Chapter 25
Pagising ko kinabukasan, medyo mabigat pa rin ang ulo ko pero wala akong choice kundi bumangon. It's just another day na kailangan kong kayanin, kahit na alam kong hindi na normal yung nararamdaman ko. Iniisip ko na lang, "Konti na lang, Macy. Makakaraos din."
Habang nag-aalmusal, tahimik lang ako at parang ang layo ng iniisip. Napansin naman 'to ni Mariane.
"Ate, okay ka lang ba? Parang ang tahimik mo lately," tanong niya habang iniayos ang gamit sa mesa.
"Yeah, I'm fine, Mariane. Medyo pagod lang siguro sa thesis at work," sagot ko na pilit na nagiging cheerful. Ayokong mag-alala sila Mama at mga kapatid ko, lalo na si Max na parang napansin na rin na iba ang aura ko.
"Baka kailangan mo na talagang magpahinga, Ate. Mukhang drained ka na kasi," sabi ni Mariane na halata ang concern.
"Don’t worry about me, Mariane. Okay lang talaga ako. Focus ka na lang sa school mo, ha? Lalo na’t malapit na finals niyo," sagot ko habang kinakalma ang sarili.
Tumango lang si Mariane, pero halata sa mukha niya na may pag-aalala. Na-appreciate ko yun, pero hindi ko pwedeng aminin sa kanya ang mga nararamdaman ko. Kailangan kong magpakatatag para sa kanila.
Pagdating ko sa CB Enterprises, inisip ko agad ang mga tasks ko para sa araw na ‘to. Agad akong nagsimula sa mga report na kailangan kong gawin, trying to keep myself distracted. Pero kahit anong gawin ko, nararamdaman ko pa rin yung hilo at sakit ng ulo na hindi na nawawala.
Habang nagpo-focus ako sa spreadsheet, bigla na lang akong nakaramdam ng matinding pag-ikot ng paningin ko. Napahawak ako sa gilid ng mesa, hoping na hindi ko matumba ang mga gamit sa paligid. Hindi ko na kaya ‘to, kailangan ko ng sumandal at huminga ng malalim.
"Macy, okay ka lang ba? Parang ang putla mo," tanong ni Ms. Carla na biglang dumaan sa desk ko.
"Ah, yeah, Ma'am Carla. Sorry, medyo nahilo lang siguro ako," sagot ko na pilit na nagiging normal ang boses.
"Why don’t you take a break? Go to the clinic and have yourself checked. Baka kailangan mo na talagang magpahinga," sabi niya na halata ang pag-aalala.
"Yes, Ma'am. I think I will. Thank you po," sagot ko, kahit na alam kong hindi lang simpleng hilo ang nararamdaman ko. Tumayo ako at dahan-dahang naglakad papunta sa clinic. Habang naglalakad, parang ang bigat ng bawat hakbang ko.
Pagdating ko sa clinic, na-check naman agad ako ng nurse. Normal daw ang blood pressure ko, pero kailangan kong magpahinga. Sinunod ko na lang yun, kahit na ang totoo, gusto ko nang umuwi at magpahinga sa kama ko. Pero kailangan kong bumalik sa trabaho, ayokong mag-absent ng walang rason. Kaya pagkatapos ng ilang minuto, bumalik ako sa desk ko at tinuloy ang mga pending tasks.
Nang matapos ang shift ko, mas lalo kong naramdaman ang pagod. Nakaupo ako sa lobby, hinihintay ang sundo ko. Pero kahit anong gawin kong i-relax ang sarili ko, hindi mawala-wala ang sakit ng ulo ko. Pilit kong kinakalmot ang gilid ng upuan ko, sinusubukan kong mag-focus sa paghinga. Pero habang tumatagal, lumalala yung pakiramdam ko.
Pagdating ko sa condo, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Diretso ako sa kwarto at humiga. Wala na akong lakas na magbihis o mag-ayos pa. Gusto ko lang matulog at kalimutan lahat ng nararamdaman ko. Pero bago ko pumikit, naisip ko bigla yung thesis namin. Napasigaw ako sa loob ng utak ko, "Hindi puwedeng magpabaya, Macy! Kailangan mong matapos ‘to para sa future mo."
Bumangon ako kahit na ang bigat ng katawan ko. Kinuha ko yung laptop at sinimulang buksan yung document namin. I need to finish my part. Kailangan kong i-prove sa sarili ko na kaya ko pa, na hindi pa ako bibigay.
Habang nagta-type ako, napansin kong hindi na normal ang mga salita na nilalagay ko. Parang lutang na lutang ako at hindi ko na ma-process ng maayos yung iniisip ko. Pero kahit ganun, tinuloy ko pa rin. Hanggang sa bigla akong napahinto—hindi ko na kayang ituloy.
Napatigil ako at nilapag yung laptop sa gilid. Pumikit ako at nagdasal. "Please, Lord. Give me strength. Kailangan ko pa tapusin lahat ng ‘to." Pero kahit na anong dasal ko, parang wala na akong energy na magpatuloy. Hinayaan ko na lang ang sarili kong mapagod, bumagsak ang mga kamay ko at tuluyan na akong natulog.
Kinabukasan, bumangon ulit ako. Same routine—trabaho, aral, uwi, pahinga. Pero habang tumatagal, mas nararamdaman ko na yung epekto ng pagod sa katawan ko. Dumaan ang mga araw na parang walang pagbabago, at patuloy lang ako sa ganitong routine. Pero alam ko na malapit na ang deadline ng thesis defense namin, at hindi pwedeng magpabaya.
"Macy, ready ka na ba para sa defense natin next week?" tanong ni Jason habang nag-uusap kami sa hallway ng campus.
"Yeah, medyo kinakabahan pero I think kaya naman," sagot ko kahit na alam kong hindi ako 100% sure sa sagot ko.
"Huwag ka mag-alala, Macy. We got this. You’ve been a great help sa thesis natin, and I know kaya natin ‘to," sabi ni Jason na may encouraging smile.
"Thanks, Jason. I really appreciate that," sagot ko na pilit pa rin ang ngiti. Alam kong malaki ang naitutulong ko sa group, pero sa kaloob-looban ko, kinakain na ako ng takot na baka hindi ko kayanin sa araw ng defense.
Pagkatapos ng klase, nagpunta kami ng groupmates ko sa library para mag-rehearse ng presentation namin. Kahit na sobrang pagod ko na, I tried my best to contribute. Ayokong pabayaan sila, lalo na’t alam kong nagsusumikap rin silang lahat. Nag-usap kami tungkol sa flow ng presentation, at nag-decide kaming magtulungan sa bawat section para masiguradong maayos ang lahat.
"Macy, you’ll handle the analysis part, okay? You’ve done a great job with the data, so it’s only fitting that you present it," sabi ni Jason habang inaalam namin ang assignments.
"Okay, I’ll take care of it," sagot ko na may halong kaba. I know I have to step up, kahit na alam kong may mga moments na parang bibigay na ako.
Nang matapos kami sa rehearsals, dumiretso na ako sa condo. Pagod na pagod na ako, pero kailangan kong mag-review pa rin. Kailangan kong maging handa para sa defense namin.
Pagdating ko sa condo, sinalubong ako ni Max na parang gustong maglaro. Pero hinang-hina na talaga ako. "Ate, laro tayo!" sabi niya habang hawak ang laruan niyang kotse.
"Sorry, Max. Next time na lang, ha? Pagod na si Ate, kailangan ko pang mag-review," sabi ko habang hinaplos ang buhok niya.
Napakunot noo si Max pero tumango na siya. "Okay, Ate. Pero nekt taym ha, pwamis?"
"Promise," sagot ko na may pilit na ngiti. Pumunta na ako sa kwarto ko at hinanda ang mga gamit para mag-review. Pero kahit anong pilit ko, hindi na talaga kaya ng katawan ko. Bumagsak na lang ako sa kama at pumikit.
"Hindi pwedeng magpabaya, Macy. Kailangan mong tapusin lahat ng ‘to," bulong ko sa sarili ko bago tuluyang nakatulog.
Kinabukasan, nagising ako na tila drained pa rin, pero pinilit kong bumangon. Gusto kong i-push ang sarili ko kahit na ang hirap na. Pagdating ko sa campus, medyo maluwag na ang pakiramdam ko. Nagpahinga ako ng kaunti sa library bago mag-class.
Ngunit habang tumatagal, naramdaman ko ulit ang panghihina ko. Sa gitna ng lecture, pakiramdam ko’y nawawala ang focus ko. Nagsusumikap akong mag-concentrate, pero parang may mga bagay na lumilipad na lang sa utak ko. Pinipilit kong maging attentive, pero talagang mahirap na.
Pagkatapos ng klase, nag-meeting kami ng groupmates ko para mag-finalize ng thesis. Ang hirap mag-concentrate, pero ginawa ko pa rin ang best ko. “Macy, thanks for handling the analysis. Mukhang ready na tayo para sa defense,” sabi ni Jason habang nag-uusap kami.
“Yeah, I hope so. Pero we need to make sure lahat ng details ay maayos,” sagot ko kahit na pakiramdam ko’y nanginginig na ako sa pagod.
Habang nagre-review kami, naisip ko kung paano ko mabibigyan ng solusyon ang sakit ng ulo at panghihina ko. Kailangan kong magpakatatag para sa mga kapatid ko at para sa future ko. Pinilit kong mag-focus, kahit na parang nalulunod na ako sa pagod. Sa bawat minutong lumilipas, tinatanong ko ang sarili ko kung hanggang kailan ko pa kakayanin. Pero kahit anong mangyari, hindi ko puwedeng hayaan na lang na mawalan ako ng pag-asa.
YOU ARE READING
Beneath the Archers' Sky (Iskolar ng Bayan Series #1)
RomanceIn the busy streets of Manila, under the sky that watches over the University of Santo Tomas, there's a story brewing. Meet Maria Clara Santos, a hardworking woman from a middle class family. She's a breadwinner to support them while chasing her dre...