03 : 𝘁𝗵𝗲 𝗻𝗲𝘄 𝗴𝗶𝗿𝗹

41 19 1
                                    

THIRD PERSON'S POV


"Ba't ka nakasimangot?" tanong ni Travis kay Lexi habang nagmamaneho.


"Wala." maikling tugon niya sa binata. Malungkot siya ngayon dahil pinagalitan na naman ng ama.



"Masama ba pakiramdam mo? I'll drop you at your house early para makapagpahinga ka."



"No. I don't want to. Just let me stay here. Ayokong umuwi."



"Did your dad hurt you again?"



Napatingin siya sa binata. Hindi maaaring malaman nito ang ginagawa sa kaniya ng ama.



"How did you know?"



"I just knew...If you don't want to go home, then stay at our house tonight. Your always welcome there. Wala si Dad. May inaayos lang sa company sa ibang lugar, kaya mag-isa lang ako sa bahay."



"Do you want me to sleep at your house tonight dahil wala kang kasama?"



"Gano'n na nga."



Ang malungkot na mukha niya kanina, ay napalitan na ngayon ng saya at kilig.
She doesn't know what kind of spell did Travis cast on her. The only thing that she knows, he always knew how to make her happy.



Pagdating sa Alvarez mansion, kaagad nagluto ang binata nang kanilang hapunan. Pinagmamasdan niya ito habang nagluluto sa kusina.



Bukod sa guwapo, mabait, at matalino, marunong din itong magluto. Para sa kaniya, isa na itong perfect husband at handa nang magkaroon ng sariling pamilya.


Nang matapos na, inihanda na nito ang pagkain. Puro gulay ang nasa lamesa na dahilan ng pagsimangot ng dalaga.



"Don't give me that face. Sinadya kong lutuin 'yan para sa'yo." sambit nito habang inaayos ang plato at mga kubyertos.


"Alam mo namang hindi ako kumakain nito e."


"It's good for your health. Just eat up."


Hindi naman niya maaaring tanggihan ito, kaya pinilit na lamang niyang kainin ito kahit labag sa kalooban.



"Grabe ka naman, ini-ispoil mo talaga ako ng gulay."



"Dapat ka nang masanay. 'Yan ang iluluto ko sayo araw-araw 'pag naging mag-asawa na tayo."



"Grabe ha. Parang papatayin mo naman ako!"



"Kaysa mamatay ka sa sakit sa puso. You know it's good for your health."




"Oo na, ilang beses mo na 'yang sinasabi." nakasimangot siya habang pinipilit nguyain ang gulay.





..**..




"Dito ka nalang sa kwarto ko matulog. Hindi kasi nalinisan ang ibang room. Masama ang alikabok sayo." sabi ni Travis habang inaayos ang kama. "Don't worry hindi naman kita gagalawin, baka atakihin kapa."





Nabigla siya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung kikiligin ba siya o maiinis. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon. Hindi niya alam kung nagbibiro lamang ito o seryoso talaga.



"Hindi pa tayo kasal no, ano ba 'yang iniisip mo? Ang dumi ng utak mo."



"Halos lahat naman ng tao madumi ang utak. Kaya 'wag ka nang magkunwaring hindi madumi ang utak mo. Alam ko namang mas sobra kapa kaysa sa'kin."



The Heartbeat He Can't Ignore (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon