Chapter 16
It was easy for me to say na magiging okay lang ako, but deep inside I wasn't. I can't move on just like how I said to Gab. Hindi ko kaya, he was my everything from the start. At first, I hated him for being a popular guy in our campus. I hate him for not paying attention to me, I hate him for doing the things na hindi naman siya comfortable lalo na kapag may favor ang mga babae sa kaniya.
"Matutunaw 'yan sa kakatitig mo," utas ni Trisha.
"Is he really popular here?" I asked, out of curiosity.
"Yeah, probably.. He's from engineering department," sabi ng babae.
Hindi ko alam pero when he glanced at me, I feel like my world stopped for a minute. His beautiful eyes met mine, ang malambot niyang labi na I could recognize it even from afar. His eyes is full of love, maybe fate is treating him right. He smile for me, and that's my life begins with him. 'Yung dimple niyang napaka-lalim sa kanan na pisngi niya ay nagpakita nang ngumiti siya sa akin.
His messy but beautiful brows made him perfect. His sharp jawline na kinababaliwan ng mga babaeng estudyante sa kahit saang department. And I was one of them, I didn't really notice that I've fallen for him. Pero siguro hanggang tingin na lang ako sa kaniya.
I hate him for not recognizing me.
"Everyone, meet Alejandro Gabriel Reyes from Engineering Department, he's gonna help us. Reyes, ang partner mo ay si Santos." utas ni Dr. Santos.
The doctor in psychology shared a same surname with me, but we're not blood related. Ganoon naman sa pinas eh, maraming magkakagaya ng apelyido.
Did he just smirked at me?! Wow ha. Bukod sa hindi ako nakikilala, niyabangan pa ako. I hate him! For real! I shouldn't like him. Nakakainis siya.
"Can you just focus? You're such a yapper," utas nito habang ineexplain ko kung paano ang proseso ng gagawin namin.
"Are you insane? Of course I need to explain to you everything for you to understand it, forte ko 'to. It's not that easy, you are a engineering student. Well, kung ayaw mo, I'll stopped." I murmured.
Ang arte! Siya na nga ang tinutulungan, siya pa ang galit. Akala mo kung sino siya! Kung makasta 'kala mo anak ng Presidente ng pilipinas, nakakabadtrip lang 'yung ngisi eh. Halatang tuwang tuwa pa.
"Na-explain na sa akin ni Dr. Santos before he introduced me to all of you, don't waste your time." sabi nito.
"Oh, bakit hindi mo sinabi?" I asked, and rolled my eyes.
"Because... dire-diretso ka na nagsalita, and it's rude to interrupt you while yapping to me. Don't you have friends to yap around?"
Kapal talaga ng mukha! Nakakainis!
"Meron! Si Marco! Hindi naiinis si Marco sa akin kahit I yap a lot! Mananahimik na ako, so, better ask Dr. Santos. Gaya ng sabi mo hindi na ako magsasayang ng oras sa 'yo." sabi ko rito at inasikaso na gagawin ko. Kinuha ko ang gamit ko dahil may kailangan ako hanapin sa library.
"Badtrip," bulong ko sa sarili ko.
"Wait—" I ignored what he was gonna say. Bakit pa siya magsasayang ng oras sa akin? Ayaw niya nga magsayang ako ng oras sa kaniya. Ang dami niyang alam! Ganoon ba talaga ugali niya?! Edi two faced pala siya? Pa cute pa sa mga babae sa hallway!
Jusko! Kung alam lang nila na ganito pala ugali ng lalaki na 'yan, gagawa pa 'yan sila ng club for hating him at automatically sasali ako!
"Oh, what happened?" Marco asked while we eat ice cream here sa ground.
YOU ARE READING
Beneath the Archers' Sky (Iskolar ng Bayan Series #1)
RomansIn the busy streets of Manila, under the sky that watches over the University of Santo Tomas, there's a story brewing. Meet Maria Clara Santos, a hardworking woman from a middle class family. She's a breadwinner to support them while chasing her dre...