THIRD PERSON'S POV
Dalawang bata ang iniwan ng kanilang mga magulang sa labas ng simbahan. Nakatayo lamang sila.
Ilang sandali lang ay hindi napansin ng isang bata na ang kasama niya ay nawawala na.
"Where's your sister Lexi?" tanong ng ama niya.
Lumingon ang bata sa paligid at hindi na niya makita ang kapatid.
"Sabi kong bantayan mo siya diba?! Kahit kailan talaga ang tanga-tanga mo!" bulyaw sakanya ng ina.
Umiyak nalang siya. Hindi niya alam kung anong gagawin.
Hinanap nila sa buong siyudad ang bata ngunit hindi na nila ito nakita. Mahal na mahal niya ang kanyang kapatid at sobra siyang nalungkot simula noong nawala ito.
"It's all your fault!"
..**..
Nagising bigla si Lexi dahil sa napanaginipan niya. Tungkol ito sa kaniyang nawawalang stepsister.
Ang batang iyon, ay anak lamang ng kaniyang stepmother.
Simula noon, siya ang sinisisi nito kung bakit nawala ito.
Bigla siyang bumangon at napansing kakaiba ang paligid niya, at hindi ito pamilyar sa kaniya.
Saka niya palang naalala na kwarto pala ito ni Tristan dahil dito siya natulog sa condo nito, nang maalala ang nangyari kahapon.
Hinipo niya ang ulo niya.
Bakit pa ba niya napanaginipan ulit ang nangyaring matagal na? At pinipilit na niyang kalimutan.
Lumabas siya ng kwarto at nakita si Tristan na nagluluto ng kanilang umagahan.
Lumingon ito sa kaniya.
"Gising kana pala. Umupo ka nalang diyan, malapit naman 'tong matapos."
"Hindi na ako kakain dito. Uuwi na ako."
Hindi na sumagot ang binata, sa halip, inilapag nito ang niluto sa lamesa at sinenyasan ang dalagang umupo na.
"I told you, hindi na ako kakain dito. Ihatid mo nalang ako sa bahay." aniya.
Bumuga ng hangin si Tristan. "Tara." sabi nito sabay kuha ng jacket at lumabas na ng condo.
Nagulat naman ang dalaga, dahil kahit mag-ayos manlang ay hindi na ginawa ng binata.
Kung sa bagay, hindi naman nito kailangang mag-ayos na. Dahil kahit walang ayos ay gwapo pa'rin ito.
Inihatid siya ni Tristan sa bahay nila. Kaagad naman siyang ngumiti rito pero seryoso lang at wala manlang emosyon ang natanggap niya mula sa binata.
Nagpasalamat nalang siya at kaagad nang pumasok ng bahay.
Habang papasok, nakita niya ang isang pamilyar na babae na dahilan ng pagkainis niya.
"What are you doing here? Bakit ka nandito sa bahay namin?" naiinis na tanong niya rito.
Hindi na nakasagot ang babae nang nagsalita ang stepmother niya at lumapit sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Heartbeat He Can't Ignore (COMPLETE)
RomanceLexi Castillo's childhood crush, is about to become her husband, but a new girl's arrival threatened to shatter her dreams. Consumed by jealousy, she lashed out and bullied the newcomer. But then, she met the school's bad boy, who's everyone's afr...