34 : 𝗳𝗶𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗮 𝗺𝗮𝘁𝗰𝗵

17 11 1
                                    

TIFFANY'S POV


Nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa. Kinuha ko ito at bigla akong kinabahan nang makita ang pangalan ni Tristan sa screen. Tumatawag lang ito sa'kin kapag may nangyayaring masama kay Lexi.

"What happened?"

"There's....s-something happened to Lexi." basag-basag ang boses niya sa kabilang linya.

Omg! I need to go to the hospital immediately. Kinuha ko ang bag ko. Sobrang kinakabahan na ako. Ano na naman kaya nag nangyari sa kaibigan ko? Sana okay lang siya.

"I'm on my way." nerbyoso kong sabi.

Damn it! Hindi umuusad ang mga sasakyan sa sobrang traffic!

Bakit ngayon pa?!

Makalipas ang isang oras, at sa wakas nakarating na ako sa parking lot.

Nanginginig ang mga kamay ko habang papalabas ng kotse. Kahit ang susi ay hindi ko mahawakan ng maayos dahil sa nerbyos.

Dali-dali akong pumasok sa ospital at hinanap ang waiting area. Doon, nakaupo, nakayuko, at umiiyak ng tahimik si Tristan.

Tumingin siya nang lumapit ako. Namumula ang mga mata at pisngi at mga mata niya na mas lalo pang nagpakaba sa'kin.

Dinala niya ako sa isang sterile na pasilyo. Huminto kami sa harap ng isang pinto na may nakasulat na 'Room 302'.

Huminga siya nang malalim at hinawakan ang doorknob. Nakikita ko na nanginginig ang mga kamay niya, kagaya ng nararamdaman ko ngayon.

"She's inside." walang emosyong bulong niya. Pero alam kong deep inside, nasasaktan na siya.

Tumango ako. Masyado nang natuyo ang lalamunan ko para magsalita. Sabay kaming pumasok sa kwarto.

Ang amoy ng antiseptic at ang mahina na tunog ng mga makina ang una naming naramdaman sa loob.

Si Lexi ay nakahiga sa kama at ang mukha niya ay maputla. May oxygen mask na nakapatong sa mukha niya na nakakonekta sa oxygen tank na nasa gilid ng kama.

It's a nightmare! What did happened to her?

Pumasok ang doktor at tumingin ito sa amin.

"Her heart is severely damaged. Her heart failure caused a fluid buildup in her body, including the brain. This swelling puts pressure on her brain and lead to coma."

My breath caught in my throat. Coma? How could this be? Akala ko okay lang ang kaibigan ko pero ganito na pala ang nangyayari sa kaniya.

"I tried to warn her about this. Her heart is severely damaged, and at any moment, it could stop. She needs a heart transplant, but she refused. She told me that she's tired and just wants to wait for it to end. She also asked me not to tell anyone. I'm sorry. Her life is in danger right now. We need to find a heart donor immediately. But unfortunately, we haven't found one yet. And even if we do, they still need to undergo testing to see if there's a match for her."

"I'll try if I can be a match." malungkot na wika ni Tristan sa doktor.

Kailangang malaman ng pamilya ni Lexi ang sitwasyon niya ngayon. They need to know about this, even though she told me that they doesn't care, I know they do.




Ilang beses kong tinawagan ang dad ni Lexi gamit ang cellphone niya. Pero ring lang ito ng ring at walang sumasagot.

Wala na akong magagawa kundi puntahan sila sa bahay nila. They need to know about Lexi's condition. Hindi pwedeng wala sila rito ngayon. Kailangan ni Lexi ng karamay.


The Heartbeat He Can't Ignore (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon