala na 'tong silbi ngayon. Galit na galit ako sa kaniya!
Parang gusto kong magpasagasa nalang kaysa mabuhay pa sa mundong puno ng sakit!
Napahawak ako sa dibdib ko dahil mas sumasakit at naninikip na ito ng sobra. Hindi na ako makahinga at wala ding mahingan ng tulong.
The only person in my mind that can help me right now, is no other than Tristan.
BINABASA MO ANG
The Heartbeat He Can't Ignore (COMPLETE)
RomanceLexi Castillo's childhood crush, is about to become her husband, but a new girl's arrival threatened to shatter her dreams. Consumed by jealousy, she lashed out and bullied the newcomer. But then, she met the school's bad boy, who's everyone's afr...