THIRD PERSON'S POV
'1 week later'
Isang malakas na katok sa pintuan ng bahay nina Mr. Alvarez ang narinig nila mula sa labas.
Nagulat sila nang makita ang mga pulis na nakatayo sa tapat mismo ng kanilang pinto.
"Mr. Castillo, we have a warrant of arrest for your wife, Mrs. Karina Castillo. Andrew Vega has stated that she is involved in what happened to your daughter, Lexi Castillo. He claims she instructed him to do it."
"What?! That's a lie! I didn't do anything wrong!" gulat na sigaw ni Mrs. Castillo.
"Please come with us, ma'am. We need to arrest you."
"No...No! Wala akong kinalaman diyan. Sinungaling ang Andrew na yan! Let go of me!"
Aminado si Andrew na hindi lang ito ang may kasalanan sa ginawa nito kay Lexi. Sinabi nito na ang stepmother ni Lexi ang nag-utos sa na dukutin ang dalaga at ilayo. At dahil gusto nitong maangkin si Lexi, ay nagawa nitong kumampi rito.
Ito rin ang dahilan kung bakit nagbago ang pakikitungo ni Mr. Alvarez sa anak. Nilason ni Mrs. Castillo ang isip ng asawa dahil gusto nitong palayasin si Lexi upang si Anika ang makakuha ng lahat ng kayamanan nila.
Lahat ng ito ay napatunayan sa korte, at nakulong si Mrs. Castillo.
Samantala, nagsisisi naman si Andrew sa lahat ng ginawa nito at patuloy na humihingi ng tawad sa pamilya.
..**..
'1 year later'
LEXI'S POV
Isang taon na ang lumipas. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Nakatayo ako ngayon sa harap ng puntod ni Rex, kasama si Tristan. Kahit isang taon na, parang hindi pa rin nawawala ang sakit at ang pangungulila namin sa kaniya.
"I'm so thankful that you saved me Rex. I will take care of your heart for you." Nakangiti ako, tumutulo ang luha.
Inilagay ko ang bulaklak na dala ko sa puntod niya. "I'm sorry if I didn't loved you back. Alam kung mahal mo ako at ngayon ramdam na ramdam ko na dahil sa sakripisyong ginawa mo para mabuhay lang ako. Sana masaya kana ngayon kung nasaan ka man."
"I'm sure he is." Nakangiti si Tristan habang nakatingin sa akin. Nginitian ko rin siya pabalik at sumandal sa balikat niya.
"Hi guys! Sorry we're late!" Masayang sabi nina Theo kasama ang mga kaibigan namin na sina Tiffany, Suzy, Carlos, at Travis habang papalapit sa amin.
May dalang mga pagkain ang mga ito dahil mag-pipicnic kami kasama si Rex. Death Anniversary kasi niya ngayon.
Masaya kaming nagtatawanan at nagkukwentuhan. Lahat ng mga alaalang nangyari last year ay pilit na naming kinakalimutan. Lahat ng 'yun ay isang bangungot na dapat ay ibaon na sa limot.
"So, kailan pala ang kasal niyo?" tanong ni Carlos kay Travis.
"Maybe next month." sagot nito.
Masaya akong ikakasal na siya. Ikakasal na siya sa babaeng mahal niya. I know, it's supposed to be me. But, he loves Anika more. And i'm so happy for the both of them.
BINABASA MO ANG
The Heartbeat He Can't Ignore (COMPLETE)
RomanceLexi Castillo's childhood crush, is about to become her husband, but a new girl's arrival threatened to shatter her dreams. Consumed by jealousy, she lashed out and bullied the newcomer. But then, she met the school's bad boy, who's everyone's afr...