Chapter 20

64 0 0
                                    

Chapter 20

"Macy, I need to go home muna. Mom needs assistance in our house, may visitors kasi raw sa house namin. Is it okay?" Marco asked, while I type to his laptop.

"Uy, you don't need my permission naman. Okay lang sa akin, Marco. We're safe na here, ingat ka ha. Ingat sa daan," sabi ko. It's already nine, at kanina ko pa ginagawa itong thesis ko. Iba pa kasi ito, eh. Pero naiintindihan ko naman na ito, kahit mahirap kakayanin. Para rin sa scholarship ko, konti na lang g-graduate na ako at magkakaroon na ako ng degree sa psychology.

Natapos ako sa gawain ko ng two am in the morning na, I had a bunch of coffee sachets in the table. Naka-ilang timpla rin ako ng kape, and finally natapos din ako. Medyo um-o-okay na lagay ni Mama nang silipin ko siya sa kwarto. Tulog na rin ang mga bata, sobrang pagod ko naging emosyonal na rin ako. Sa murang edad naranasan na agad nila lahat ng 'to.

Sa sofa na lang ako natulog dahil wala na akong lakas pa para pumunta ng kwarto at matulog doon. Magsisimula na rin ako mag trabaho bukas, sana umayon na sa aking ang tadhana.

Nagising ako ng alas syete na ng umaga, at alas otso dapat andun na ako. Nataranta na agad ako dahil umiiyak din si Max, binuhat ko si Max habang nagluluto ng almusal nila Mama. Kaya pala umiiyak si Max dahil may sakit siya, naku! may nakain siguro 'to kahapon.

Natataranta na ako, hindi ko alam ang uunahin ko. Pagtapos ko painumin ng gamot si Max tumahan naman na siya, kaya nagkaroon ako ng time para maligo na at mag ayos na. Pag tingin ko sa oras sa phone ko, 7:30 na hindi ko na alam gagawin ko at baka ma traffic pa ako.

Sinabihan ko na si Mariane na bantayan si Max dahil may sakit pero bago ako makalabas ay umiyak na si Max. Please, baby, makisama ka muna. Kahit ngayon lang, please.

"Tahan na, andito na si Ate. . . H'wag na iyak ang baby namin na 'yan," sabi ko. Para akong maluluha na, hindi ko na alam kung makaka abot pa ako. Baka magalit pa sa akin employer ko.

From: Assistant Manager
Ms. Macy, where are you? Naku! Ngayon pa naman bibisita 'yung Boss natin, malalagot tayo nito!

Shit. Please, Max, tumahan ka na. . . Nahihirapan na si Ate. Maluha luha na ako, natatakot ako na mawala sa alin ang trabaho na 'to. Ito na lang pag-asa namin dahil hindi sapat ang binibigay ng scholarship.

Tumunog ang pinto, tunog na may nag pipindot ng pin code sa door. Thank god, Marco! Siya palagi ang savior ko.

"Macy? Bakit ka umiiyak?" tanong niya sa akin.

"Marco, please, pwede pasuyo? Late na kasi ako eh. Naghanda pa ako ng pagkain nila, nilalagnat din si Max at kanina pa umiiyak kaya hindi ako maka-alis. Alas dos na rin ako nakatulog kaya anong oras na ako nagising, hindi rin kaya nila Mariane alagaan si Max-" pinutol ni Marco ang sasabihin ko.

"Shh, Macy. Tahan na, makakahabol ka. Akin na si Max, ako na bahala sa kaniya. Pati kay Tita at kila Mariane." sabi nito.

"Maraming salamat, Marco. Promise, babawi ako sa 'yo." sagot ko at nagmamadali na kinuha mga gamit ko.

"Wait, here. A little help, kumain ka na rin." He uttered. Inabot sa akin ang pera, hindi ko na napigilan nayakap ko si Marco dahil sa tulong niya. Nagmadali na rin ako at nagpaalam na sa kanila na aalis na.

Nung nasa sakayan na ako, pahirapan pa sumakay. Tangina, please, paunahin niyo muna ako. Kailangan ko makasakay.

Papasok na sana ako sa jeep, nauna na ako. Kaso tinulak ako ng babae, kaya natumba ako at hindi nakasakay. Kung sino ka man, sana makarating ka sa pupuntahan mo. 'Yung pag tulak niya sa akin nag dulot pa lalo ng pagka-late ko.

Mabuti at may dumaan agad na jeep at hindi masyadong puno, sumakay na ako roon. Nagbayad ako at napabuntong hininga dahil sa oras. Kaya pa ba? 7:59 AM na. . Makaka-abot kaya ako roon? Will destiny help me today?

Beneath the Archers' Sky (Iskolar ng Bayan Series #1) Where stories live. Discover now