Chapter 22
It’s friday, at ganoon pa rin ang gawi ko. Pagkatapos ng shift ko sa CB Enterprises, mabilis akong umuwi sa condo ni Marco para magpalit ng damit at maghanda para sa klase ko sa hapon. Naghihintay na ang mga kapatid ko sa sala, habang nag-aayos si Mama sa kusina.
"Ate, anong oras ang pasok mo?" tanong ni Mariane habang tinutulungan si Micah sa homework niya.
"May klase ako ng alas-dos, kaya kailangan ko nang umalis," sagot ko habang nagmamadaling nagbibihis.
"Good luck sa klase mo, Ate!" sabi ni Micah habang tinatapos ang sulat niya.
Nagpaalam ako sa kanila at mabilis na lumabas ng condo. Pagdating ko sa campus, saktong nag-uumpisa pa lang ang klase namin. Pagod na ako, pero kailangan kong mag-focus. Ang dami naming kailangang tapusin para sa thesis namin, at alam kong mahalaga 'to para sa future ko.
Pagkatapos ng klase, nagkita-kita kami ng mga groupmates ko para pag-usapan ang mga susunod na steps para sa thesis namin. Nasa isang study area kami, kasama sina Jason, Janine, at Paolo, habang nagde-debrief tungkol sa mga assignments namin.
"Okay, so sino sa inyo ang naka-schedule na para sa interview with our resource person?" tanong ni Jason habang tinitingnan ang notes niya.
"Ako na 'yun," sagot ni Janine. "Naka-set na kami for Friday. I-update ko kayo pagkatapos ng interview."
"Great. Macy, kumusta naman 'yung analysis na ginagawa mo?" tanong ni Jason habang nakatingin sa akin.
"Medyo challenging pero on track naman ako," sagot ko. "May ilang data na kailangan ko pang i-verify, pero kaya ko namang tapusin sa deadline."
"Good to hear," sabi ni Jason. "Kailangan natin ng solid na analysis para sa presentation natin next week. Siguraduhin lang na maayos lahat para smooth ang flow."
Nagpatuloy pa ang usapan namin, inisa-isa ang mga tasks at assignments. Ang dami naming kailangan tapusin, pero supportive naman ang grupo ko. Lahat kami determined na makakuha ng mataas na grade para sa thesis na 'to.
"Janine, ikaw na rin bahala sa visual aids natin, ha?" sabi ni Paolo. "Kailangan natin ng something na visually appealing pero direct to the point."
"Sure, no problem," sagot ni Janine. "I'll make sure na aligned sa content 'yung visuals natin."
Napabuntong-hininga ako habang tinitingnan ang dami ng trabaho namin. Pero kailangan kong kayanin. Kailangan kong mag-focus at gawin ang best ko para sa thesis na 'to. Alam ko na kahit pagod na ako, worth it 'to para sa kinabukasan ko.
Pag-uwi ko sa condo, naabutan ko si Marco na nag-aalaga kay Max habang si Mama naman ay nagluluto ng hapunan. Si Mariane at Micah ay nag-aaral pa rin sa dining table.
"Kamusta ang meeting niyo?" tanong ni Marco habang inaasikaso si Max.
"Okay naman, marami kaming kailangang gawin pero manageable naman," sagot ko habang umupo sa sofa.
"Kung kailangan mo ng tulong, sabihan mo lang ako," sabi ni Marco. "Alam kong stress ka na sa trabaho at school."
"Salamat, Marco. Pero kaya ko naman 'to. Kailangan ko lang talaga mag-focus," sagot ko habang nagse-stretch.
Napatingin ako kay Max, na masayang naglalaro ng mga blocks niya sa sahig. Siya ang pinakabunsong kapatid namin, at kahit nakakastress ang buhay, isang ngiti lang niya, nawawala ang pagod ko.
"How's Max doing?" tanong ko kay Marco.
"Okay naman siya, pero medyo antok na. Mukhang ready na for bed," sagot ni Marco habang inaabot si Max sa akin.
"Halika na, baby. Time to sleep na," sabi ko kay Max habang buhat siya papunta sa kama.
Habang pinapatulog si Max, nag-isip ako tungkol sa lahat ng kailangan kong gawin. Pagod na ako, pero hindi ko pwedeng bitawan ang mga responsibilities ko. Kailangan kong magpakatatag para sa mga kapatid ko, para kay Mama, at para sa sarili ko. Kailangan kong magpatuloy kahit gaano kahirap.
Even though I still have a lot to finish for our thesis, I know something good will happen in the end. For every hardship, there is an exchange of success. And with every sacrifice, there is a good result. Kailangan ko lang maniwala sa sarili ko at magtiwala sa proseso.
Pagkatapos patulugin si Max, bumalik ako sa study table para mag aral ulit. Hindi pwedeng tumigil. Para sa pamilya ko, para sa pangarap ko, at para sa kinabukasan ko.
Monday came so really fast. Sunday rest ko sana pero kailangan kong maasikaso mga kapatid ko kahit katulong ko naman si Mama, pero sa gabi na lang talaga ako nakakapag pahinga ng maayos. Halos wala na akong social life, ni hindi ko na alam kumusta ang iba kong kaibigan. Nag seseen lang ako sa gc namin para sa thesis.
Pagdating ko sa classroom, nagsimula na ang klase, pero nag-focus pa rin ako kahit na pagod na pagod na ako. Hindi pwede magpabaya, lalo na’t thesis discussion na namin. Pagkatapos ng lecture, agad akong tumungo sa library kung saan nag-aabang na sina Jason, Janine, at Paolo.
"Hi, Macy! Ayos ka lang? Mukhang stress ka na ah," sabi ni Paolo habang inaayos ang mga gamit niya.
"Medyo. Sabay kasi yung trabaho at school, pero okay lang, kaya ko 'to, thanks for asking." sagot ko habang pinipilit magpakasigla.
"Perfect! Kasi kailangan na talaga nating i-finalize lahat ng details," sabi ni Jason, ang group leader namin. "So, ganito. Janine, ikaw ang maghahandle ng data analysis, Paolo, sa'yo yung mga graphics and visual presentation. Macy, ikaw na sa documentation at conclusion. Ako na bahala sa introduction at sa pag-coordinate ng flow."
Nagsimula na kaming mag-discuss nang mas detalyado. May mga disagreements pero in the end, nagkasundo rin kami sa mga assignments.
"Okay, Jason, check na 'yan," sabi ni Janine habang nagno-notes. "Paolo, ready na ba yung mga charts?"
"On it! Kailangan lang ng konting tweak, pero tapos na rin 'to by tomorrow," sagot ni Paolo na focused sa laptop niya.
"Good! Macy, kamusta ang documentation?" tanong ni Jason.
"Almost done na, pero kailangan ko pa ng konting inputs sa conclusion. I'll work on it tonight," sagot ko.
"Sige, Macy. Just let me know kung may kailangan ka pa," sabi ni Jason.
Nagpatuloy ang usapan namin, bawat isa nagshe-share ng ideas para mas mapaganda pa ang thesis. Hindi madali ang proseso, pero alam naming lahat na worth it ang lahat ng effort namin.
Matapos ang ilang oras ng pag-uusap, napagdesisyunan naming tapusin na muna ang meeting.
"Alright, guys, I think we're good for today," sabi ni Jason habang nag-aayos ng gamit. "Let’s just keep communicating through chat para masigurong smooth lahat."
"Noted," sagot namin ni Janine at Paolo sabay tayo para mag-ayos din ng gamit.
Habang pauwi, hindi ko maiwasang mag-isip kung gaano ka-stressful ang buhay lately. Pero sa kabila ng lahat, alam kong kailangan kong magpakatatag para sa future namin ng mga kapatid ko. Siguro mahirap ngayon, pero balang araw, magiging worth it din lahat ng ito.
Pagdating ko sa condo, tahimik na ang paligid. Naabutan kong tulog na sina Max at Micah. Si Mariane naman, nagsusulat sa study table niya.
"Bumalik ka na, Ate?" tanong niya nang mapansin akong pumasok sa kwarto.
"Oo, tapos na meeting namin. Kailangan ko pa tapusin yung ibang parts ng thesis namin," sagot ko habang binubuksan ang laptop ko.
"Good luck, Ate. Alam kong kaya mo 'yan," sabi ni Mariane habang nag-smile.
Napangiti ako kahit pagod na. Sa kabila ng lahat ng hirap, ang simpleng encouragement na galing kay Mariane ay sapat na para ituloy ko pa ang laban.
At sa bawat gabing tulad nito, mas lalo kong nararamdaman na kahit anong mangyari, hindi ako pwedeng sumuko. Kailangan ko magpatuloy, kahit mahirap kakayanin ko. . . I have my family by my side, kaya ko 'to basta kasama ko sila. Sana worth it lahat ng 'to.
YOU ARE READING
Beneath the Archers' Sky (Iskolar ng Bayan Series #1)
RomantikIn the busy streets of Manila, under the sky that watches over the University of Santo Tomas, there's a story brewing. Meet Maria Clara Santos, a hardworking woman from a middle class family. She's a breadwinner to support them while chasing her dre...