32 : 𝗻𝗼𝘁 𝗿𝗲𝗮𝗱𝘆

18 11 2
                                    

THIRD PERSON'S POV


Matapos dalhin ni Tristan si Lexi sa hospital, umalis siya kaagad at bumalik sa eskwelahan. Parang gusto niyang bugbugin si Andrew sa ginawa nito sa dalaga. Hindi niya mapigilan ang galit at inis.

Nasa secret hideout siya ngayon at pinapakalma ang sarili kasama sina Travis at Carlos sa loob.

Ilang sandali, kaagad bumukas ang pinto at pumasok si Rex. Galit ang mukha nito na lumapit kay Tristan.

"Totoo ba 'yung video?" nakakunot ang kilay nito at nakakuyom ang mga kamay. Tinitigan na lamang ito ng binata at hindi na sumagot. Alam naman ni Tristan na totoo 'yon at walang silbi kung magsisinungaling siya. "I can't believe you can do this Tres. You know how much I liked her, how happy I was when I thought Travis didn't feel the same way. Now this?"

"Rex, stop" pagsaway ni Travis sa binata. Ngayon palang nila itong nakitang galit, at sa kaibigan pa mismo.

"We were better off when you disappeared. And I hoped you didn't came back." dagdag pa nito na lalong nagpalaki ng tensyon sa buong silid.

"How dare you to say that to him? He's our friend kuya." pagsaway din ni Carlos sa kapatid. "We're all friends here. We need to talk about this, not fight."

Tumingin siya kay Rex. Gusto niyang magsalita, pero walang lumalabas sa bibig niya.

Alam niyang simula noon, may gusto ang kaibigan kay Lexi pero mahal din niya ang dalaga at hindi na kayang pakawalan pa lalo na't may nangyari na sa kanila.

"Friends? You call it 'Friendship'? Well, I guess he's not my friend anymore." galit pa'rin na wika nito habang nakatingin kay Tristan at kaagad umalis.

Hinabol naman ito ng kaibigan at kapatid na sina Theo at Carlos, at naiwan silang dalawa ni Travis sa silid.

"Don't mind what Rex said. We're happy that you came back Tres." pagbasag ng katahimikan ni Travis at kaagad lumapit sa kaibigan. "And about what happened between you and Lexi, it's okay. As long as you love her, I'm fine with it. I'm happy she found someone who loves her, something I never did."

Tristan smiled back. He felt a sudden relief and calmness. Sumandal siya sa sofa. Galit si Rex sa kanya at hindi niya rin naman sinasadyang magkakgusto sa babaeng mahal din ng kaibigan.

"Don't worry. Rex just needs time to process everything. Pabayaan nalang muna natin siyang makapag-isip at kumalma." Tinapik ni Travis ang balikat ni Tristan at kaagad lumabas ng silid.

Naiwang mag-isa ang binata. Alam niyang naghihintay si Lexi sa hospital, pero hindi pa magawang umalis.

Tama ang sinabi ni Travis, hahayaan nalang muna niya si Rex. Positibo naman siyang magiging maayos sila ulit ng kaibigan.




Habang papalubog na ang araw, tumayo na si Tristan. Kailangan na niyang puntahan si Lexi. Lumabas siya sa hideout nila at pagkatapos, lumabas na din ng building, nang makasalubong niya si Andrew.

Napalitan nanaman ng inis at galit ang mukha ng binata na parang gusto niyang bugbugin sito.

"I was wrong about you. Hindi ka mapagkakatiwalaan. Akala ko magiging kakampi na kita, but I'm wrong. Determinado ka talaga kay Lexi ano." Ngumisi ito. "Kahit ano pang gawin at pagprotekta mo sa kaniya, makukuha ko din siya. Akin lang siya, tandaan mo 'yan."

Kaagad niyang kinuwelyuhan ang binata sa sobrang galit.

Pero ngumisi lang ito o hindi manlang nag-iba ang emosyon.

The Heartbeat He Can't Ignore (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon